embed embed2
  • 'Nagpapapansin Lang 'Yan' At Iba Pang Myths Tungkol Sa Pag-iyak Ni Baby

    Totoo nga bang dapat mo lang hayaang umiyak ang anak mo?
    by Ana Gonzales .
'Nagpapapansin Lang 'Yan' At Iba Pang Myths Tungkol Sa Pag-iyak Ni Baby
PHOTO BY Shutterstock/leungchopan
  • Hinahayaan mo lang bang umiyak ang anak mo o pinapatahan mo siya agad? Sinasabihan ka rin bang hindi mo siya dapat sanayin sa karga? Alin nga ba ang dapat at hindi dapat pagdating sa pag-iyak ni baby?

    Ano ang controlled crying?

    Matagal nang usap-usapan at pinagde-debatihan sa parenting community ang tinatawag na 'controlled crying'.

    Ito ay isang sleep training method kung saan hinahayaan ng magulang o caregiver ang baby na umiyak, ayon sa website na Healthline.

    Habang tumatagal ay mas pahaba nang pahaba ang panahon na hahayaan ang bata na umiyak bago ito aluin hanggang sa masanay ito na wala nang aalo sa kanya kapag umiiyak siya.

    Sinasabi o pinaniniwalaan ng ilan na maganda itong paraan para matuto ang bata na mag self-soothe o makatulog nang mag-isa.

    Anong pinagkaiba ng controlled crying sa extinction method?

    Sa extinction method, hinahayaan lang umiyak ang bata nang walang intervention. Samantala, sa controlled crying, nagi-intervene ang magulang o tagapag-alaga, ilang minuto ng pag-iyak ng bata.

    Kontrobersyal ang desisyon na hayaang umiyak ang bata hanggang makatulog ito. Alin nga ba ang tama at dapat gawin ng mga magulang?

    2 common myths na may kinalaman sa pag-iyak at pagtulog ni baby

    Myth 1: Minamanipula ka ng anak mo kung ayaw niyang matulog

    Isinulat namin sa isang naunang Smart Parenting article na maaaring masyadong mataas o malayo ang expectations mo sa sleep routine ng anak mo kaya hirap kang i-manage ito.

    Umiiyak ang anak mo kapag iniiwan mo siyang mag-isa para matulog dahil instinct niya ito, ayon sa mga eksperto—instinct na noon pa man ay mayroon na sa mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pag-iyak, hindi pagsunod, at pagwawala ng anak mo tuwing aalis ka ay hindi manipulasyon. Normal lamang na makaramdam siya ng takot.

    Myth 2: Kailangang matuto ang anak mo na mag self-soothe

    Ang 'self-soothing' ay maaari ring tawaging emotion regulation. Ito ang kakayahan ng isang tao na pahintuin ang isang emosyon bago pa ito mawala sa kontrol.

    Paliwanag ng mga eksperto, wala pang kakayahan ang mga maliliit na bata, lalo na ang mga sanggol, na gawin ito.

    Iniisip rin ng ilang mga magulang na lalaking spoiled ang bata kapag binuhat o pinansin siya ni mommy o ni daddy kapag umiiyak siya. Pinatunayan na ng mga eksperto na walang katotohanan at batayan ang paniniwalang ito.

    Sa katunayan, mas makakabuti pa nga sa anak mo na malamang nariyan ka para sa kanya mabuti man o hindi ang kanyang pakiramdam.

    Ayon sa mga eksperto, may ligtas na paraan para gawin ang controlled crying. Halimbawa, ginagamit lang dapat ito para sa mga sanggol na anim na buwan pataas hanggang toddlers.

    Hindi rin ito dapat para sa mga batang may sakit o kasalukuyang dumadaan sa malalaking pagbabago tulad ng teething at iba pang developmental changes.

    Para mas makasigurong magiging ligtas ang anak mo sa sleep training method na pipiliin mo, ugaliing kumonsulta muna sa doktor.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles