embed embed2
  • Labanos, Mustasa! Moms Share Gulay Tips Para Sa First Solid Food Ni Baby

    Nandito rin ang signs kung ready na ba si baby kumain maliban sa breast milk.
    by Jocelyn Valle .
Labanos, Mustasa! Moms Share Gulay Tips Para Sa First Solid Food Ni Baby
PHOTO BY Shutterstock/Andy Lim
  • Mabibili mo na ang iyong pregnancy at baby essentials sa Smart Parenting ChatnShop! Pindutin mo lang ang 'ChatnShop Now' button at pwede ka nang pumili ng mga produktong kailangan mo. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka ng aming community care team mula sa pagbayad at sa pag-ayos ng delivery ng mga pinamili mo. Parang nakikipagkwentuhan ka lang sa kapwa mo Smart Parenting mom!

    Kapana-panabik ang pagtungtong ni baby sa ika-anim na buwan. Oras na para sumubok ng pagkain liban sa breast milk. Hindi na rin kasi sapat ang breast milk lang para matugunan ang kanyang nutritional needs, ayon sa World Health Organization (WHO).

    Pagkain ng baby

    Maituturing na hot topic ang unang pagkain ng baby sa mga mommy, kaya naman kadalasan napag-uusapan ang tamang kain sa Smart Parenting Village Facebook group.

    Kapag may humingi ng payo at suhestiyon sa pagpapakain sa baby, kaagad may tumutugon na miyembro ng grupo. Ilan sa mga naibahagi nila:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paghaluin ang dalawang klase ng gulay

    Ang sabi ni Antonette Ocana, pinaghahalo niya ang patatas at carrot, o di kaya kalabasa at malunggay.

    May mga dagdag na kombinasyon si Anne Chong para sa meal plan ng 6-month-old baby:

    • patatas at kalabasa
    • kalabasa at kamote
    • sayote at patatas
    • cauliflower at sayote
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Gawing prutas o gulay ang unang pagkain ng baby 

    Nag-share si Pennelope Baria nang pinakin niya na baby food sa kanyang 6-month-old. Sabi niya mas maganda daw ang avocado bilang first solid food, hind nga lang siya in season nung puwede na kumain ang anak niya.

    Eto ang meal plan niya para sa kanyang 6 month old.

    • Day 1-3 Mashed Pumpkin
    • Day 4-6 Mashed Potato
    • Day 7-9 Mashed Carrots
    • Day 10-12 Mashed Kamote
    • Day 13-15 Mashed Sayote
    • Day 16-18 Mashed Lakatan
    • Day 19-21 Mashed Upo
    • Day 22-24 Mashed Labanos
    • Day 25-27 Mashed Sitaw
    • Day 28-30 Mustasa

    Paalala: Obserbahan ang epekto ng gulay sa anak sa unang araw. Sabi ni Pennelope nagtae ang kanyang baby sa sayote. May ilan naman na mommy sa Smart Parenting Village ang nagsabi na sa kalabasa ang nagpapa-poop sa kanilang babies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maging creative sa pagluluto ng lugaw o porridge

    Kuwento ni Pamela Pineda-Gozun na gumagamit siya ng ground oats at brown rice para sa kanyang 7-month-old. Pagkatapos nilalagyan niya ang nalutong lugaw ng breast milk o di kaya iba pang gatas.

    Dagdag niya yung rice pwede may squash, broccoli, sayote, taro, o patatas.

    Dahan-dahan sa pagbigay ng tinapay

    Puwede nang kumain si baby ng tinapay, ayon sa mga eksperto, basta hindi allergic dito ang sinoman sa pamilya at iwasan ang wheat.

    Pero para kay Sunshine SG, hindi niya muna pinapakain ng tinapay ang kanyang anak kahit 11 months na ito. Kadalasan daw kasi may asukal ang tinapay kaya nagpasya siya na maghintay pa ng ilang panahon para bigyan nito si baby.

    Panatiliin ang sanitation para makaiwas sa contamination

    Paalala ni Sunshine na siguraduhing malinis at tuyo ang mga gamit bago kumain si baby, pati bago ibalik ang mga ito sa storage area.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwedeng bumili ng tools for babyfeeding dito! Makakakuha ka pa ng 10% discount sa iyong first purchase for ChatNShop. Promo runs until December 31, 2020. Gamitin ang code na ito: HELLOCHATNSHOP

    Signs that baby is ready for solid food

    Samantala, mababasa sa American Academy of Pediatrics (AAP) guide book na Nutrition: What Every Parent Needs to Know ang mga palatandaan kung handa na talaga ang sanggol para sa solid food.

    Kaya na ni baby na itaas ang kanyang ulo

    Paupuin ang sanggol kapag pakakainin na siya at obserbahan kung hindi na siya malimit nakatungo. Kailangan kasi may mayroon na siyang “good head control” para masabing handa na siyang kumain.

    Binubuka ni baby ang bibig kapag may parating na pagkain

    Ibig sabihin, sabik na siya na pakainin mo. Ganito din ang kanyang pinapahiwatig kapag pinapanood ka niyang kumain o inaagaw niya ang pagkain mo.

    Marunong nang lumunok si baby

    Normal lang sa mga unang beses mong subuan si baby ay iluwa niya ang pagkain. Mainam na tunawin muna sa tubig o sabaw ang pagkain bago ito isubo sa sanggol. Makakatulong din kung maghintay ng isa o dalawang linggo bago subukan ulit na pakainin si baby. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nasa tamang timbang at laki na si baby

    Kadalasan, ayon sa AAP, handa na ang sanggol sa solid food kapag dumoble na ang kanyang birth weight o di kaya may bigat na siya ng hindi bababa sa 13 pounds (5.89 kilos).

    Paalala naman ng WHO sa magulang na huwag pilitin ang anak na kumain ng solid food. Hindi naman daw pare-pareho ang pangangailan ng bawat sanggol. May kinalaman dito ang ilang factors, tulad ng dami ng dinedede ni baby at ang bilis ng kanyang paglaki.

    Makabubuti kung magsimula ang pagkain ng baby sa 2 hanggang 3 tablespoons per feeding, at saka na lang dagdagan depende sa kanyang reaksyon at gana. May mga pagkain lang na hindi pa pupuwede kay baby (basahin dito).

    Kapag nasanay at nagustuhan na ni baby ang pagkain, puwede siyang magkonsumo ng halati ng 250 mL cup. Pasok ito sa rekomendadong energy intake para sa 6 hanggang 8 months na sanggol na 200 calories kada araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tunay na exciting, kahit pa challenging din, ang mga panahon na ito pagdating sa tamang kain for baby.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles