embed embed2
  • Sapat na Ba ang Nakain na Solid Food o Nainom na Gatas ni Baby? Paano Ito Malalaman

    Hikayatin, huwag pilitin, ang inyong anak na kumain.
    by Mimmy Delmendo and Rachel Perez .
Sapat na Ba ang Nakain na Solid Food o Nainom na Gatas ni Baby? Paano Ito Malalaman
PHOTO BY iStock
  • Napakahalagang makuha ng isang sanggol ang lahat ng sustansya na kailangan ng kaniyang katawan, sumususo man siya o umiinom mula sa bote, nagsisimulang subuan ng solid food o sa pamamagitan ng baby-led weaning.

    Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkilala kung kailan nagugutom ang bata (hunger cues), at sa pag-iwas na magbigay ng sobra sobrang pagkain. Kapag iniikot na ng sanggol ang kaniyang ulo, binubuksan ang bibig, sinusubo ang hinlalaki, o nilalabas ang nguso, maaaring dapat na siyang pakainin.

    Paano malalaman kung busog na ang inyong anak

    Ibang usapan naman ang pag-alam kung kailan dapat tumigil sa pagpapainom o pagpapakain. Sumangguni ang SmartParenting.com.ph kay Dr. Jamie Isip-Cumpas, isang pediatrician at International Board Certified Lactation Consultant (IBCLC) para magbigay ng payo ukol dito.

    Mga sanggol na anim na buwan o mas bata pa

    Madalas na mas nag-aalala ang mga nagpapasusong ina kung nabibigyan nila ng sapat na gatas ang kanilang mga anak, kaysa kung sumosobra ang ibinibigay nila dito. Dapat tandaan na ang tiyan ng sanggol na bagong panganak ay kasing laki lamang ng isang kalamansi (para sa dagdag ng impormasyon tungkol sa tiyan ng bata, magbasa rito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay Dr. Isip-Cumpas, malalaman kung busog na ang batang sumususo kung bumitaw na, mukha nang kuntento, at tumigil na sa pag-iyak.

    What other parents are reading

    Mahalaga rin tignan kung nakakakuha talaga ng sapat na gatas ang batang sumususo — maririnig ang kaniyang paglunok, nakabukas ng husto ang bibig, at gumagalaw ang panga at sentido, dagdag ni Dr. Isip-Cumpas. (Isa pang paraan upang malaman kung busog na ang bata ay ang pagbibilang kung ilan nang diaper ang nagamit nito. Magbasa rito para sa dagdag na kaalaman.)

    Pareho rin ang makikita sa batang umiinom mula sa bote: titigil sa pagsipsip, pipikit, at matutulog. Ngunit kumpara sa batang direktang sumususo, maaaring hindi agad maramdaman ng batang umiinom sa bote na siya ay busog na. Ipinaliwanag ni Dr. Isip-Cumpas na maaaring maguluhan ang bata dahil iba ang dami ng gatas na lumalabas sa bote, at minsan ay mas pinipili nilang uminom mula dito dahil mas madali ito para sa kanila.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Payo ni Dr. Isip-Cumpas na kung hindi makakapagpasuso ang isang ina, dapat turuan ang tagapag-alaga kung paano magpainom gamit ang cup feeding. Maaari rin magpainom nang dahan-dahan mula sa bote at pasusuhin ng ina kapag may pagkakataon na.

    What other parents are reading

    Mga bata anim na buwan hanggang isang taon

    Ipinakita sa resulta ng isang pag-aaral na ang pagbibigay ng sobrang pagkain ay konektado sa dumaraming kaso ng labis na pagtaba ng mga bata. Ang pagpapasuso nang mas matagal at paghintulot sa batang kumain mag-isa ay makakatulong upang matuto ang magulang na basahin kung busog na ang bata. Dapat tandaan na marami ring dahilan upang hindi kumain ang isang bata, kabilang na rito ay kung pinipilit sila o kung maraming gumagambala sa kanilang pagkain.

    Kung busog na ang isang bata, hindi na niya binubuksan ang bibig niya at wala na siyang interes sa pagkain, sabi ni Dr. Isip-Cumpas. Kailangan ng kaunting pasensya kapag nagsisimula pa lang kumain ang bata. Kailangan ng oras para maging interesado siya sa pagkain at masanay dito. Dagdag pa niya, dapat hayaan ang batang kumain mag-isa at hawakan ang pagkain, kahit magkalat ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Paano makasisigurong sapat lamang ang kinakain ng bata at hindi sumosobra

    Kailangang mahanap ang tamang balanse sa pagbibigay ng pagkain para makasiguro na nakukuha ng bata ang mga sustansyang kailangan niya sa paglaki. Dapat isaisip ang mga sumusunod:

    Alamin kung busog na ang bata

    Kung mukhang busog na ang inyong anak, huwag nang pilitin na ipaubos sa kaniya ang laman ng bote. Ang breastmilk ay dapat ilagay sa maliliit na lalagyan. Sa ganitong paraang, iinitin lamang kung gaano karami ang kinakailangan at walang masasayang.

    Siguraduhing handa na ang batang bago siya pakainin

    May mga senyales na nagpapakitang handa na ang batang kumain. Dapat ay nakakaupo na siya nang mag-isa, kaya niya nang kontrolin ang kaniyang ulo, at nagpapakita na siya ng interes sa pagkain. Mapapansin na kapag may kumakain ay nanonood siya, inaabot ang pagkain, at gusto ring gumaya.

    Normal lang sa mga sanggol na iluwa ang pagkain sa una dahil naninibago pa sila sa pakiramdam nito sa kanilang bibig. Dapat ay hayaan lang silang masanay dito, pati na rin sa mga bagong lasa, dahil maaaring hindi lahat ng ito ay magustuhan nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Magbigay nang paunti-unti

    Dahan-dahanin lamang ang pagpapakilala ng pagkain sa panlasa ng bata. Ipinapayo ni Dr. Isip-Cumpas na magsimula sa isa hanggang dalawang kutsarita ng pagkain isang beses sa isang araw sa loob nang isang linggo, at unti-unting damihan at dalasan ang pagkain depende sa gusto at kailangan ng bata.

    Ayon kay Dr. Isip-Cumpas, importanteng sundin ang tamang oras ng pagkain. Dapat ay magsimula sa pagpapakain nang isang beses isang araw, maaaring sa umaga. Unti-unting dagdagan ang dami ng beses ng pagkain, hanggang sa pagdating niya ng isang taong gulang ay kumakain na siya nang tatlong beses at nagmemerienda nang dalawang beses sa isang araw.

    Iba’t ibang klase ng masustansyang pagkain ang dapat masubukan ng bata para pagdating niya sa edad na ito, kaya niya nang kumain nang mag-isa o may kaunting tulong mula sa iba. Kapag kaya niya na itong gawin, maaari na rin siyang magsabi kung siya ay busog na at nakakain na nang sapat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa How to Know if Your Baby Has Consumed Enough Milk or Solid Food

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close