-
Romantic At Timeless Ang Mga Baby Girl Names Na Ito Mula Sa Taong 1910
Classic na pangalan ba ang hanap mo para sa iyong little girl?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Maraming mga bagong pangalan na naglalabasan ngayon. May ilang magaganda na hango sa mga bagong TV series at pelikula. Mayroon ding hango sa mga nauuso ngayon tulad ng mga Korean baby names.
Pero kung mas gusto mong classical at timeless ang pangalan ng baby girl mo, pwede kang bumalik sa mga nausong pangalan noon tulad sa taong 1910. Maraming mga pangalan sa taong ito ang pamilyar ngunit hindi pa gaanong nagagamit.
Classic baby girl names from the 1910s
Frances
Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay 'free man.' Ayon sa Nameberry, paborito itong pangalan ng Tudor aristocracy. Mayroon din itong ibang mga bersyon tulad ng Francesca, Francoise, Fanya, at Francine.
Virginia
Magandang pangalan ang Virginia dahil maraming nickname variations na pwedeng ibigay dito. Kabilang diyan ang Ginny, Genia, Gigi, Vee, Virge, at Virgie.
Evelyn
"Desired," "water," "wished for," at "island" ang ibig sabihin ng pangalang Evelyn. May ilang Evlyn ang pangalan para maiba naman.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWFlorence
"Flourishing" at "prosperous" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Maganda itong ipangalan sa baby girl dahil maaari rin itong simbulo ng Italian city na Florence.
Lillian
Hango ito sa Latin na pangalan na ang ibig sabihin ay "Lily."
Thelma
Isa ang pangalan na ito sa mga iisipin mong common na dahil sa mga sikat na references tulad ng Thelma & Louise. Pero hindi pa masyadong marami ang gumagamit ng pangalang ito.
Ilang nicknames na maaari mong gamitin ang Thea o Tay.
Lucille
Classic at hindi rin naluluma ang pangalang Lucille. Bukod pa riyan, maganda rin itong ipares sa ibang pangalan tulad ng Anna, Josephine at iba pa.
Eleanor
Lubos na sumikat ang pangalang ito nang lumabas ito sa Beatles song na Eleanor Rigby. Hanggang ngayon ay maganda pa rin itong ipangalan sa baby girls.
Beatrice
Isa pa ito sa mga pangalan sa listahan na ito na ano man ang maging uso ay hindi talaga naluluma.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng ibig sabihin ng pangalang ito ay 'she who brings happiness.' Magandang nicknames sa pangalang ito ang Bea at Trixie. Maaari ring gawing variation ang Beatrix.
Lois
"Most desirable" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Mayroon itong Greek origin at sumikat ito dahil sa karakter na Lois Lane hango sa DC Comics character.
Marion
Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay "drop of the sea" at "beloved." Unisex din ito pero kapag ginamit mo para sa baby girl, nagkakaroon ito ng magandang old-fashioned charm.
Ida
German ang origin ng pangalang ito. Ang ibig sabihin nito ay "industrious one."
Stella
May kakaibang old-school na tunog ang pangalang Stella. Bagay ito sa baby girl mo kung hilig ninyo ng partner mo ang classics at retro style na mga bagay.
Leona
"Lion" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Mayroon itong Italian origin. Sa Hebrew naman, "my strength" ang ibig sabihin nito.
Lena
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMuling sumikat ang pangalang ito dahil sa aktress na si Lena Headey na siyang gumanap bilang si Cersei Lanister sa fantasy drama series na Game of Thrones.
"Bright" at "beautiful" ang ibig sabihin ng pangalang ito.
Blanche
French ang origin ng pangalang ito. "White" ang ibig sabihin, ayon sa Nameberry. Itinuturing itong royal name sa France noon twelfth century.
Ilan pang magagandang classical baby girl names mula sa 1910s ang June, Geraldine, Velma, Carrie, Phillis, at Marguerite.
Anong mga pangalan ang pinag-iisipan mong ibigay sa baby girl mo? Ano ang iyong inspirasyon sa likod ng mga pangalang ito? I-share mo na 'yan sa comments section.
Kakaiba ba ang pangalan ng anak mo? Ipadala mo sa amin ang kwento sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

- Shares
- Comments