embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Pagpili Ng Ninong At Ninang: 5 Magagandang Katangian Na Dapat Mong Hanapin

    Mayroon bang ganitong mga katangian ang mga napili mo?
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Pagpili Ng Ninong At Ninang: 5 Magagandang Katangian Na Dapat Mong Hanapin
PHOTO BY iStock
  • Naging tradisyon na nating mga Pilipino ang pagpapabinyag ng ating mga anak habang bata pa sila. Iba-iba man ang ating mga relihiyon at paniniwala pagdating sa pagpapabinyag, nananatili pa rin itong mahalagang bahagi sa paghubog ng pagkatao ng ating mga anak. 

    Isa sa mga pagkakaiba ng binyag sa iba't-ibang relihiyon ay ang pagkakaroon ng ninong at ninang—hindi lahat ng relihiyon ay mayroon nito. Sa mga Katoliko, halimbawa, nakaugalian na natin ngayon ang pagkuha ng mga ninong at ninang na halos kasing edad na ng mga magulang ng bibinyagan. Noon, dapat ay mas matanda sa mga magulang ang ninong at ninang para magabayan at makapagbigay ng makahulugang payo sa batang bibinyagan.

    More from Smart Parenting

    Paano nga ba mamili ng ninong at ninang? 

    Ayon sa mga nabasa ko, pagdating sa pagpili ng ninong at ninang, hindi na dapat kinukuha ang ating mga kamag-anak, lalo na ang ating mga kapatid. Mayroon na kasi silang role sa buhay ng ating mga anak. Mas magandang piliing ninong at ninang ang ating mga malalapit na kaibigan o hindi naman kaya ay iyong mga pinaka pinagkakatiwalaan nating mga tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari rin nating piliin ang mga kakilala natin na alam nating magiging maganda at mabuting impluwensya sa ating mga anak. Sa ganitong paraan, mapapalawak pa natin ang pamilyang magmamahal at gagabay sa ating mga anak.

    More from Smart Parenting

    Para saan ba ang ninong at ninang?

    Isa sa tinatawag na mga most common mistakes sa pagpili ng ninong at ninang ay iyong pagtingin sa kanilang kapasidad na bigyan ng pamasko o pinansyal na tulong ang ating mga anak. Ang turo sa atin ng simbahan, dapat ay hindi tayo nakafocus sa materyal na mga bagay o sa halaga ng pera na kaya nilang ibigay sa ating mga anak. 

    Ang mga ninong at ninang kasi ay hindi lang naman para doon. Sila ang tumatayong pangalawang magulang ng mga anak natin kapag wala tayo o kailangan natin ng tulong sa pagpapalaki ng ating mga anak.

    More from Smart Parenting

    Nariyan ang mga ninong at ninang para gabayan din ang ating mga anak, turuan sila ng magandang asal, at marami pang iba. Dapat pagtuunan natin ng pansin ang ugali, kilos, at pagkatao ng pipiliin nating ninong at ninang. Dapat ay mabuti ang pakikitungo nila sa ating mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa sa pre-baptism seminar na dinaluhan namin para sa binyag ng aking anak, ang mga ninong at ninang ay nariyan para paalalahanan tayong mga magulang na kailangan nating maging mabuting halimbawa sa ating mga anak. Nariyan din sila para tulungan ang mga magulang na magpalaki ng mga batang may takot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.

    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga magagandang katangian ng ninong at ninang?

    Hindi ko pa man isinisilang ang aking anak, talaga namang pinag isipan ko nang mabuti kung sino-sino ang mga kukunin kong ninong at ninang niya. Pinaka-challenging para sa akin noon ang relihiyon dahil karamihan ng mga kaibigan ko, maging ang mga tinitingala kong tao, ay kaiba sa aming pinaniniwalaan. Gayon pa man, sinibukan ko pa rin silang tanungin kung gusto nilang tumayong pangalawang magulang ng aking anak. Hindi naman ako nabigo.

    Narito ang mga katangiang hinanap ko bago ako nakapagdesisyong mabuti silang kuning ninong at ninang ng anak ko:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Sila'y maaasahan

    Alam naman nating walang perpektong magulang. Lahat tayo, sa ano mang punto ng ating mga buhay bilang nanay at tatay, ay maaaring magkulang sa ating mga anak.

    Isa talaga ito sa mga katangiang priority ko noong pumipili ako ng ninong at ninang dahil alam kong may mga pagkakataong magkukulang at magkakamali kaming mag-asawa sa pagpapalaki sa aming anak. Kung tunay na maaasahan ang mga ninong at ninang ng aming baby, makakasiguro kaming nasa mabuti siyang mga kamay sa oras ng aming kahinaan.

    More from Smart Parenting

    2. Sila'y magsisilbing mabuting halimbawa

    Sa pagpili ng ninong at ninang, dapat sigurado kang magiging magandang halimbawa sila sa anak mo—lalong-lalo na sa mga panahong nagdadalaga at nagbibinata ang mga bata, kung saan talaga naman kailangan nila ng pag-gabay. 

    Piliin mo iyong alam mong makapagbibigay ng maganda at makabuluhang mga payo sa anak mo. Doon ka sa mayroong magandang disposisyon sa buhay para pagdating ng panahon, maaari silang maging gabay ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    3. Mayroon silang malasakit sa iyo at sa iyong anak

    Hindi na baleng hindi mayaman. Hindi na rin baleng papunta pa lang sila sa pagkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay. Ang mahalaga, mayroon silang malasakit sa akin, lalong-lalo na sa aking anak. Ang ninong at ninang ni baby ay dapat handang tumugon at magmalasakit sa anak natin pagdating ng panahong mangailangan ang bata. 

    Kapag kasi totoo at sinsero ang malasakit ng ninong at ninang, hindi mahihiya ang bata na lumapit kung mayroon man itong kailangan.

    More from Smart Parenting

    4. Sila'y mapagkakatiwalaan

    Marahil isa na ito sa mga pinakamahalagang katangian sa listahan natin. Sa pagpili ng ninong at ninang, mahalagang mapagkakatiwalaan sila para kampante kang magbahagi sa kanila ng mga pagdududa mo sa iyong kakayahan bilang magulang.

    Nariyan sila, hindi para husgahan ang iyong mga desisyon at choices para sa iyong pamilya, ngunit para suportahan ka sa mga pinili mo kahit magkaiba kayo ng paniniwala.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Bukas ang kanilang mga isipan

    Ang panahon ay nagbabago at patuloy itong magbabago. Darating ang panahon na pag malaki na ang mga anak natin, may mga bagay na silang ginagawa na malayo na sa mga kinagisnan at nakasanayan natin. Ang mga ninong at ninang ay dapat may bukas na isip at malawak na pang-unawa para patuloy nilang magabayan ang mga bata gaano mang kalaki ang ipagbago ng mundo.

    Importanteng flexible sila at hindi sila takot sa modernisasyon para na rin masabayan at 'masakyan' ang modernong kabataan.

    More from Smart Parenting

    Bukod pa sa limang nabanggit, ang mga ninong at ninang ay dapat committed din sa pag gabay sa kanilang inaanak habangbuhay. Sa katunayan, mas maganda kung matutunan nilang itratong parang mga tunay na anak ang kanilang inaanak—walang pinagkaiba sa kanilang sariling mga anak.

    Pagkatapos masuri ang lahat ng mga nabanggit na katangian, maari mo nang ilista ang mga taong malapit sa iyo na sa tingin mo ay pasok sa mga qualifications na ito. Pagkatapos, saka mo pa lang sisimulang hingin ang kanilang mga pahintulot na maging pangalawang magulang ng iyong mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    May kailangan bang ihandang mga papeles ang mga ninong at ninang? 

    Depende sa simbahan. May mga simbahang hihingi ng kopya ng Catholic Baptismal at Confirmation Certificate o ano mang patunay na nabinyagan sila sa Simbahang Katoliko. Kung wala namang maipakitang dokumento, pinapayagan pa rin ito ng ibang simbahan, ngunit ang ilalagay sa dokumento ng binyag ni baby ay 'witness.' Tanging ang mga may dokumento lang ang ilalagay na principal sponsors.

    Kung non-Catholics ang mga napiling ninong at ninang ng bibinyagan, posible pa rin ito, at tulad ng mga Katolikong ninong at ninang na walang dokumento maari pa rin silang maging “Witness” sa binyag. 

    Kailangan ding nasa wastong gulang at nakapag-attend ng pre-baptism seminar para mas maunawaan nila ang kanilang mga tungkulin bilang ninong at ninang. Importante ang seminar para makita nila ang iba't-ibang paraan para magabayan ang kanilang inaanak.

    Ang pagpapabinyag at pagpili ng ninong at ninang ng ating anak ay walang eksaktong sinusunod na pamamaraan. Nasa magulang kung ilan ang nais nilang bilang ng tatayong ninong at ninang. Walang pinipiling edad ang pagpapabinyag, kahit pa sampung taon na o mahigit pa, maari pa rin silang pabinyagan. Sa katunayan, may ilang mga magulang na hinihintay ang kanilang anak umabot sa edad kung saan ay kaya na nitong makapag desisyon para sa kanilang sarili at binibigyan sila ng kalayaang mamili kung anong relihiyon ang kanilang pipiliin para mabinyagan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw? Paano ka namili ng ninong at ninang ng anak mo? Maaari mong ibahagi iyan sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles