;
embed embed2
  • Puwede Bang Paliguan Ang Baby Na May Ubo At Sipon?

    May sagot ang Pinay doctor at mom of 4, pati na iba pang U.S.medical experts.
    by Jocelyn Valle .
Puwede Bang Paliguan Ang Baby Na May Ubo At Sipon?
PHOTO BY Shutterstock/Vasin Lee
  • Madalas itanong sa SmartParenting.com.ph ang pagpapaligo sa baby. Puwede na daw ba paliguan ang bagong panganak ? O kaya kailan ang first bath? Ilang beses dapat paliguan sa isang linggo? Anong oras ang paligo? Isa pang kadalasang tanong ay kung pwede bang paliguan ang baby na may ubo at sipon.

    Mula walo hanggang 10 beses kada taon puwedeng magkasipon ang baby na wala pang 2 years old, ayon sa Cleveland Clinic. Nagde-develop pa rin kasi ang immune system ng sanggol para labanan ang higit 100 uri ng cold viruses.

    Kapag sinisipon, malamang ubuhin din si baby. Typical ang pagkakaroon ng wet o di kaya dry cough, saad naman ng Boston Children’s Hospital. Tumatagal ang ubo ng humigit-kumulang isang linggo, kung kailan wala na siyang sipon.

    Pwede ba paliguan ang baby na may ubo at sipon

    Rekomendado ng medical experts ang pagligo gamit ang maligamgam na tubig (warm bath) para maibsan ang pakiramdam ng sanggol na may ubo at sipon.

    Sang-ayon si Dr. Remy Tahil, isang general practitioner sa Pilipinas at mom of 4, na puwedeng paliguan ang baby na may ubo at sipon, pati na lagnat. Basta raw saglit lang ang pagligo at patuyuin kaagad ang sanggol. 

    Sabi ni Dr. Tahil sa Smart Parenting, “It’s all right to quickly bathe babies when they have cough and colds, and also when they have fever. Just thoroughly dry them.”

    Isang mommy ang nagkuwento sa amin na binibigay lang niya ng “mabilis na ligo” ang mga anak noong sanggol pa ang mga ito kapag “normal ubo at sipon” lang. Para raw “labas din init sa katawan” at “mas maginhawa” si baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag lumagpas na raw sa normal at medyo gumagrabe ang pakiramdam ni baby, punas na lang sa katawan ang ginagawa ni mommy katulad ng marami.

    Home remedy para sa sipon o ubo ni baby

    Ayon pa sa medical sources, walang gamot sa common cold. Kusa daw gumagaling ang maraming uri ng sipon pagkaraan ng pito hanggang sampung araw. Hindi ito nakakaapekto sa normal activities ni baby. Hindi rin kailangan siyang bigyan ng over-the-counter medication at hinding-hindi puwede ang antibiotics. 

    May mga paraan na puwedeng gawin ang magulang para gumaang ang pakiramdam ng sanggol na may common cold.

    • Siguraduhin na komportable si baby at nakakapahinga nang husto.
    • Bigyan si baby ng maiinom gaya ng breast milk  para sa 6 months pababa. Kung lampas 6 months na, puwede nang bigyan ng tubig.
    • Dahil hindi pa kaya ni baby na suminga, puwede siyang gamitan ng saline solution at suction. Mga 15 minutes bago padedehin si baby, patakan ng over-the-counter saline (salt water) drops ang kanyang ilong.
    • Paluluwagin ng drops ang mucus. Matatanggal ang mucus gamit ang rubber bulb suction. Sa ganitong paraan, mababawasan ang bara sa ilong ni baby at makakahinga na siya nang maluwag.

    Kailan dapat tumawag ng doktor sa sipon at ubo

    Magsimula lang mag-alala ang magulang kung 10 days na ang sipon at ubo ng anak, ayon kay Robert Giesler, isang respiratory therapist sa Children’s Hospital-Los Angeles (CHLA). Baka kasi may ibang problema ang bata, gaya ng asthma, allergies, at enlarged adenoids.

    Diin ni Giesler, ang mga batang wala pang 4 months ay hindi daw dapat umuubo masyado. Kaya kung madalas at matindi ang pag-ubo ni baby, baka may seryosyong dahilan. Maging alerto daw sa iba pang palatandaan:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Kapag inuubo ang newborn sa mga unang linggo nito
    • Umuubo kahit hindi dumedede
    • Ilang linggo nang umuubo ang bata
    • Hirap sa paghinga
    • Pinagpapawisan sa gabi
    • Nababawasan ang timbang
    • May kasamang dugo ang ubo

    Mainam na komunsulta kaagad ang magulang sa doktor para masiguro ang kalagayan ng anak. Sa mga ganyang pagkakataon, tanungin muna ang doktor kung puwede bang paliguan ang baby na may ubo at sipon. 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles