;
embed embed2
  • 'Dapat Paliguan Si Baby Araw-Araw' At Iba Pang Outdated Baby Care Advice Na 'Di Na Dapat Sundin

    Nilinaw ng doctors at experts ang tungkol sa pitong outdated advice na ito.
    by Judy Marie Santiago Aladin .
'Dapat Paliguan Si Baby Araw-Araw' At Iba Pang Outdated Baby Care Advice Na 'Di Na Dapat Sundin
PHOTO BY SHUTTERSTOCK
  • Hindi madali maging isang bagong magulang. Kahit na mayroon nang access sa internet, iba-iba pa rin ang mga karanasan ng bawat mommy o daddy. May mga paniniwala ang nakatatanda na paso na, pero pinipilit pa rin dahil gumana di umano sa kanila. Kaya lang minsan, imbis na makabuti ang mga payong ito ay nakasasama pa.

    Malaki ang tulong ng pagkakaroon ng mga support groups tulad ng Smart Parenting Village, kung saan nalalaman ng mga parent members ang mga pinagdadaanan ng mga kapwa newbie at beterano sa pagiging magulang.

    Higit ding nakapagbibigay tulong ang mga payo ng eksperto. Kaya narito ang mga makalumang paniniwala o advice na marahil narinig mo na, at ang sabi ng mga eksperto ukol dito.

    7 makalumang payo o 'baby care myths' na hindi mo na dapat sundin bilang magulang.

    Baby Care Myth 1: Dapat paliguan si baby araw-araw. 

    Ayon kay Dr, Jamie Isip-Cumpas, isang pediatrician sa Parkview Children’s Clinic sa Makati, hindi kailangan paliguan si baby araw-araw. “It’s recommended that you only bathe your baby thrice a week,” diin niya. Pwede mo naman siyang punasan sa mga lugar na laging pinagpapawisan, gaya ng leeg at singit. Lalo na ngayong panahon na hindi naman pwedeng ilabas ang mga baby, punas-punas lang ay sapat na. 

    Baby Care Myth 2: Punasan ng bimpo na may tubig at alcohol si baby kapag may lagnat.

    Taas kamay ang gumaling sa lagnat noon dahil ganito ang ginawa ng mga nanay natin! Ngunit ayon sa pediatrician at infectious disease specialist na si Dr. Carmina Arriola-Delos Reyes, hindi ito dapat gawin dahil maaaring maabsorb ng katawan ang alcohol at baka magkaroon pa ito ng toxic na epekto kay baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Baby Care Myth 3: Magiging spoiled ang baby kapag laging kinakarga.

    Madalas mo bang pinipigilan ang sarili mong kunin si baby dahil baka punahin ka ng mga kasama mo sa bahay na lalaking spoiled ang anak mo? Ayon sa mga eksperto, hindi makasasama sa bata kung madalas mo siyang bubuhatin. Masakit lang sa braso, siyempre, pero mas may maidudulot na maganda ito para sa kanya dahil nararamdaman niya ang presensya mo, tulad noong nasa sinapupunan mo pa siya.

    Baby Care Myth 4: Hindi pwedeng bigyan ng bakuna si baby kung meron siyang sipon o sinat.

    Ayon sa CDC, kung ang baby mo ay mayroong ubo, sipon, o lagnat, hindi ito dahilan upang ipagpaliban ang pagbibigay ng bakuna niya. Ang mga mild na karamdamang ito ay hindi daw makaka-apekto sa kung paano tatanggapin ang bakuna ng katawan niya. Mas mahalaga pa rin na mabigyan ang iyong anak ng bakuna ayon sa tamang schedule.

    Baby Care Myth 5: Kailangan i-sterilize ang mga bote ng baby tuwing ginagamit ito.

    Ang paghuhugas at pagpapakulo ng bote ang isa sa mga nakaka-ubos sa oras ng mga bagong magulang. Pero ayon kay Dr. Erika Landau, pediatrician sa New York City, kailangan lamang i-sterilize ang mga bote at tsupon bago mo ito gamitin sa unang beses. Pagkatapos nito, hugasan na lamang ito gamit ang tubig at sabon.

    Baby Care Myth 6: Kailangan sundin ang feeding schedule ni baby.

    Hindi dahil sinabing padedehin kada dalawang oras ang iyong baby ay nangangahulugang mag-a-alarm ka na at gigisingin mo siya kapag oras na. Ayon sa isang study, mas mabuting padedehin ang iyong baby kung kailan niya gusto o tinatawag nilang feeding on demand. Sabi pa, ang mga baby na lumaki sa ganitong routine ay magiging mas mataas ang IQ kaysa sa mga baby na pinapadede base sa schedule.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Baby Care Myth 7: “Gifted” ang mga batang nauuna sa mga milestones.

    Madalas ikumpara ng magulang ang anak sa ibang baby na nakikita sa social media. Kesyo naglalakad na yung anak ng friend mo, 8 months old palang! O di kaya naman, nakakapagbasa na ang anak ng pinsan ng kapitbahay mo, at age 2! Pero ang totoo, wala naman daw bearing sa paglaki ng anak mo kung kailan siya unang nagsalita o naglakad. Kung maaga siyang natutong magbasa, baka hyperlexic siya, at hindi gifted. Pero kung may napapansin kang delay sa anak mo, pwede mo namang ikunsulta ito inyong pedia para sigurado.

    Sa susunod na marinig mo ang mga payong ito mula sa ibang tao, magandang i-update mo sila kung ano na dito ang mga napatunayan ng mga eksperto, at alin ang hindi na dapat ipasa sa mga susunod sa henerasyon dahil paso na ang mga ito.

    Alin sa mga ito ang narinig mo na at hindi mo akalaing lipas na pala? I-share mo yan sa comment section. 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles