;
embed embed2
  • 'Pandemic Babies' Mas Mababa Ang Nakuhang Score Sa Developmental Screening Test: Study

    Kabilang sa pag-aaral ang 255 sanggol na ipinanganak sa unang taon ng COVID-19 pandemic.
    by Jocelyn Valle .
'Pandemic Babies' Mas Mababa Ang Nakuhang Score Sa Developmental Screening Test: Study
PHOTO BY Shutterstock
  • Nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong mga unang buwan ng 2020, sinabi na ng mga health expert na mas tataas ang panganib para sa mga buntis kung sila ay dadapuan ng virus. May dagdag pregnancy stress pa dahil sa pandemya kahit hindi tamaan ng nakakahawang sakit na iyan.

    Kaya naman sa inilabas kamakailan na resulta ng pag-aaral na ginawa sa mga sanggol na ipinanganak sa unang taon ng pandemic ay masasabing may epekto nga ang pinagdaanan ng kanilang mga nanay nitong pandemya. Pero ang kagandahan nito, may posibilidad na hindi kalakihan ang ganoong epekto sa development ng mga bata.

    Sa pag-aaral, na ginawa ng mga researcher mula sa University of Columbia sa U.S. state na New York, 317 na mga sanggol ang dumaan sa developmental screening test. Sakop ng pagsusuri na ito ang social at motor skills na angkop sa 6 months old.

    Sa mga kalahok na sanggol, 255 ang ipinanganak sa loob ng March hanggang December 2020. Ang natitirang 62 ay ipinanganak bago pa ang panahon na iyon ng pandemya. Lahat silang mga kalahok na sanggol ay isinilang sa NewYork-Presbyterian’s Morgan Stanley Children’s Hospital and Allen Hospital.

    Nakakuha ng mas mababang puntos ang mga sanggol na ipinanganak sa panahon ng pandemya kumpara doon sa mga sanggol na ipinanganak bago ang pandemya. Pero bahagya o slight lang naman ang lamang.

    May paliwanag ang pinuno ng pag-aaral na si Dani Dumitriu, MD, PhD, isang assistant professor of pediatrics and psychiatry sa Columbia University Vagelos College of Physicians and Surgeons.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya sa ulat ng Columbia University Irving Medical Center, ang mga sanggol na isinilang ng mga nanay na nagkaroon ng viral infection habang buntis ay talagang mataas ang panganib sa neurodevelopmental deficits. Kaya akala niya at kanyang grupo, makakakita sila ng mga pagbabago sa neurodevelopment ng mga sanggol na tinamaan ang mga nanay ng COVID-19 habang buntis.

    Pero nagulat daw sila na malamang wala anumang senyales na nagsasabing ang pagkakasakit sa COVID-19 habang buntis ay may koneksyon sa neurodevelopmental deficits.

    Sa kanilang pag-aaral, mas mababa lang nang kaunti ang puntos ng mga tinatawag na "pandemic babies" sa larangan ng motor at social skills, tulad ng communication o di kaya problem-solving skills. Pero hindi naman daw indikasyon iyan ng developmental delays sa mga sanggol.

    Ibig daw sabihin, mas may epekto pa ang stress na naramdaman ng mga buntis dahil sa pangambang dulot ng pandemya. Dagdag pa diyan ang mga pagbabago at paghihigpit sa protocol ng mga ospital at panganganak (basahin dito).

    Kaya paalala ni Dr. Dumitriu, kailangan pa rin bigyan ng kaukulang pansin ang kalagayan ng mga buntis ngayong pandemya at bantayan ang magiging epekto pa nito sa mga sanggol. Sisikapin din daw nilang grupo ng researchers na mapalawak pa ang kanilang pag-aaral.

    Tulad ng mga buntis at karamihan ng adults, nakakaranas din ng pandemic stress ang mga bata. Basahin dito.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles