embed embed2
Baby Girl Names: Mga Pangalan na May Magandang Kahulugan
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Ang pagpili ng pangalan para sa iyong anak na babae ay marahil isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin mo sa iyong buhay. Lalo na't hindi madaling pumili ng isa o dalawa sa libu-libong pangalan na mayroon ngayon.

    Kung kasalukuyan kang buntis (congratulations!), narito ang naipon naming mga baby girl names na nagsisimula sa letrang A hanggang E (abangan ang mga susunod na batch) na iba't-iba ang pinagmulan. Isinama na din namin sa listahan ang kahulugan ng bawat pangalan. Tandaan! Ang pangalan ng iyong baby girl ay magiging bahagi na ng kaniyang pagkakakilanlan. Mahalagang bigyan siya ng pangalan na makabuluhan. 

    What other parents are reading

    Mga baby girl names na nagsisimula sa letrang 'A'

    Aiko

    Pangalang Hapon na nangangahulugang 'pag-ibig' o 'anak ng pag-ibig.'

    Alex/Alexis

    Ang isa pang tema na trending ngayon pagdating sa pagbibigay ng pangalan sa anak na babae ay ang paggamit ng gender-neutral names. Ang Alex o Alexis ay may Greek origin at nangangahulugang 'tagapagtanggol ng kalalakihan' o 'helper of mankind.'

    Anais

    Isa pang nauuso ngayong 2018 ay mga pangalang nagsisimula at nagtatapos sa letrang 'S'. Ang Anais, halimbawa, ay pangalang nagmula sa France at isang sikat na variant ng pangalang 'Anne'. Ito ay nangangahulugang "biyaya."

    What other parents are reading

    Arya

    Ang pangalang ito ay pinasikat ng libro at TV series na Game of Thrones. Ayon sa website na Nameberry, isa ito sa mga trending names ng 2018. Ito ang mas modernong bersyon ng Aria na nangangahulugang leon. Ibig sabihin din ng pangalang ito ay 'marangal'. 

    Astrid

    Ang pangalan ito ay nangangahulugang 'magandang diyosa' sa Danish, Scandinavian, at Suweko. Kung napanood o nabasa mo ang Crazy Rich Asians, isa sa mga karakter doon ay talagang totoo sa pangalang Astrid. Nagpapakita ng umaapaw na kagandahan at class sa lahat ng kanyang ginagawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Ayah

    Akma ang pangalang ito para sa anak mo kung naghahanap ka ng biblical name na nangangahulugang 'himala'. Mayroon itong Arabic origin at sa tradisyong Islam, ang pangalan ay nangangahulugang 'tanda ng kadakilaan ng Diyos.'

    Awit

    Kung naghahanap ka naman ng Pinoy na Pinoy na pangalan para sa iyong munting prinsesa, ito na ang isa sa pinakamagandang maaari mong piliin. Hymn ang ibig sabihin ng awit at bagay na bagay ito lalo na kung mahilig ka sa musika at nais mong ipasa ito sa iyong mga anak.

    What other parents are reading

    Mga baby girl names na nagsisimula sa letrang 'B'

    Bailey

    Kung gusto mo namang magpalaki ng isang abogado sa hinaharap, maaari mo siyang pangalanang Bailey. Ito ay isang gender-neutral na pangalan na isa sa top 1,000 names ng 2017 sa United States. Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay 'law enforcer' o 'bailiff' (isang opisyal ng korte)

    Bella

    Sa Italyano at Latin, ang pangalan ay nangangahulugang 'maganda.' Katulad nito, ang 'Belle' ay ginagamit upang ilarawan ang isang magandang batang babae sa Pranses at Ingles.

    Bernice

    Ito ay isang salitang Griego na nabanggit sa Book of Acts. Nangangahulugan ito na 'nagdadala ng tagumpay.'

    What other parents are reading

    Bethany

    Ang isa pang pangalan na kasama sa nangungunang 1,000 pangalan, ang Bethany ay nangangahulugang 'house of figs.' Sa Bagong Tipan, ito ang tahanan ng magkakapatid na Maria, Marta, at Lazaro.

    Blake

    Kakaiba ang pangalang ito dahil mayroon itong dalawang ibig sabihin na sobrang magkasalungat. Ayon sa Baby Name Wizard, sa Old English, ang ibig sabihin nito ay ‘black or dark complexioned’ (from the Old English word blæc). Ang isa pang ibig sabihin nito ay ‘bright, shining, fair-haired’ (from the Old English blÄc). 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Brianna

    Ito rin ay kabilang sa mga nangungunang 1,000 pangalan at nagmula sa Celtic origin. Nangangahulugan ito na 'malakas' o 'exalted.'

    Bridget

    Kung gusto mo naman ng pangalang nangangahulugang malakas, ito ang para sa baby girl mo. Mayroon itong Gaelic at Irish roots na ang ibig sabihin ay ‘power, strength, vigor, and virtue.’ Maaaring ibig sabihin din nito ay ‘the exalted one.’

     

    What other parents are reading

    Baby girl names na nagsisimula sa letrang 'C'

    Carolyn

    Ayon sa isang pag-aaral na lumabas sa LinkedIn, isa ang Carolyn sa pinakamadalas na pangalan ng isang CEO. Kaya kung gusto mong maging matagumpay ang iyong anak, ito ang isa sa magagandang pangalang maaari mong ibigay sa kaniya. Ang ibig sabihin nito ay 'free man'. Isa din itong variation ng pangalang Caroline, isa sa mga pinaka-classic at eleganteng pangalan na maaari mong ibigay sa iyong anak.

    Carys

    Mula sa pinanggalingan nitong Welsh, ang pangalan ay nangangahulugang 'pag-ibig'.

    Casey

    Dahil mas maraming mga magulang ang pumipili ng mga pangalan ng sanggol na neutral para sa mga batang babae, ang isang ito, na may Irish origin, ay isa sa mga magagandang choices. Nangangahulugan ito na 'matapang sa labanan.'

    What other parents are reading

    Catherine

    Tinatawag ito ng Nameberry na isa sa mga pinakamagagandang pangalan ng babae sapagkat ito ay feminine, royal, at saintly. Kasama rin ito sa isang listahan ng mga pangalan na nauugnay sa tagumpay. Ang Greek na origin nito ay Catherine o Katherine na nangangahulugang 'dalisay.'

     

    Carwen

    Ang pangalang ito ay may Welsh origin na ang ibig sabihin ay 'blessed love.'

    Charlotte

    Isa ang pangalan na ito sa top 10 names of 2017 sa United States. Katulad ng Carolyn, 'free man' din ang ibig sabihin nito. Isa sa pinakasikat na batang babae na may pangalan nito ngayon ay si Princess Charlotte of Cambridge.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cynthia

    Ang pangalan na ito ay hango sa Latin at Greek na Kynthia na siya ring kilala bilang Artemis, ang goddess of moon and of the hunt.

    What other parents are reading

    Baby girl names na nagsisimula sa letrang 'D'

    Daisy

    Nangunguna ito sa 1,000 names of 2017. Isa ito sa mga sikat na pangalan ng bulaklak at siya ring palayaw para sa pangalang Margaret na ang ibig namang sabihin ay perlas. 

    Dakota

    Ang pangalan na ito na may Native American roots ay maaring gamitin hindi lang sa babae kundi sa lalaking anak din. Ang ibig sabihin nito ay 'the friendly one' o 'kaibigan'.

    Diana

    Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay 'divine'. Ito ang pangalan ng Roman goddes of the moon, hunt, at nature. 

    What other parents are reading

    Diwata

    Isa pang magandang Filipino name na maaari mong ibigay sa iyong anak ay Diwata. Ang mga diwata ay likas na matalino, mahinhin, at maganda.

    Deborah

    Maraming babaeng CEO ang may pangalan na Deborah. Ito ay may Hebrew origin na ang ibig sabihin ay 'bubuyog'. Sa Bibliya, si Deborah ay isang poet, judge, at heroic prophet na nagsabing makukuha ng mga Israelita ang kanilang kalayaan mula sa mga Canaanites. 

     

    Delilah

    Ang ibig sabihin ng pangalang ito sa hebrew ay 'delicate'. Taliwas sa pagkakakilala ng karamihan sa pangalang ito bilang ang babaeng nakapagpaamin kay Samson ng kaniyang kahinaan. Ayon sa Nameberry, ibig sabihin din nito ay 'delight'. 

    Delaney

    Isa rin ang pangalang ito sa mga nangungunang pangalan ng 2017. Ito ay may Gaelic origin na ang ibig sabihin ay 'descendant of th challenger.' Kung ito ang ipapangalan mo sa iyong anak, baka sakaling lumaki siyang matapang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Baby girl names na nagsisimula sa letrang 'E'

    Elizabeth

    Kahit na marami na ang gumagamit ng pangalang ito, nananatili pa rin itong classic na pangalan ng batang babae. Ang ibig sabihin nito ay 'pledged to God.' Ayon sa mga pag-aaral, ang pangalang ito ay sadyang nagpapakita ng tagumpay at respeto, ayon sa mga pag-aaral.

     

    Eleanor

    Ayon sa Nameberry, ang pangalang ito ay isa sa mga kilalang pangalan ng mga babaeng nakakapasok sa magagandang kolehiyo. Ang Greek na pinanggalingan nito ay may ibig sabihin na 'bright, shining one,' ayon sa BabyCenter.

    Elodie

    Isa pang baby girl name trend ay mga pangalang ang ibig sabihin ay 'rich'. Ang Elodie ay isang pangalan na ang ibig sabihin ay 'foreign riches'. Kaya kung nais mong makaakit ng yaman at swerte and iyong anak, maaari mong ipangalan ito sa kanya.

    Elvira

    May Spanish origin ang pangalan na ito na ang ibig sabihin ay 'truth, white, or beautiful.' 

    What other parents are reading

    Ember

    Isa pang nauuso ngayon ay mga pangalang nagtatapos sa-er. Ember ay isang variation ng Amber na ang ibig sabihin ay 'spark,' or 'burning low' (ember ang mainit na uling na natitira kapag namatay na ang apoy. 

    Emma

    Isa ang pangalang ito sa pinakasikat na pangalan ng 2017. Ang ibig sabihin nito ay 'whole' o 'universal'. German ang origin nito ngunit pinakakilala ito dahil sa mga sikat na artistang tulad ni Emma Watson at Emma Stone. 

    Eunice

    Isa pang Biblical name sa ating listahan ang Eunice na nabanggit sa Book of Timothy. Ito ay isang Greek name na ang ibig sabihin ay 'good victory.'

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles