Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kaya Nang Umupo Ni Baby! Anong Mga Dapat Asahan At Bantayan?

    Kalimitang nagsisimulang maupo ang mga bata kapag four-months-old na sila.
    by Ana Gonzales .
Kaya Nang Umupo Ni Baby! Anong Mga Dapat Asahan At Bantayan?
PHOTO BY Frances Rafio Feliciano / Kaye De Guzman
  • Kung sa unang dalawa hanggang tatlong buwan ng anak mo ang kaya pa lang niyang gawin ay ngumiti, magsara ng kanyang mga kamay, at mag-angat ng kanyang ulo, ngayong mas malaki na siya, mas nakakamangha na ang mga kaya niyang gawin.

    Ngayong apat na buwan na siya, dito mo mapapansing unti-unti na niyang susubukang umupo. Ayon sa isang article mula sa Parents, hindi ito dapat minamadali. Sabi ni Dr. Kurt Heyrman, isang pediatrician, mayroong mga batang natutuong maupo kapag nine months old na sila.

    PHOTO BY Paui Serrano Yaptangco
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung tuturuan mo ang iyong anak na umupo, kailangan mong siguraduhing mayroon na siya ng mga tamang motor skills. Kaya na niyang buhatin pataas ang kanyang ulo at kaya na rin niyang magbalanse.

    PHOTO BY Dee Donato

    Malaki ang maitutulong ng tummy time para matutunan ng anak mo ang mga importanteng motor skills na ito. Kaya bata pa lang siya, kailangan ay regular ang kanyang tummy time at madalas mo ring binabago ang kanyang position sa crib o sa kanyang mat. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Frances Rafio Feliciano

    Karamihan sa mga babies ng mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village ay natutong umupo sa kanilang fourth month. 

    PHOTO BY Kaye De Guzman
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa tummy time, makakatulong din para maturuan mong umupo ang iyong anak kung iuupo mo siya sa iyong lap. Maaari ring maupo kayong mag-ina sa sahig at ilagay mo siya sa pagitan ng iyong mga binti.

    PHOTO BY Mariane Camacho

    Makakatulong din ang mga upuan na may sandalan para ma-train si baby sa sitting position. Basta's siguraduhin mong marami kayo ng tinatawag na "floor play" o iyong mga activities at laro na kailangan ay nasa sahig si baby. Makakatulong ito para mapalakas ang kanyang mga muscles at masanay siyang magbalanse.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Alelly Cablao Hernane

    Kapag napansin mo na mas nagiging independent na sila pagdating sa pag-upo, pwede mo na silang hindi ilagay sa pagitan ng iyong mga binti at palibutan na lang ng mga foams o di kaya ay unan. Maaari ring sa playmat mo sila ilagay para tumaob man sila, hindi sila tatama sa mismong sahig. Basta's siguraduhin lang na hindi sila maiiwang mag-isa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Alyssa Ludovico Alonde

    Para masiguro ring ligtas si baby habang nag-aaral pa siyang umupo, siguraduhin mong walang choking hazards ang malapit sa paligid niya. Makakatulong rin kung nasa sahig ka para makita mo kung may mga bagay na maaaring maabot niya na makakasama sa kanya. 

    PHOTO BY Apple Fuentevilla Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan mo na ang pag upo ng walang pag-alalay ay nangangailangan ng lakas. Nakakapagod ito para sa mga maliliit na bata. Kung iuupo mo sila sa baby chair, siguraduhin mong mayroon itong seatbelt o ano pa mang safety measures. 

    PHOTO BY Ayn Rand Daphne Sanchez Bangay

    Kung hindi pa rin nakakaupo ang anak mo kahit na nine months na siya, kailangan mo agad itong ipagbigay alam sa kanyang pediatrician. Bagaman iba-iba ang development ng mga bata, maaaring maging senyales ito ng tinatawag na motor skill delay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Jasmin De Guzman Aggarao

    Ayon sa Healthline, ilang posibleng senyales ng delay ay ang paninigas ng mga muscles o kawalan ng malakas na head control. Kung hindi inaabot ng mga anak mo ang mga bagay sa paligid niya para isubo, maaaring senyales din ito ng motor skill delay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Jenny Wong

    Huwag ka agad mag-panic kung hindi agad makaupong mag-isa ang anak mo. Tandaan, huwag ikumpara ang anak mo sa ibang mga bata. Mayroon silang kani-kaniyang panahon ng pagdevelop. 

    Narito pa ang ilan sa mga cute na cute na larawan na ipinadala sa amin ng mga nanay sa Smart Parenting Village

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Jhen Cruzat Flores
    More from Smart Parenting

     

    PHOTO BY Mary Joyce Fullado Aguja
    More from Smart Parenting
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    PHOTO BY Amabel Jane Pusing Concepcion
    More from Smart Parenting

     

     

    PHOTO BY Maria Melissa
    More from Smart Parenting
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    PHOTO BY Kaye De Guzman
    More from Smart Parenting

     

    Mayroon ka bang mga baby milestones na gusto mong ibahagi sa amin? Maaari mo itong ipadala sa pamamagitan ng pagsali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles