embed embed2
  • 6 na Paraan Upang Matugunan ang Pagiging Pihikan ng Anak sa Pagkain, Ayon sa Pedia

    Tulungan ang inyong mga anak na kumain ng masustansya gamit ang tips na ito.
    by Anna G. Miranda .
6 na Paraan Upang Matugunan ang Pagiging Pihikan ng Anak sa Pagkain, Ayon sa Pedia
PHOTO BY Alpha/Flickr Creative Commons
  • Noong bata pa ako, sukdulan ang galit ko sa mga gulay. Hindi rin nakatulong ang pagiging bunso ko at ang kakayahang kumbinsihin ang aking mga magulang na pumayag sa lahat ng aking gusto basta’t lalambingin ko sila. Fast forward sa pagdaan ng maraming taon at napagtanto ko kung gaano kahirap magkaroon ng anak na mapili sa pagkain pagkatapos kong makita ang pamangkin kong nagrereklamo at nagta-tantrums tuwing nilalagyan ng aking kapatid ng kaunting gulay ang kaniyang pagkain — at hindi ko pa siya anak sa lagay na ‘yan! 

    Mayroong mga paraan upang sanayin ang iyong baby sa masustansiyang pagkain. Sa ika-56 na Annual Convention ng Philippine Pediatric Society (PPS), nagbigay ng panayam si Dr. Edilberto Garcia Jr., M.D., at pinamagatan itong “Addressing Picky Eaters: Strategies for the Pediatrician.”

    More from Smart Parenting

    6 na paraan upang matugunan ang pagiging mapili ng anak sa pagkain

    Sa kaniyang lecture, nagbigay si Dr. Garcia ng ilang mahahalagang paalala pagdating sa pagpapakain sa mga sanggol at toddlers na sadyang nakatutulong sa mga magulang ng mga batang mapili o mahirap pakainin. Isang pediatrician na dumalo sa panayam ang nagpaunlak sa pagbabahagi ng kaniyang notes. Pasasalamat kay Dr. Cristal Laquindanum, M.D., (@millenialpedia sa Twitter) sa pagbibigay ng permiso sa SmartParenting.com.ph na maibahagi ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Iwasan ang anumang nagdudulot ng pagkagam-bala o distractions habang oras ng pagkain.

    Higit na malikot at mareklamo ang toddlers sa oras ng pagkain kung kaya’t laging nariyan ang temptasyon na bigyan sila ng gadget para lang pumirmi sila sa pagkakaupo at kumain nang maayos. Ngunit ayon kay Dr. Garcia, huwag magpapadala sa gasgas na pagdadahilang “hindi sila kakain nang wala ‘yan.”

    Ang mga TV, cellphones, o tablets ang sumisira sa atensyon hindi lamang ng iyong anak, kundi ng iyong atensyon na rin. Pagtuunan mo ng pansin o mag-focus ka sa iyong anak sa oras ng pagkain. Ang bonding ng inyong pamilya sa salusalo ay mayroong kaugnayan sa malusog na diet at maaari pang makapagpalakas sa katawan ng iyong anak. Makapagpapabuti rin ito sa kaniyang social skills o kakayahang makihalubilo sa kapwa.

    More from Smart Parenting

    2. Panatilihin ang maayos at neutral na attitude habang kumakain.

    Nagdudulot ng pinakamataas na pagtanggap sa pagkain o food acceptance ang modeling technique. Ipakita mo sa iyong anak na kumakain ka rin ng mga gulay at nagugustuhan mo ito upang makampante siya’t tutularan ka niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag mong pipilitin ang iyong mga anak na kumain ng gulay at iwasan ang pagsasabi ng, “Kainin mo ‘to. Kung hindi, hindi ka makakalaro” o “Di ka tatayo kung hindi ka kakain.” Hindi ito makatutulong at makapag-iiwan pa sa kanila ng negatibong pagtingin sa oras ninyo ng pagkain.

    3. Pakainin ang anak upang magkaroon siya ng gana.

    Limitahan ang oras ng pagkain sa loob ng dalawampung (20) minuto. Hindi nagugustuhan ng bata kung mas patatagalin ito at maaari pang makaubos ng pasensya. Kung hindi siya matatapos sa ibinigay na oras, kunin ang pagkain sa mesa at huwag nang bigyan ang anak hanggang sa susunod na iskedyul ng pananghalian, hapunan, o meryenda.

    Nakasaad sa Twitter thread ni Dr. Laquindanum na inirerekomenda ni Dr. Garcia ang pagbibigay ng apat hanggang anim na meals at snacks kada araw at tubig lamang sa pagitan ng oras ng pagkain. Kung posible, iwasan ang pagbibigay ng gatas bago o pagkatapos kumain dahil baka ito na lamang ang gugustuhing inumin ng anak buong araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    4. Maghain ng pagkaing naaayon sa edad ng bata.

    Matatagpuan sa nasabing Twitter thread na maaaring bigyan ng dinurog o pureed food ang mga 6 na buwang gulang na sanggol at finger food naman para sa 8 buwang sanggol. Ang mga hiniwa-hiwang pagkain ay maaaring ibigay sa mga baby na 10 buwan ang edad at table food naman para sa mga 12 buwang gulang na bata.

    Kapag 1 taong gulang na ang anak, maaari na silang pakainin ng masustansyang pagkaing kinukonsumo ng mga nakatatanda o adults.Makikita ang feeding guide para sa mga sanggol at toddlers sa links na ito:

    Your Baby Food Guidebook: When to Start, What to Feed Him, and Recipes! 

    Our 5-Rule Food Guide for Children Ages 3 to 5 Years Old

    5. Maging sistematiko o maparaan sa pagpapakilala ng bagong pagkain

    Ayon kay Dr. Laquindanum, suhestiyon din ni Dr. Garcia ang sumusunod:

    Kung nagsisimula ka sa 6 na buwang sanggol, magbigay ka ng isang uri ng pagkain sa loob ng tatlong araw at saka mo palitan ng bago sa ikaapat na araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pagpapakain ng gulay sa bata at iba pang karaniwang inaayawan nilang lasa ay mainam na estratehiya upang mapataas ang food preference lampas sa phase ng pagiging picky o mapili nila sa pagkain.

    Aabot sa 15 beses ng pagpapakain sa bata bago masasabing ayaw talaga niya sa lasa ng pagkaing ibinibigay- huwag susuko sa mga unang pagtatangka!

    More from Smart Parenting

    6. Hikayatin ang bata na matutong kumain nang hindi na sinusubuan pa.

    Oo, makalat, ngunit para din ito sa iyong anak.Hayaan mo ang iyong toddler na magkamay sa pagkain o gumamit ng kutsara kahit mahulog o matapon ang kaniyang pagkain. Matutulungan siya nitong maramdaman ang texture ng kaniyang kinakain at maaaring magustuhan niya ito. Mas magkakaroon ka rin ng pagkakataong asikasuhin ang ibang bagay (habang kumakain siya nang mag-isa)!

    Laging tandaang gawing kasiya-siya at nakatutuwa ang oras ng pagkain para sa iyong mga anak. Ang kagustuhan at pagiging bukas ng iyong anak sa iba’t ibang uri ng pagkain ay depende rin sa kaniyang nakasanayan at nakalakhang paligid!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa 

    Simple Ways to Change Your Child’s Picky Eating Habits, According to a Pediatrician

    Si Anna G. Miranda, Van (sa kaniyang pamilya), o Vins (sa kaniyang malalapit na kaibigan), ay kasalukuyang nagsusulat ng una niyang aklat na pinamagatang Tawambuhay. Nawa'y matapos niya ito sa gitna ng pagtatanim ng mga cactus, pagtulala, at panonood ng K-drama.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles