Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ano Ang RA 1148 O Kalusugan At Nutrisyon Ng Mag-Nanay Act?

    Alamin kung ano ang RA 1148 at anu-ano ang mga benepisyong nakapaloob dito.
    by Kitty Elicay .
Ano Ang RA 1148 O Kalusugan At Nutrisyon Ng Mag-Nanay Act?
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Magandang balita para sa araw na ito. Ayon sa Save the Children, isang non-profit organization na naglalayong magbigay ng tulong at proteksyon para sa mga batang Pinoy, nilagdaan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang RA 1148, o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act. 
    Sinisiguro ng batas na ito na bawat bata sa bansa ay makakatanggap ng tamang nutrisyon at pag-aalaga sa unang 1,000 ng kanilang buhay.

    Kasama rito ang pagbibigay ng mga programa para sa nutrisyon, bago, habang at matapos manganak ng nanay; programa para sa nutrisyon at suporta sa sanggol, training para sa mga barangay health workers at pagbibigay ng suporta at training sa mga ina upang mapangalagaan ang kalusugan nila ni baby.  

    Ang unang 1,000  araw ay may malaking epekto sa isip ng isang sanggol 

    Noong 2008, inilathala ng medical journal na The Lancet ang ilang pag-aaral tungkol sa kakulangan ng nutrisyon ng ina at kanyang sanggol. Itinukoy rito ang kritikal na panahon mula sa pagbubuntis ng isang babae hanggang sa ikalawang kaarawan ng bata, o “the first 1,000 days of life.”  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagsisimula ito sa oras na ipagbuntis mo ang iyong anak hanggang sa ikalawang taon ng kanyang buhay. Binigyang-diin din ng World Health Organization (WHO) United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) at Philippine Pediatric Society (PPS) ang kahalagahan ng unang 1,000 araw na ito.  

    Ayon sa PPS, ang pagkasira ng nutrisyon sa oras na ito kung kailan nabubuo ang utak ng isang sanggol ay hindi na mababawi at may malaking epekto sa paglaki ng bata. Ang estado ng brain development ni baby sa edad na 2 ay magsasabi ng kanyang kakayahang mag-isip hanggang sa kanyang paglaki, kabilang dito ang kanyang pag-aaral at magiging trabaho sa hinaharap.  

    “Experts have found that those who have good nutrition early on in life are able to overcome more life-threatening diseases,” sabi ni Noelle Polack, isang birth and postpartum doula, sa ginanap na “Smart Parenting Baby Shower” noong Abril. “They are able to cope better in school — they are smarter, they become higher paid, and they’re more likely as adults to have healthier families.” (Napag-alaman ng mga eksperto na ang mga batang may magandang nutrisyon maaga pa lang sa kanilang buhay ay mas nakakalaban sa mga malulubhang sakit. Mas madali silang makahabol sa pag-aaral-  mas matalino, mas mataas ang sweldo at may malulusog na pamilya.) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pangangalaga sa sarili habang nagbubuntis ay may epekto sa pagbuo ng isip ng iyong anak 

    Para sa isang malusog na pagbubuntis,  Nirerekomenda ng PPS na lahat ng babaeng nagdadalang-tao ay uminom ng supplement na may iron, folate, calcium at iba pang micro-nutrients. 

    Ang folic acid ay tumutulong na bumaba ang posibilidad na magkaroon ang nanay ng pre-eclampsia, at mga seryosong komplikasyon sa mga sanggol tulad ng spina bifida. Mahalaga naman ang iodine para sa paglaki ng utak ng fetus at maliit na bata.  

    Upang masiguro na maayos at malusog ang iyong pagbubuntis, importante ang pagkakaroon ng regular na check up sa iyong doktor. Nirerekomenda ang pagbisita sa doktor ng apat na beses o higit pa (bago ang ika-apat na buwan, at sa ika-anim, ika-walo at ika-siyam na buwan) kung ang iyong pagbubuntis ay normal at walang komplikasyon. 

    Mahalaga ang pagpapadede at Unak Yakap sa mga unang taon ni baby 

    Binibigyang-diin sa unang 1,000 araw ang importansya ng pagpapadede sa loob ng isang oras matapos manganak, na nakakabawas sa panganib ng pagkamatay ng mga sanggol ng 22%, ayon sa WHO. Parte ito ng Unang Yakap protocol. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “The baby is dried then diretso na sa skin mo. Hindi kayo dapat paghihiwalayin,” ani Polack. “Delayed cord clamping is also important so that the baby has a good supply of blood and can do breastfeeding behaviors more easily.” (Pinupunasan lang si baby tapos diretso na sa’yo. Hindi kayo dapat paghiwalayin. Ang pagpapaliban ng pagputol ng cord ay mahalaga rin para magkaroon ang sanggol ng magandang supply ng dugo at maging madali para sa kanya na magdede.) 

    Nirerekomenda ng WHO at PPS ang pagpapadede sa unang anim na buwan, na susundan ng complementary feeding o pagbibigay ng masustansiyang pagkain habang patuloy na nagpapadede. (Tingnan ang gabay dito.) Ang pagpapadede ng anim na buwan ay parang mahirap, kaya payo ni Polack sa mga nanay, magbasa-basa at alamin ang kagandahan ng pagpapadede at humanap ng isang bagay na hihikayat sa kanilang magpatuloy.  “On those days na pagod na pagod ka na at tinitignan mo ‘yung baby mo at nag-wo-wonder ka, ‘Bakit ko ba ‘to ginagawa?’ You’ll need to hold on to that benefit and use it as a motivation,” kwento niya. (Sa mga araw na pagod na pagod ka na at tinitingnan mo yung baby mo at nag-iisip ka, “Bakit ko ba ‘to ginagawa?” Kailangan mong panghawakan ang benepisyong iyon at gamitin ito para mahikayat ka.) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
View more articles