Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Solo Parent ID: Paano Kumuha at ang Mga Benefits Nito
PHOTO BY @monkeybusinessimages/iStock
  • Nasa 14 milyon ang mga solo parent sa Pilipinas, ayon sa tala ng National Institutes of Health noong 2007. Naiulat noong 2017 na inaasahang tataas pa ang bilang na ito at magiging 20 milyon. Ayon sa batas, bawat isa sa mga solo parents ay dapat tumanggap ng benepisyong nakasaad sa Republic Act No. 8972, o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000.

    Noong 2017, nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na baguhin ang RA 8972 upang isama dito ang ilang karagdagang benepisyo tulad ng discount sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan, gamot, gamit sa eskwela, at iba pa. 

    Para makuha ng isang solo parent ang mga benepisyong ito, kailangan munang mayroon siyang hawak na “Solo Parent ID.” Sino nga ba ang itinuturing na solo parent ng batas?

    More from Smart Parenting

    Ang solo parent ay sinumang indibidwal na tumatayo bilang pangunahing tagapangalaga ng isang bata. Ito ay maaring dahil sa paghihiwalay ng mag-asawa (maging legal man ang paghihiwalay o hindi) o pagkamatay ng asawa. Pwede pang may ibang dahilan maliban sa dalawang sitwasyong ito. Kasama rin dito ang mga pangunahing tagapag-alaga ng kanilang mga pamangkin at inaanak, ayon kay Atty. Lorna Patajo-Kapunan sa isang kolum sa dyaryo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sino ang tinatawag na solo parent?

    Ayon sa RA 8972, ang solo parent ay:

    1. Magulang na naiwang mag-isa bilang tagapangalaga ng anak sa mga sumusunod na paraan:

    1. Pagkamatay ng asawa
    2. Pagkakulong ng asawa nang hindi bababa sa isang (1) taon pagkatapos mahatulan ng krimen
    3. Physical o mental incapacity ng asawa na pinagtibay ng isang public medical practitioner
    4. Legal separation o de facto separation (paghihiwalay na hindi kinikilala ng batas) ng mag-asawa sa loob ng hindi bababa sa isang (1) taon (kung saan siya ang pinagkalooban ng custody ng mga bata)
    5. Nullity o annulment ng kasal ng mag-asawa na ipinagkaloob ng korte o simbahan (kung saan siya ang pinagkalooban ng custody ng mga bata)

    2. Magulang (nanay o tatay) na hindi kasal na siyang nag-aalaga sa kanyang anak/mga anak

    3. Isang babae na nanganak ng batang bunga ng pagkagahasa o iba pang crimes against chastity, kahit hindi pa nahahatulan ang maysala, kung bubuhayin at aalagaan nito ang kanyang anak

    4. Sinumang tumatayong magulang sa isang bata / ilang mga bata

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Sinumang kapamilya na sasalo sa katungkulan ng isang magulang na namatay, nawala nang matagal, naglaho nang tuluyan, o tinalikuran ang kanyang tungkulin

    Paalala: Ang mga magulang na may asawang Overseas Filipino Workers (OFW) ay hindi itinuturing na solo parent, maliban na lamang kapag wala nang pakikipag-ugnayan sa kanila ang kabiyak na nasa ibang bansa sa loob ng isang taon.

    More from Smart Parenting

    PHOTO BY Courtesy of Mommy Donna of Homeschoolerkib.blogspot.com

    Paano kumuha ng Solo Parent ID?

    Step 1: Ihanda ang mga requirements.

    a. Barangay Certificate
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pumunta sa inyong barangay hall upang mag-request nito. Isa itong dokumento na nagsasabing ikaw ay residente ng lugar na iyon sa nakalipas na anim na buwan o higit pa. Maaring hingan ka ng valid government ID bilang patunay ng iyong address at ng processing fee.

    b. Katibayan ng iyong financial status

    Ito ay ang iyong Income Tax Return (ITR). Sa mga empleyado, makukuha ang dokumentong ito sa inyong opisina. Sa mga stay-at-home at work-from-home na magulang, ang DSWD worker ang magsasabi kung anong dokumento ang maari ninyong ipasa. (Narito ang isang gabay tungkol sa financial support para sa solo parents.)

    c. Katibayan ng iyong solo parent status

    Depende sa inyong sitwasyon kung anong uri ng dokumento ito. Sa mga balo, ito ay ang death certificate ng inyong asawa. Sa mga hiwalay sa asawa, ito ay ang declaration of nullity of marriage o isang medical certificate para sa magulang na ang asawa ay incapacitated.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ikaw ay separated de facto (ibig sabihin, hindi pa legal ang paghihiwalay ninyong mag-asawa), ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay maari kang mag-submit ng certificate mula sa inyong Barangay Captain na nagpapatunay ng iyong kalagayan bilang solo parent.

    d. Birth certificate ng iyong anak / mga anak

    e. Solo Parent ID application form na napunuan na   

    Ibibigay ang application form kapag inyo nang naipakita ang iba pang mga requirements

    Step 2: Ipasa ang mga dokumento

    Pumunta sa social welfare and development office ng inyong munisipyo. Susuriin ng social worker ang mga dokumentong inyong ipapasa, at aabutin ng hanggang 30 araw bago maibigay ang inyong Solo Parent ID, kung walang problema sa mga dokumentong inyong ipinasa.

    Paalala: Ang Solo Parent ID ay may bisa nang isang taon at maaari itong i-renew.

    More from Smart Parenting


    Mga benepisyo ng pagkakaroon ng Solo Parent ID

    Ipakita ang inyong Solo Parent ID para ma-enjoy ang mga sumusunod na benefits:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Flexible work schedule

    Ang ibig sabihin nito ay maari mong hilingin sa iyong employer ang mas maaga o mas late na time-in at time-out sa trabaho ayon sa iyong pangangailangan bilang isang solo parent. Hindi dapat maapektuhan nito ang bilang ng oras na iyong ilalagi sa trabaho (ayon sa inyong kasunduan ng iyong employer) at ang iyong productivity o ng kumpanya.

    Parental leave (7 days)

    Bilang solo parent, ikaw ay magkakaroon ng karagdagang pitong araw na leave — solo parent leave — kung ikaw ay nanilbihan na bilang empleyado nang hindi bababa sa isang taon. Kailangan ding magbigay ng abiso sa iyong employer isang linggo bago ang leave. Hindi maaring ipunin ang solo parent leave, at hindi rin ito maaring ipalit sa cash. (Alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa solo parent leave dito.)

    Proteksyon laban sa diskriminasyon sa trabaho

    Ayon sa RA 8972, “No employer shall discriminate against any solo parent employee with respect to terms and conditions of employment on account of his/her status.” (Hindi maaring i-discriminate o tratuhin nang iba ng employer ang kanyang empleyado pagdating sa estado ng kanyang trabaho base lamang sa kanyang pagiging solo parent.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Karagdagang suporta at tulong, kung kailangan

    Kung ang solo parent ay pasok sa poverty threshold ayon sa itinakda ng National Economic and Development Authority, at siya ay ipinapalagay na karapat-dapat ayon sa pagsusuri ng DSWD social worker, siya ay makakatanggap ng educational, housing at medical benefit mula sa mga sumusunod na ahensya ng pamahalaan: Department of Health (DOH), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at National Housing Authority (NHA).

    Basahin ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000 para malaman ang lahat ng benepisyong nararapat para sa isang solo parent.

    Ang larawan sa itaas ay ginamit nang may permiso mula kay Mommy Donna na isang solo mom.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 

    How to Get a Solo Parent ID and the Benefits That Come With It

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles