-
Getting Pregnant 8 Vitamins You Can Take To Increase Your Chances Of Conceiving
-
Your Kid’s Health ‘He Was Just Sleeping’: Mom Recalls ‘Unexplained’ Death Of 18-Month-Old Toddler
-
Real Parenting Why Those Tantrums and Crying Are Worth It During Family Vacation
-
News Kaye Abad Pregnant With Baby No. 2, Nikka Garcia Reveals Gender Of Baby No. 4
-
Ito Ang Magandang Gawin Tuwing Nagwawala Ang Toddler Mo Kapag Binibihisan
Struggle ba lagi ang pagpapalit ng damit niya?by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Kung mayroon kang maliit na anak, hindi na bago sa iyo ang araw-araw na struggle sa paliligo at pagsisipilyo. Mayroon kasi talagang mga bata na ayaw na ayaw ito. Bukod pa riyan, may mga bata ring ayaw na ayaw binibihisan.
Ilan sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang nagkwento ng kanilang mga experiences tungkol dito. May ilang nagsabi na hindi pa umaabot sa dibdib ang damit, iyak na ng iyak ang bata. Mayroon namang pagkatapos bihisan ay maghuhubad din agad dahil ayaw na may suot na damit.
Para hindi ka na mahirapan at hindi maubos ang oras mo sa kakahabol sa anak mo tuwing oras ng pagbibihis, sundan mo lang ang mga tried and tested tips na ito mula sa mga nanay sa Village.
Siguraduhing hindi masikip ang damit
Kung mahirap isuot ang damit, malaki ang chance na maiinis at iiyak ang anak mo habang binibihisan mo siya. Payo ng ilang ina sa Village, kung bugnutin ang anak mo tuwing oras ng pagbibihis, piliin mo ang mga damit na presko at madaling isuot.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPatignan siya sa doctor dahil baka may masakit sa kanya
Kung maliit pa ang anak mo at hindi pa siya nakakapagsalita, wala siyang paraan para sabihin sa iyo kung nasasaktan siya habang binibihisan mo siya. Kaya naman magandang patignan muna siya sa doktor para masigurong walang masakit sa kanya. Pwede kasing may mga sensitibong bahagi ka na natatamaan kaya siya umiiyak.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKantahan o patawanin mo siya
Payo ng isang nanay sa Village, maaaring natatakot ang bata sa biglang pagdilim kapag nilalagay mo na ang damit sa ulo niya. Para sa ilang mga nanay, effective sa kanila kapag kinakantahan at pinapatawa nila ang anak nila.
Makakatulong din kung mag-ooffer ka ng reassurance. Dapat ay marahan ang iyong pananalita at soothing ang iyong boses.
Huwag kang magalit
Gaano man ka-frustrating ang sitwasyon, iwasan mong magalit para hindi maging traumatic para sa anak mo ang pagbibihis. Makakatulong sa inyong dalawa ang pagyakap sa isa't-isa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsama mo siya sa proseso ng pagpili ng susuotin niya
Sabi ng mga nanay, naging epektibo sa kanila ang pagbibigay ng maliit na responsibilidad sa kanilang mga toddlers. Hayaan mo silang pumili ng gusto nilang isuot. Ilabas mo na ang mga pagpipilian para hindi kung anu-ano ang kalabasan ng isusuot niya.
Pumili ng magandang timing
Huwag mong bihisan ang anak mo kung nasa kalagitnaan siya ng paglalaro o kung mayroon siyang ginagawang ibang bagay. May mga nanay pa ngang nagsabi na mas magandang bihisan ang bata kung kagigising niya lang.
Kung hindi naman maiiwasang bihisan siya habang naglalaro siya, hayaan mo siyang isama ang ano mang laruan na hawak niya.
Bilisan mo!
Kapag pumayag na ang anak mo na bihisan mo siya, kailangan mabilis kang kumilos. Maiksi lang ang attention span ng mga bata sa ganyang edad—sabi nga ng mga nanay sa Village, kailangang Super Mom ka sa bilis!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIbahin mo ang paraan ng pagbibihis sa kanya
May mga onesies at baby clothes na pwede mong isuot sa anak mo mula sa paa pataas sa kanyang balikat. Maaaring maging solusyon ito kung nadidiliman ang anak mo kapag sa ulo mo isinusuot ang damit niya.
What other parents are reading
Subukan ninyong magbilang
Lagyan mo ng bilang ang bawat step ng pagbibihis niya at ayain mo siyang sabayan ka sa pagbibilang para maaliw siya at maramdaman niya na kasama siya.
Ayon pa sa mga nanay, habang lumalaki ang mga bata, dapat ay mas mabilis ka nang bihisan sila dahil paiksi nang paiksi ang kanilang attention span. Sa pag-iksi naman ng kanilang attention span, siya namang dapat na haba ng iyong pasensya.
Umiiyak ba ang anak mo kapag binibihisan mo siya? Anong ginagawa mo para hindi na siya umiyak? I-share mo lang sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network