embed embed2
  • Bago ipinanganak ni Karel Marquez Fariñas ang kanyang ikatlong anak noong Hunyo 19, 2019, dumaan siya sa phase na nesting, o iyong paghahanda ng bahay para sa parating na bagong baby. Mayroon siyang ibinahagi na maaring kapulutan ng tip ng mga tulad niyang nanay pagdating sa pag-aayos ng lugar ng kanilang bagong-panganak na baby. 

    Malapit sa entrada ng kwarto ng kanyang baby, na pinangalanan nila ng kanyang asawang si Sean ng Kobe Federico, mayroong isang sulok na may lalagyan ng dry at wet tissue, mga mask, at alkohol. Mayroon din ditong note si Karel: “Kobe’s safety is my priority. No viruses, smoke, and infectious germs inside. Thank you for understanding. Sanitize and mask if you want to touch my newborn son.” (Pangunahin para sa akin ang kaligtasan ni Kobe. Huwag magdala ng virus, usok, o impeksyon o germs sa loob. Salamat sa pang-unawa. Mag-sanitize at magsuot ng mask kung gusto ninyong hawakan ang aking bagong-silang na sanggol.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Karel sa kanyang Instagram post, “Call me strict, OA, exag, and some may roll eyes, but my own son’s safety and health comes first always, especially during the first few months. I can take it, and I would rather people judge me, than my baby getting hospitalized because of a visitor’s cold or virus that you may be unconscious about,” she added. (Sabihin niyo nang ako ay OA, pero uunahin ko ang kaligtasan at kalusugan ng anak ko, lalo na sa mga unang buwan. Mas gusto kong husgahan na lang ako ng mga tao kaysa maospital ang anak ko dahil sa sipon o virus na maaring hindi alam ng bisita ay dala niya.)

    Ang pag-iingat ay hindi lamang ipinapagawa sa mga bisita kundi pati sa pamilya rin ni Karel, at kung sinumang lalapit sa baby. Hiningi ni Karel na respetuhin ang kanyang parenting style kahit man lang sa mga unang buwan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Idinagdag ni Karel na sana ay respetuhin din ang kanilang privacy. Biro niya, “Unli photos (flash) without my consent looking haggard while recuperating after my CS operation and during breastfeeding wag naman po, ha?. All those can wait when we’re relaxed.” (Ang pagkuha ng litrato ko nang wala akong ayos at mukhang ‘haggard’ pagkapanganak ko, nang walang permiso, at habang nagbe-breastfeed — wag naman po ha? Makakapaghintay ‘yan kapag kami ay nakapahinga na.)

    Sa edad na 0 hanggang 3 buwan, protektado ang sanggol laban sa mga virus at bacteria sa tulong ng antibodies na nakukuha niya sa kanyang ina sa pamamagitan ng breastfeeding. Gayunman, nagpapalakas pa ang kanilang immune system, kaya ang ibayong pag-iingat ay kailangang-kailangan sa panahong ito.

    Magaling ang naisip ni ideya ni Karel tungkol sa “hygiene nook” sa kwarto ng kanyang baby. Ang iba naman ay nakikiusap na magsabi muna at magpaalam sa magulang ng baby bago gawin ang anuman.

    What other parents are reading

    Iba pang mga ideya na maari niyong gawin para protektahan ang inyong baby

    Alukin ng lampin ang mga bisita

    Hangga’t maari, magpalit muna ng damit pambahay bago buhatin si baby (o maupo sa kama). Ang lampin ay hindi lamang para pamunas kundi proteksyon din sa germs na maaring nasa damit. Sabihin sa bisita na ilagay ang lampin sa kanilang dibdib o balikat bago buhatin si baby. Maari din mag-offer ng malinis na robe. 

    Maglagay ng karatula na “no kissing or touching baby”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag matakot na pagsabihan ang mga kaibigan at kamag-anak na huwag halikan si baby, lalo na sa mukha. Kung gusto nila, baka maaring sa paa ni baby sila humalik, pero kailangan pa rin nilang magpaalam. Maraming mga sakit ang nalilipat sa pamamagitan ng paghalik o paghawak, at mayroon na ngang nai-report na sanggol na namatay sa meningitis na pinaghihinalaang nakuha sa isang taong may herpes.

    What other parents are reading

    Magpadala muna ng litrato

    Tunay na mahirap ang manganak, kung kaya hindi rin naman madali sa isang ina ang makabawi. Kahit nakaugalian pa ang kumuha ng pictures, huwag mahiyang magsabi sa mga bisita kung hindi mo gustong mai-post sa social media ang litrato mong kinunan nila, o di kaya ay magpadala ka na lamang sa kanila ng litratong komportable kang makita ng iba. 

    Limitahan ang dami ng bisita

    Ang pinakamainam na paraan para malayo sa panganib si baby ay ang limitahan ang mga bibisita sa inyo sa unang mga linggo. Sabihin lamang ito nang maayos sa mga nagnanais dumalaw, at siguradong maiintindihan naman nila. Doon naman sa mga may permisong bumisita, sabihan sila na ipagpaliban muna ang pagdalaw kung hindi maganda ang kanilang pakiramdam.

    Magdaos ng welcoming party!

    Kung napagdesisyunan ninyong limitahan ang inyong mga bisita pagkapanganak, maari rin kayong magplano ng isang get-together kapag 3 buwan na si baby o higit pa (o kapag nabigyan na siya ng unang round ng bakuna), para magkaroon ng pagkakataon na makapagkumustahan sa mga kaibigan at kamag-anak na gusto kayong makita (pwede ring itaon ito sa binyag ni baby). Tandaan lamang na mananatili pa rin ang mga rules na nasabi sa itaas bilang pag-iingat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang impormasyong nakalahad dito ay hango mula sa Genius! Karel Marquez Sets Up Son's Nursery With 'Hygiene Nook'

    What other parents are reading

       

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close