Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
8 Paraan Kung Kailangan Nang Patigilin si Baby sa Pagpapadede
PHOTO BY iStock
  • Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang eksklusibong pagpapasuso sa baby sa unang anim  na buwan. Ang iba, paunti-unti nang itinitigil ang pagpapasuso sa baby at sinisimulan nang pakainin siya ng malalambot na pagkain sa edad na ito. Pero may mga baby na ayaw talagang tumigil o malayo sa pagpapasuso ng kanilang ina.

    Para sa WHO, ang susunod na pinakamagandang opsyon kapag titigil nang pasusuhin ang anak ay ang cup feeding o paggamit ng maliit na baso sa pagpapainom ng na-express na breast milk. Naiiwasan ang pagkalito o nipple confusion sa pamamagitan ng cup feeding, bukod pa sa mas abot-kaya ito (dahil hindi mo kailangang bumili ng bote). Mas mapapadali rin nito ang paglipat mula sa pagsuso papuntang pag-inom sa baso kapag nagawa ito nang tama.

    Kung ang cup feeding ay hindi naaayon, maaaring gumamit ng baby bottle, pero huwag ding pakasiguro na magugustuhan ni baby ang pagdede sa bote.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Heto ang maaari mong gawin kung nais mong sa bote na dumede ang iyong baby

    Sumubok ng ilang uri at brand ng bote at obserbahan

    Malalaman mong natagpuan mo na ang boteng nararapat sa iyong baby kapag hindi na siya iritable o naiinis kapag dumedede. Subukin mo ang mga nipple na parang kagaya ng totoong nipple ng mommy o iyong tinatawag na natural o mother-like-nipple, at magsimula rin sa mahihina lamang ang daloy o slow flow nipple.

    Hayaang ibang tao ang magbigay ng bote ng gatas sa iyong baby

    Ipagawa ito kay Daddy. Iminumungkahi pa nga ng iba na wala dapat ang Mommy sa parehong kuwarto kapag ibinigay ng Daddy ang bote kay baby. Makatutulong daw ito para maiwasan ang pagkalito sa nipple.

    Subukin ang iba-ibang posisyon ng pagpapadede sa bote

    Maaaring malito ang baby sa pagdede sa bote kung hahawakan siya ng mommy sa paraan ng paghawak sa kaniya kapag pinapasuso siya. Hanapan siya ng magandang posisyon para mas komporatable siya habang dumedede sa bote.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Subukin ang ibang temperatura ng bote na ang laman ay breast milk

    Kasama sa pagpapadede sa bote ang pagtunaw ng frozen na breast milk at pagpapainit ng bote na may lamang gatas. Tingnan kung makukuha mo ang tamang timpla ng temperatura na mas malapit o gaya sa iyong breast milk.

    More from Smart Parenting

    Huwag maglalagay ng hot sauce o sili sa iyong nipple para lamang mapatigil sa pagsuso si baby

    Ang mas mabuti mong gawin ay maglagay ng kaunting breast milk sa nipple ng bote na ibibigay mo sa iyong baby.

    Magsimula sa pamamagitan ng pagbigay ng dede sa bote isang beses kada araw

    Lagyan ito ng kaunting dami ng breast milk. Subukin na ibigay ang bote sa iba’t ibang oras sa araw o sa gabi. Unti-unti ay dagdagan ang bilang o dami ng pagbibigay ng dede sa bote sa iyong baby at damihan na rin ang laman nito.

    Alukin siya ng pagkain sa halip na pasusuhin siya

    Isang paraan para maalis ang atensyon ng baby sa gatas ay ang pag-alok sa kanya ng pagkain na may sari-saring lasa kapag siya’s anim na buwan na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pagpapasuso ay hindi lamang para sa kalusugan ni baby

    Tiyakin na naibibigay pa rin kay baby ang emosyonal na suporta na kailangan niya sa pamamagitan ng pagyakap, paghaplos, at paghalik kapag napagdesisyunan mong magpadede na sa bote. Kapag gusto ni baby ng pagkalinga o aruga, huwag ipagkait sa kaniya ang iyong suso kung ito ang magbibigay ginhawa sa kanya.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 7 Things to Try if You Want to Wean Your Baby From the Breast

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles