embed embed2
New Parents Cong TV, Viy Cortez On Moms: 'Hindi Sila Housewife Lang. Partida, Walang Sahod Yun'
PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /CONGTV, /VIYCORTEZ
  • Wala pang isang buwan si Zeus Emmanuel o Kidlat sa buhay ng Team Payaman power couple na sina Lincoln "Cong TV" Velasquez at Viy Cortez, pero hirap na hirap na raw sila bilang mga bagong magulang.

    Kuwento ni Viy sa kanyang vlog na "FIRST TIME MOM," ilang oras pa lamang nakakauwi si Baby Kidlat sa kanilang bahay, ay binalik nila ito sa ospital dahil nilagnat ito. Hindi na raw nila nai-vlog ito dahil sa sobrang stressed nila. July 5 nang ipinanganak ni Viy si Kidlat via C-section.

    "Na-ER si kidlat kasi na-dehydrate na siya, nagka-fever siya dahil sa dehydration. Hindi naman malala, syempre nakaka-aning yun kasi kulang pala yung nadedede nya sakin. So natrauma ako nun, ayoko umuwi," sabi niya.

    Malalaman kung dehydrated ang isang sanggol base sa bilang ng basang diapers nito. Basahin dito.

    Hindi OA

    Ito ang dahilan kung bakit raw kumuha sila ng nurse, at hindi lang dahil overacting o OA sila. May nagbabantay kay Kidlat 24/7, may morning shift at night shift, at syempre, tutok na tutok din si Viy na halos isang oras na lamang ang tulog.

    Pinakita rin ni Viy ang notebook kung saan naka-log ang lahat ng detalye ni Kidlat: breastfeeding duration, feeding times, temperature, heart rate, at vital signs monitoring, ilang beses dumudumi at umiihi para raw handa sila pag nagtanong ang pedia.

    Naka-log lahat ang mga vital signs at daily feeds ni Kidlat
    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIYCORTEZ
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hinangaan naman ng kanilang mga followers na isang Muslim na nurse ang kinuha nilang katuwang sa pag-alaga kay Kidlat. Sabi ni Cong, nurse ito sa neonatal intensive care unit (NICU) kaya panatag sila. Ngayon daw ay maayos na ang kondisyon ni Kidlat.

    Sabi ng isang netizen, "Bilang isang Muslim, natutuwa kaming makita sa iyong vlog na Muslim nurse ang inyong kinuha. Kayo ang tunay na blessings sa lahat. Maraming salamat po Ma'am Viy for respecting our religion."

    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIYCORTEZ

    Breastfeeding struggles

    Idinetalye naman ni Viy ang kanyang struggle sa pag-breastfeed kay Kidlat. Umiiyak daw siya minsan dahil sa hirap lalo pa noong wala pa silang routine ni Kidlat.

    "Pinaka-problema ko, feeling ko kulang yung napupump ko at nadedede niya. So kailangan ko magpump ng magpump. Sobrang sakit tapos wala namang nalabas," sabi niya.

    Bukod sa pagpapump, makakatulong ang unli-latch para palakasin ang breastmilk. Basahin dito.

    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIYCORTEZ
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag pa niya, "Parang wala kang kwentang ina, ganun yung pakiramdam. Sabihin niyo nang OA, pero ganun yung pakiramdam pag kulang yung breastmilk mo. Nag-aalala ka baka gutom siya, tapos pag nag-pump ka wala namang nalabas."

    READ ALSO: Experts Say Women Who Feel Pressured To Breastfeed Need Emotional Support

    Sabi ni Viy, may mga nakakausap siyang kapwa nanay na pinapalakas ang loob niya. "So nagtatanong lang ako sa mga kapwa ko nanay para makayanan ko itong journey na ito." 

    Malaking bagay ang magkaroon ng support group sa breastfeeding. Basahin dito.

    Life changes

    Kuwento pa niya, maraming nagbago sa buhay nila ni Cong simula nang dumating si Kidlat. Bilang CEO ng isang skincare line, hindi na daw magawa ni Viy na asikasuhin ang kanyang business.

    "Partida may mga katuwang talaga ako ha, may katuwang ako dito, talagang saludo ako sa mga, kaya nga ganun yung vlog ni Cong eh, kasi talagang nakita niya na paano yung mga nanay na mag-isa? kasi ako nakita nya hirap na hirap ako, meron pa kong kasama."

    Ang tinutukoy niya ay ang vlog ni Cong na "DAKID" kung saan sinubukan naman ni Cong mag-alaga kay Kidlat - simula sa pagpapaaraw, pagbibihis ng damit, paglinis ng maduming diaper, at pagpapainom ng vitamins.

    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /CONGTV
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi naman ni Viy, "Pero ayokong i-pressure yung sarili ko, kasi talagang focus ko muna si Kidlat ngayon. Yung ibang bagay pangalawa nalang sa priority ko, talagang ang priority ko ngayon siya, wala nang iba."

    "So sabihin niyo nang OA ako, ang dami naming alam, pero talagang doble ingat na ako, why not diba. Wala namang masama kung mag-OA kasi lalo na first time mo, so ako talaga, day," dagdag pa niya.

    Sa vlog ni Cong, kinamusta din niya si Viy bilang bagong nanay. Ayon kay Viy, dahil wala siyang tulog madalas ay "pa-zombie" na siya, pero si Cong, "fresh na fresh" at nakakatulog pa ng higit sa walong oras.

    READ ALSO: Baby Sleep Guide: What to Expect During Your Baby's First Year

    Saludo sa mga nanay

    Dito nila napag-usapan kung paanong naitataguyod ng mga nanay ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang mag-anak ng mag-isa, lalo na ang mga single moms o yung mga may asawa na OFW.

    Sabi ni Cong na panganay sa magkakapatid, "Shoutout kay mama. 'Di ko ma-imagine hirap mo nung niluwal mo ako at ikaw lang mag-isa, dahil nasa Japan si Papa."

    Dito nila napagtanto na hindi biro magpalaki ng anak. Ayon kay Cong, si Viy, may dalawa nang katuwang, hirap na hirap pa rin siya. 

    "Hindi sila housewife lang, isa silang alamat. Partida walang sahod yun, guys," diin ni Cong.

    Bagong magulang din ba kayo tulad ni Cong at Viy? Sali na sa aming Facebook group, ang Smart Parenting Village, para makakuha ng tips mula sa kapwa magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles