embed embed2
  • 8 Cloth Diaper Brands At Sellers Na Paborito Ng Mga Nanay

    Kung balak mong mag-switch sa cloth diapers, narito ang ilan sa mga brands na pwede mong subukan.
    by Ana Gonzales .
8 Cloth Diaper Brands At Sellers Na Paborito Ng Mga Nanay
PHOTO BY iStock
  • Mahirap mang maglaba ng mga cloth diapers, hindi mo pa rin maikakaila ang mga advantages na mayroon ito. Isa na riyan ang pagiging environment-friendly nito. Mas malaki rin ang chance na hindi ma-allergy o ma-irita ang balat ng anak mo kung cloth diaper ang gamit mo. Bukod pa riyan, hindi hamak na mas mura ang cloth diapers kumpara sa disposable diapers. 

    Kung iniisip mong lumipat na sa cloth diapers narito ang ilan sa mga brands at sellers na highly recommended ng mga nanay na member ng aming Facebook group na Smart Parenting Village:

    EcoBum Cloth Diaper

    (Facebook: @EcoBumPh)

    Marami kang pagpipilian sa mga cloth diapers ng EcoBum, ngunit ang pinakapaborito ng mga nanay ay ang Elite Ai2.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maganda kasi ang absorption nito kaya pwedeng-pwede itong gamitin kahit overnight. Nagkakahalaga ito ng Php750. Pwede rin itong i-upgrade sa Night Time Heavy sa halagang Php850.

    Nagkakahalaga ng Php600 hanggang Php700 ang kanilang mga diapers. Mayroon din silang booster pads na nagkakahalaga ng Php600.

    What other parents are reading

    Alva Cloth Diaper

    Mabibili mo ang one size pocket diaper na ito sa Vezees Closet (Facebook: @vezeescloset). Gawa ang outer layer nito sa waterproof at breathable PUL, samantalang gawa naman sa suede cloth ang inner layer nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Php1,100 ang limang piraso nito sa kahit anong design. Sa halagang ito, mayroon na ring kasamang limang piraso ng 3-layer microfiber insert.

    What other parents are reading

    Eco Nappies

    (Facebook: @econappies.ph)

    Mabibili mo naman ang mga ito sa Tedey’s Closet. Marami silang magagandang designs na pwede mong pagpilian at gawa rin sa magagandang materyales ang kanilang mga cloth diapers. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang cloth diapers na terno sa damit ng mga bata. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    SBZ SnuggleBunz

    (Facebook: @SBZclothdiaper)

    May mga cloth diapers sila na gawa sa local fabrics at mayroon din namang gawa sa US fabrics. Dito nakadepende ang kanilang presyo.

    Mabibili mo sa halagang Php780 hanggang Php830 ang mga cloth diapers na gawa sa local fabrics habang nagkakahalaga naman ng Php900 hanggang Php1,190 ang mga gawa sa imported na tela. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Presko Time Cloth Diaper

    (Facebook: @whitesnaps)

    Kung naghahanap ka naman ng mga bundles, pwede kang bumili sa White Snaps ng Presko Time Cloth Diaper. 

    Nagkakahalaga ang kanilang bundles of 5 ng Php1,000 habang ang kanilang bundle of 3 naman ay nagkakahalaga ng Php600.

    Whimsy Filly

    (Facebook: @whimsyfilly)

    Mas abot-kaya naman ang mga cloth diapers dito sa Whimsy Filly. Sa halagang Php770, mayroon ka nang walong piraso ng mixed cloth diapers.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasama sa walong pirasong ito ang dalawang piraso ng hybrid fitted cloth diapers, dalawang piraso ng Presko Time cloth diapers at apat na piraso ng Presko Time Trainers.

    Quiglebum

    (Facebook: @quiglebum)

    Magaganda rin ang varieties sa Quiglebum. First choice sila ng mga nanay na naghahanap ng cloth diapers na madaling lagyan ng pads. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkakahalaga ng Php200 ang isang cloth diaper at may kasama na itong 3-layer microfiber insert. 

    What other parents are reading

    Butt Talks! yes, it does!

    (Facebook: @BUTTTalksbyMommyJosanne)

    Siguradong magugustuhan mo rin ang mga varieties na makikita mo dito. Bukod kasi sa magaganda ang designs, marami ka ring pagpipilian. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa umpisa ay mukhang intimidating ang mga cloth diapers, pero kung titignan mo, noon pa naman ay cloth na talaga o lampin ang gamit ng mga nanay. Para mas maintindihan mo kung paano gamitin ng tama ang mga cloth diapers, pwede kang sumali sa mga cloth diapering groups tulad ng Cloth Diaper Advocates Philippines (Facebook: @clothdiaperaddictsph).

    Kung nag-aalala ka dahil sa dami ng lalabhan mo at sa hirap ng pagtatanggal ng mga mantsa, madali na lang iyang solusyonan sabi ng mga nanay. Ayon sa kanila, kapag nag-poop si baby sa cloth diaper, kailangan mo na tong i-treat o ibabad mo na agad ito para hindi magmantsa. Nasa pagpili lang din daw iyan ng tamang insert. Kapag nahanap mo na ang bagay na kapal base sa pangangailangan ng anak mo, hindi ka na mag-aalalang kailangan mo siyang palitan habang natutulog siya.

    Nasubukan na ba ng anak mong gumamit ng cloth diaper? Kumusta naman ang experience ninyo? I-share mo lang sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles