embed embed2
'Wag Agad Kargahin Pag Nagising Si Baby' At Iba Pang Payo Ng Sleep Specialist
PHOTO BY SHUTTERSTOCK
  • Napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat at mahimbing na tulog sa mga babies. Bukod sa kailangan nila ito sa kanilang paglaki, ito rin yung panahon na makakakilos ka sa bahay, o makakabawi rin ng tulog. 

    Ayon kay Gabrielle Weil, isang baby sleep coach, iba-iba ang sleeping habits ng mga babies ayon sa edad nila. Bilang isang bagong magulang, akala mo kabisado mo na ang sleeping habit ng iyong anak, ngunit pagdating ng sunod na buwan, mag-iiba naman!

    Kaya naman, nagtanong kami sa isang sleep specialist ng mga maaaring gawin ng mga first-time parents para masiguro na maging mahimbing ang tulog ng mga babies nila.

    Bakit mahalaga ang sapat na tulog

    “Ang pagtulog ay biologic need. Para siyang kung gutom, kakain, at kung malaki bladder niya, iihi. May parte ng brain na responsible for sleep, spontaneously lumalabas ito kung kailangan ng tao," ayon kay Dr. Rolando dela Eva, isang Sleep Specialist and Pediatric Pulmonologist sa St. Luke's Medical Center, Quezon City. 

    Sabi ni Dr. Dela Eva, dapat malaman ng mga bagong magulang na may mga teorya sa kahalagahan ng pagtulog, at isa na dito ay ang tulog ay nakakatulong ito sa paglaki ng baby.

     1. Huwag patulugin ang baby kung hindi sapat ang gatas nito.

    Ayon kay Dr. Dela Eva, isa sa mga dahilan kung bakit hindi mahimbing ang tulog ni baby ay kapag nagigising siya dahil gutom ito o kulang ang gatas na naibibigay sa kanya. “Dapat enough yung amount of milk to be given para at least mapunuan yung gastric capacity ni baby, nang sa ganun makatulog siya ng mas mahaba," lahad niya. "Kaysa nagigising sila dahil gutom, nagiging putol-putol yung tulog nila.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Hayaan mag-self-soothe ang baby kapag nagising ito.

    Ayon kay Dr. Dela Eva, normal na naaalimpungatan ang mga baby at aakalain ng magulang na gigising na ito. Nirerekomenda niya na hayaan itong bumalik sa kanyang pagtulog na kusa.

    Dahil sa pagbabago ng sleep states, nagigising sila, pero merong tinatawag na self-soothers, mga batang nakakabalik sa pagtulog nang mag-isa, pero may mga babies din na hindi makabalik sa tulog kasi kada magising, hinahanap nila ang magulang nila at kadalasan hinahanap na rin ang paglalagay ng bote sa kanilang bibig o paghehele. Kung hindi maibigay ang lahat na ito ay hindi titigil sa pag iyak.

    “Ang nangyayari doon, nagkakaroon sila ng sleep onset association disorder. Na yung pampatahan nila, ay ang pagbibigay agad agad ng gatas, presence ng parents nila o paghehele. Na aassociate ng baby ang lahat ng ito para pampatulog nila, na hahanap-hanapin lagi nila yun.”

    3. Mas mainam patulugin ang baby sa sarili nitong crib.

    Sabi rin ni Dr. Dela Eva, mas maganda na nakahiwalay sa mga magulang ang baby pag tulog ito para maiwasan na magising dahil sa galaw ng mga magulang kung katabi nila ito. Ito ay tinatawag rin na co-sleeping.

    Payo niya, kung ilalagay naman sila sa crib, dapat maging maingat na hindi balot na balot ang bata o pwede ma-suffocate para maiwasan ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS.

    4. Maging consistent at firm sa sleeping routine ng baby.

    “Dapat ang mga magulang mag-develop sila ng firmness sa sarili nila, kasi pag di sila firm, malambot masyado ang puso, ilang kibot lang ng bata, eto na sila. Importante, pag-iiyak, obserbahan muna, kung in pain ba ang baby, kung may langgam ba na gumagapang sa crib, basa ba yung diaper ng ihi, at hindi kaagad yung bigla siya kukunin, kakargahin o ihehele.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mainam rin malaman ng mga parents ang mga senyales ng baby na nag-aantok na at kung inaantok lang at handa ng matulog ay dapat ilapag na sa crib. Huwag sanayin na makatulog ang baby habang kilik-kilik ng magulang ito.

    5. Magkaroon ng mga bedtime rituals.

    Para sa mga babies na anim na buwan, madalas sila yung mas mahaba yung tulog sa gabi, at may nap na dalawang beses sa umaga. “Importante na may mga rituals sila tulad ng warm bath at iba pa. Dapat mag-set ng sleep time na consistent at hindi pabago-bago. I-dim ang lights mga isang oras bago sa usual oras ng kanilang pag tulog.

    Pwede din merong baby-friendly na transitional toy na katabi sa crib na mahahawakan nila. Instead na magulang yung hahanapin nila. Kadalasan kung magising sila sa gabi at pag nahawakan nila yun secured ang feeling nila at makakabalik sila sa pagtulog ng walang problema.”

    May tanong ka ba ukol sa pagtulog ng baby mo? Comment below!

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles