-
Listahan ng mga Bakunang Kailangan ni Baby: Childhood Immunization Schedule 2019
by Lei Dimarucut-Sison .
- Shares
- Comments

Labing-tatlo ang bilang ng mga bakuna na inirerekomendang ibigay sa kabataang Filipino edad 0 hanggang 18 taong gulang, ayon sa pinakahuling childhood immunization schedule.
Noong 2018, tinanggal ang dengue vaccine sa listahan. Ngayong taon, dahil sa naideklarang measles outbreak noong Pebrero, nagbigay naman ng rekomendasyon na bigyan ang mga sanggol na edad anim na buwan ng measles vaccine sa mga panahong ganito (karaniwang ibinibigay ang measles vaccine sa mga 9 na buwan na sanggol).
Bukod sa chart, naglalaman din ang guide ng listahan ng bakuna para sa “high-risk groups” at ng summary guide ng bakuna para sa “pre-adolescents” at “adolescents” (edad 7 hanggang 18 taong gulang). Ang schedule na ito ay inihanda ng Philippine Pediatric Society (PPS), Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), at Philippine Foundation for Vaccination (PFV).
Ang dengue vaccine, na nasangkot noon sa kontrobersya, ay wala na sa immunization schedule. Gayunpaman, inirerekomenda pa rin ng World Health Organization (WHO) at ng PIDSP na bigyan ng dengue vaccine ang mga batang edad 9 taon pataas na dinapuan na noon ng dengue fever.
What other parents are reading
Narito ang kabuuan ng 2019 childhood immunization schedule. Gamitin ito bilang patnubay, ngunit kumonsulta rin sa pediatrician ng inyong anak ukol sa mga bakuna. Ayon sa mga doktor, “individual circumstances may warrant a decision differing from the recommendations given.” (May mga pagkakataon na kailangang baguhin ang nasa listahan ayon sa natatanging kalagayan ng inyong anak.)
Ang 2019 Childhood Immunization Schedule, base sa chart mula sa PIDSP*ILLUSTRATOR Cyrille CalderonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTandaan na ang ilan sa mga bakunang ito ay kailangang ibigay muli kapag dumating na sa tamang edad ang inyong anak. Magtago ng record o listahan ng schedule ng kanyang pagpunta sa doktor upang hindi makaligtaan ang pagbibigay ng mga susunod pang shots.
Sa chart sa itaas, ang yellow bar ay palatandaan ng edad ng bata kung kailan maaring ibigay ang bakunang tinutukoy. Ang green bar ay para sa mga batang hindi nabigyan ng bakuna sa tamang gulang — “catch-up immunization” ang tawag dito, na edad ng bata kung kailan pwedeng ibigay pa ang nalaktawang bakuna. Hindi ito kapareho ng booster shot, na sadyang kasama sa schedule upang palakasin ang epekto ng naunang dose.
Iyon namang may asterisk (*) ay mga dose ng bakuna na kailangang ibigay nang may apat na linggong pagitan.
Ibinibigay agad ang Hepatitis B Vaccine (HBV) at Bacillus Calmette-Guarin (BCG) vaccine pagkapanganak ng bata. Tandaan na mayroon pang mga karagdagang doses ang HBV.
Kasabay ng checkup ni baby sa una o ikalawang buwan pagkatapos syang ipanganak, bibigyan sya ng ilang mga bakuna ayon sa chart (kapareho rin ito ng chart ng inyong pediatrician). Maaring bigyan kayo ng inyong doktor ng immunization record book para inyong gamiting record ng bakuna ni baby.
What other parents are reading
Importante na inyong itala ang mga bakuna ng inyong anak dahil hinihingi ng mga eskwelahan ang immunization records bilang requirement kapag nasa edad na ang inyong anak na pumasok sa preschool.
Ang mga bakunang ibinibigay bilang bahagi ng National Immunization Program ay ang mga sumusunod, pati na ang schedule. Ang mga ito ay libre sa health centers para sa mga batang Filipino.
CONTINUE READING BELOWwatch now- Bacille Calmette-Guérin vaccine (BCG); pagkapanganak
- Hepatitis B vaccine (HBV); unang dose, pagkapanganak
- DTwP-Hib-Hep B vaccine
- Polio vaccine
- Pneumococcal conjugate vaccine (PCV)
- Measles-Mumps-Rubella vaccine (MMR)
- Tetanus-Diptheria vaccine (Td)
- Human Papillomavirus vaccine (HPV)
Sa ngayon, mayroon pa lamang Japanese encephalitis vaccine sa mga piling lugar.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), “Nearly all children can be safely vaccinated.” (Halos lahat ng bata ay maaring mabakunahan nang ligtas.)
Gayunpaman, hindi kasali sa mga ito ang mga batang may allergies at may high-risk conditions gaya ng sakit sa puso, baga, o bato.
Ang bakuna ay mabisang panangga laban sa mga malubha at nakamamatay na sakit. Epektibo rin nitong naaawat ang pagkalat ng mga sakit at mga komplikasyong kanilang dulot, ayon sa CDC. Pinoprotektahan ng bakuna hindi lamang ang inyong anak, kundi pati ang kanyang mga kaklase, kalaro, kaibigan, at ang buong pamayanan.
Ang kabuuang Childhood Immunization Schedule 2019, kasama ang listahan ng mga bakuna para sa bata sa bawat edad, at ang impormasyon ukol sa bawat bakuna ay makikita sa PFV website.
* Ang orihinal na chart ay naglalaman ng sumusunod na disclaimer:
The Childhood Immunization Schedule presents recommendations for immunization for children and adolescents based on updated literature review, experience and premises current at the time of publication. The PPS, PIDSP and PFV acknowledge that individual circumstances may warrant a decision differing from the recommendations given here. Physicians must regularly update their knowledge about specific vaccines and their use because information about safety and efficacy of vaccines and recommendations relative to their administration continue to develop after a vaccine is licensed.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa:
Childhood Immunization Schedule 2018: List of Vaccines Your Baby Needs
Childhood Immunization Schedule 2019: Vaccines Your Child Needs From Birth to 18 Years Old
What other parents are reading

- Shares
- Comments