embed embed2
  • Tanong Ni John Lloyd: Paano Magpatulog Ng Baby? Eto Ang 5 Techniques Mula Sa Mga Moms, Lloydy

    Because sharing is caring.
    by Ana Gonzales .
Tanong Ni John Lloyd: Paano Magpatulog Ng Baby? Eto Ang 5 Techniques Mula Sa Mga Moms, Lloydy
PHOTO BY Facebook / CineMo
  • Paano nga ba magpatulog ng baby?

    Ito ang tanong ng aktor at daddy na si John Lloyd Cruz nang mag-guest siya sa Online Tanungan with Nonong ang Kuya Jobert. Nagmistulang mini reunion ang guesting niya sa CineMo Facebook live session ng dalawa. Matatandaang "Home Sweetie Home" co-starts ni JLC sina Jobert at Nonong. 

    Sa una’y puro kulitan at kumustahan ang usapan ng tatlo hanggang sa nag-special appearance si "Julius"—ang alter ego ni Kuya Jobert. Dito na nga tinanong ni Lloydy kung paano ba magpatulog ng baby. "Ano ba 'yung pinaka epektibo [at saka] pinakamabilis na paraan para patulugin ang isang baby?"

    "Pinakamagandang paraan?" sagot naman ni "Julius", "Ipatong mo sa unan at paikutin ng dahan-dahan."

    Bago pa man matapos ni "Julius" ang kanyang payo, "bumalik" na si Kuya Jobert at sinabihan si JLC na hindi siya dapat nagtatanong kay "Julius" ng tips kung paano magpatulog ng baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kaya naman naisip naming ikonsulta sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang tanong ng aktor. Dahil sharing is caring, inilista namin ang mga tips, tricks, and techniques na subok na ng mga nanay! Sana makatulong ito sa pagpapatulog mo kay Elias, John Lloyd! 

    Sumunod sa sleep routine

    Maraming mga nanay sa Village ang agree na importanteng may routine kayo ni baby. Sabi ni mommy Zenny Giganto, mahalagang sanayin ang bata na isa lang ang oras ng tulog niya. 'Yan din ang payo ni mommy Lani Mae Poneles Jarangue-Guion—kailangan consistent sa time.

    Sabi naman ni mommy Melody Mendoza, huwag mong piliting matulog si baby kung hindi pa talaga siya inaantok. Hayaan mo lang siyang maglaro hanggang mapagod siya. 

    Si mommy Joy Cecille Balleza Tividad naman, aminadong hirap ding patulugin ang anak niya. "What I’m doing is hinahayaan namin siyang maglaro at umikot-ikot sa kwarto. Then kapag napagod, feed him, magplay ng lullaby music, then maya-maya, tulog na." 

    May bedtime routine na ba kayo ni baby? Kung wala pa, pwede mong umpisahan ito isang oras mahigit bago ang oras na gusto mo siyang matulog. Unahin ninyo ang pagliligpit ng kanyang toys. Pagkatapos ay pwede mo siyang paliguan para ma-preskuhan. Saka kayo mahiga at magbasa ng mga bedtime stories habang dimmed ang ilaw

    What other parents are reading

    I-set ang mood

    Patayin o i-dim ang ilaw, isindi ang air conditioning kung mayroon kayo o 'di naman kaya ay magpatugtog ng relaxing na music. Ayon sa mga nanay, malaki ang maitutulong ng pagpatay o pag-dim ng mga ilaw para ipakita kay baby na malapit na ang oras ng pagtulog. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Payo ni mommy Arrianne Ruaya - Cudiamat, kailangan mo ring siguraduhing presko at komportable si baby. Sa init ng panahon ngayon, kung wala kayong aircon o hindi presko si baby, mahihirapan ka talagang magpatulog.

    Pwede mo ring sundin ang advice ni mommy Llie Tanay. "It is a must na malinis si baby bago matulog," sabi niya. "Punasan si baby ng basang cloth or wet wipes para presko ang pakiramdam niya, pulbusan, lagyan ng pabango, at palitan ng damit at diaper. [Pwede mo ring] hagurin ang [buhok niya] ng dahan-dahan kasi massage na rin 'yun sa scalp and head niya, for sure makakatulog na siya."

    Maganda rin ang advice ni mommy Joeselle Pena. "Calm yourself first [before you] calm a baby," sabi niya. Paano mo nga naman mapaparelax at mapapakalma ang isang bata kung ikaw mismo ay hindi kalmado?

    What other parents are reading

    Bitawan ang gadgets

    Kung pinapayagan mong gumamit ng gadgets ang anak mo, dapat isa hanggang dalawang oras bago ang kanyang bedtime hindi na niya hawak ang mga ito. Itabi mo na rin muna ang mga gadgets mo para hindi siya mainggit sa iyo. Kalimitan kasi, kung ano ang mga habits natin, ito rin ang nagagaya ng mga anak natin. Kailangan nating maging halimbawa sa kanila. 

    Dapat ay wala na ring games, sabi ni mommy Mee Letsky. Hindi na rin kayo dapat gumawa ng ano mang mga stimulating activities. Dapat ay mayroon kayong ilang minuto para mag-wind down.

    What other parents are reading

    Limitahan ang nap time

    Lalo na kung natutulog sa hapon ang anak ninyo. Ayon sa mga nanay, hindi na aantukin ang bata sa gabi kung buong araw itong tulog. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iba naman daw ang usapan kapag nasa growth spurt na ang bata sabi ni mommy Lala Tellano-Viray. Kung ito ang nararanasan mo, makakatulong kung hahayaan mo lang siyang maglaro nang maglaro buong araw. "Kapag napagod 'yan sa play, siguradong after uminom ng gatas, makakatulog 'yan," payo niya.

    What other parents are reading

    I-cuddle o i-hele si baby 

    Effective rin daw ang technique na ito sabi ng mga nanay at tatay. Sabi pa ng halos lahat sa kanila, tapik-tapik lang sa hita ang sikreto! Sabi pa nga ni daddy Irone Boquiron:

    Dear John Lloyd,

    Lalabas ang creative songwriting skills mo dahil habang hinehele si baby, for sure, kung anu-anong lyrics at tono ang maiimbento mo.


    Nagmamahal,
    Kapwa Daddy

    Sa katunayan, marami na nga raw silang naimbentong kung anu-anong kanta para lang mapatulog ang mga anak nila. 

    Sabi ni mommy Jhie La, ang technique daw nilang mag-asawa, kakargahin ng isa si baby habang nagkkwentuhan sila ng kung anu-ano. Sa ganitong paraan daw kasi, parang nahehele na rin nila si baby. "Minsan kahit nonsense na ang topic sasabihin ng asawa ko magkwento lang, kasi [nakakatulog si baby sa boses naming dalawa]," sabi niya.

    What other parents are reading

    Struggle talaga ang pagpapatulog ng mga bata. Kaya daddy John Lloyd, sana alam mong hindi ka nag-iisa. Maraming mga bagong magulang ang puyat at pagod dahil hindi pa maayos ang sleeping patterns ng mga bata. 

    Kayo? Nakakatulog na ba ng diretso ang baby ninyo? Anu-ano ang mga techniques na ginamit ninyo para makatulog sila? I-share niyo na yan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles