embed embed2
  • Sleep Regression: Ano Ito at Paano Niyo Malalagpasan Ito ni Baby

    Paano mo tutulungan si baby na makatulog ng tuluy-tuloy sa gabi?
    by Blessie Adlaon .
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Tulog – kailangan ito ni baby, at kailangang kailangan mo rin nito!

    Kaya sa oras na natuto na ang iyong anak na matulog nang tuluy-tuloy sa gabi, parang mapapatalon ka sa saya! Pero sandali lang, hindi pa tapos ang laban. Kadalasan, kung kailan nagsisimula ka nang bumawi ng tulog, biglang magisisimula na namang gumising si baby sa kalagitnaan ng gabi.

    Paano malampasan ang sleep regression

    Sleep regression ang tawag dito. Ito ang technical term na ginagamit kapag nahihirapan uling matulog ng tuluy-tuloy ang iyong anak sa gabi. Anong pwede mong gawin para matulungan si baby kapag pinagdaraanan niya ito?

    More from Smart Parenting

    1. Mag co-sleep o tabihan si baby sa pagtulog.

    Oo, alisin siya sa kanyang kuna at itabi mo siya sa kama. Kung hindi niyo na ito ginagawa, maaring napakalaking pagbabago nito sa inyong nakasanayan at gagawin niyo lang kung lahat ng ibang paraan ay hindi nagtagumpay. Pero inuna namin ito sa listahan dahil napaka-epektibo ng pamamaraan na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sumasang-ayon si Dr. Precious “Tippy” Tanchanco, isang development pediatrician na may clinic sa Medical City, at nanay na may tatlong anak. Aniya, “Babies tend to sleep better and more peacefully when they are with their parents. Your warmth, your smell, the sound of your breathing – these make them feel more secure, so even if they wake up in the middle of the night, it’s easier for them to fall back to sleep with little or no help from you.” (Mas nakakatulog ng mahimbing ang mga sanggol kapag katabi nila ang kanilang mga magulang. Ang init ng iyong katawan, iyong amoy, tunog ng iyong paghinga – napapalagay sila dahil sa mga ito, kaya kahit magising sila sa madaling araw, mas mabilis silang makakabalik sa pagtulog kahit hindi mo sila tulungan.)

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero paalala niya, mahalagang siguruhing ligtas ang paligid ng kama para kay baby. “There should be no thick blankets, no comforters. The bed sheets should fit snugly on the bed and should not be easily pulled off. You need to ensure that your baby does not get smothered.” (Alisin ang makakapal na kumot at comforter. Dapat maayos ang pagkakalagay ng mga bed sheet at hindi mabilis matanggal. Siguruhing hindi matatabunan si baby kapag nakahiga siya sa kama.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil magkatabi kayo ng iyong anak, mas madaling gawin ang kasunod na bagay sa listahan:

    More from Smart Parenting

    2. Mag-breastfeed.

    Kung ginagawa mo na ito, hindi mo na kailangan ang bahaging ito. Kung nagdesisyon ka naman na ayaw mong magpadede, pwede mo na rin laktawan ang parteng ito.

    Pero kung ikaw ay isang mom-to-be na gustong maging handa sa mga pwede mong harapin, kailangan mong marinig ito: ang mga nanay na nagpapadede ay bihirang magkaroon ng problema sa sleep regression – kadalasan, ito ay dahil katabi nila ang kanilang anak sa pagtulog.

    Tulad na lang ng karanasan ni Gracie Valena, isang scientific editor sa medical education company na Word Consulting Inc. Habang lumalaki ang kanyang apat na anak, wala siyang naaalalang pagkakataon na nahirapan silang matulog sa gabi. “Sure, they woke up from time to time,” aniya. “But all I did was let them nurse, and we’d both go back to sleep right away.” (Paminsan-minsan ay nagigising rin sila, pero padededehin ko lang sila at makakatulog na kami ulit.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang malaking pagkakaiba ng pagpapadede sa pagpapainom ng gatas sa bote, kailangan mo munang haluin ang formula bago mo ito ibigay kay baby. Hindi ligtas na haluin ito bago ka matulog, tapos ibigay ito sa iyong anak kapag nagising siya. Maaring sira na ang gatas pagdating ng oras na iyon. At kung masyado pang maliit ang iyong anak, kailangan mong hawakan ang bote para sa kanya dahil pwede siyang mabulunan at maaksidente kapag ipinatong mo lang ito sa unan.

    Samantala, ang gatas galing sa dede ay laging sariwa, nasa tamang temperatura, at wala ka nang dapat hawakan. Minsan nga, pwede kang magpadede habang natutulog. May mga nanay rin na kayang ilipat si baby sa kabilang dede nang hindi na bumabangon mula sa pagkakahiga.

    Pero hindi lahat ng nanay ay nakakapagpadede. Kung isa ka sa mga ito, ano pang pwede mong gawin?

    More from Smart Parenting

    3. Humingi ng tulong kay Tatay

    “That helped me a lot,” (Malaki ang naitulong nito sa’kin.) sabi ni Theresa Boaquina, na nagtatrabaho ng full-time sa isang animation company habang inaalagaan ang anak na si Nadine. “She would periodically wake up at night, and she’d be looking for her bottle and would need somebody to pat her back to sleep. It interrupted my rest, yes, but only every other night. The other times, it was my husband’s turn to get up.” (Lagi siyang gigising sa gabi, hahanapin ang kanyang bote at gustong may magtatapik sa kaniyang likod para makabalik sa pagtulog. Nakakasagabal ito sa aking pagtulog, pero hindi gabi-gabi. May mga gabi na ang asawa ko ang tumatayo para gawin ito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Baka iniisip mo, “Hindi ‘yan kayang gawin ng mister ko. Noong bagong panganak ang baby namin, ang himbing pa rin ng tulog niya kahit rinig na rinig na ang iyak ng anak namin hanggang nurse’s station.”

    Maaring totoo ito, pero ang mga tatay ay natututo ring maging sensitibo sa mga pagdaing ni baby habang tumatagal. At bagamat merong mga tatay na pipiliing magkunyaring natutulog habang umiiyak ang kanilang anak, marami ring gustong gumising  at tumulong pero hindi talaga nila kaya.

    Kung ganito ang kaso ng iyong asawa, maniwala kang nagsasabi siya ng totoo at tanggapin na kailangan mo siyang gisingin. Bago kayo matulog, sabihin mo sa kanya na tatapikin mo siya kapag kailangan siya ng inyong anak. Ipahiwatig mo rin kung gaano kalakas ang iyong “tapik” kung hindi siya gigising kaagad.

    More from Smart Parenting

    4. Pansinin ang kapaligiran.

     Sa edad na ito, ang sleep regression ay maaring dala ng mga pagbabago sa isip ni baby. Pagdating ng ika-apat na buwan, nagsisimulang magbago ang pagtulog ng mga sanggol mula sa kinasanayan nila dati, at kailangan nila ng panahon para mag-adjust.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pinakamabuti mong gawin kapag nangyari ito ay humingi ng tulong mula sa mga tao sa iyong paligid: ang iyong asawa, nanay o yaya. At laging ihanda ang iyong bala – ang iyong dede o gatas na formula, at maghintay hanggang magbago uli ang tulog niya. Parang imposible, pero ang totoo, nalagpasan na ito ng bilyon-bilyong nanay. Kadalasan, tumatagal lang ito ng ilang linggo.

    5. Kung ang anak mo ay nasa apat na buwan pa lang, maghintay muna.

    Sa edad na ito, ang sleep regression ay maaring dala ng mga pagbabago sa isip ni baby. Pagdating ng ika-apat na buwan, nagsisimulang magbago ang pagtulog ng mga sanggol mula sa kinasanayan nila dati, at kailangan nila ng panahon para mag-adjust.

    Ang pinakamabuti mong gawin kapag nangyari ito ay humingi ng tulong mula sa mga tao sa iyong paligid: ang iyong asawa, nanay o yaya. At laging ihanda ang iyong bala – ang iyong dede o gatas na formula, at maghintay hanggang magbago uli ang tulog niya. Parang imposible, pero ang totoo, nalagpasan na ito ng bilyon-bilyong nanay. Kadalasan, tumatagal lang ito ng ilang linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    6. Kung si baby ay nasa edad na 8 hanggang 12 buwan, ayusin ang iyong routine.

    Sa panahong ito, maraming natututunang bagay ang iyong anak gaya ng pag-upo, paggulong, pagtayo, at pagsasalita. Lahat ng ito ay maaring magdulot ng pananabik kay baby, gaya mo kapag nanalo ka ng maraming premyo at limpak-limpak na salapi. Kaya ang maligalig na panahong ito para sa iyong anak ay maaring dahilan kung bakit nahihirapan siyang matulog.

    Para maiwasan ang hirap ng sleep regression sa panahong ito, subukang patulugin si baby ng mas maaga para mabigyan siya ng sapat na oras para maging kalmado. Magkaroon ng routine bago matulog. Subukan mo ang paglagay ng lavender sa kanyang tubig pangligo, o kaya i-masahe ang kanyang katawan gamit ang aceite de manzanilla; meron itong chamomile oil na pinaniniwalaang nagpapakalma at ginagamit rin ng matatanda kapag nahihirapan silang matulog.

    Basahan si baby ng libro. Ang marahang boses ng kanilang nanay ay nakakatulong rin para ihele ang mga sanggol – pero minsan umaabot ang pagbabasa ng kalahating oras. Meron ring mga batang gustong sina-swaddle o niyayakap para makatulog, kahit minsan parang malaki na sila para rito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    7. Kung ang iyong anak ay may edad na 18 buwan pataas, simulan na ang pagdidisiplina.

    “When a baby is less than one year old, you can’t really spoil him,” sabi ni Dr. Tippy. “But after that, you have to begin training your child to go back to sleep all by himself.” (Kung wala pang isang taon ang bata, hindi pa posible na ma-spoil siya. Pero kung may isang taon na siya, kailangan mo na siyang turuan na matulog ng kusa.)

    Kwento niya, noong pinagdaanan niya ito sa kanyang mga anak, kinakausap niya ang mga ito hanggang maging kalmado sila. Kapag hindi gumana ang pakikipag-usap, tatapik-tapikin niya ang mga ito. Kung ayaw pa rin, saka niya sila bibigyan ng gatas. “I give them a chance to soothe themselves first.” (Binibigyan ko sila ng pagkakataon na tumahan ng kusa.)

    Kailangan mo lang matutunan na balansehin ito. Bagamat ayaw mo silang laging umasa sa’yo para tulungan silang makatulog sa gabi, hindi mo rin gugustuhing mahirapan sila ng sobra. Magiging mas matagal para sa iyong anak (at sa’yo) na makatulog uli.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa madaling salita, alamin mo kung hanggang saan ang kayang tanggapin ng iyong anak. Tingnan mo ang sitwasyon para malaman kung anong dapat mong gawin.

    Tandaan, magkaibang bagay ang magdisiplina kay baby ng unang beses sa isang gabi, at ang magpatulog ng isang batang nag-aalboroto at umiiyak. Sa nauna, kailangan mong maging matatag at hindi magpatinag sa kabila ng kanyang pagliligalig. Pero kung ang kaharap mo ay isang batang inaantok pero hindi makakakuha ng tulog, kailangan mong maging mas mahinahon para mapakalma siya.

    8. Kumonsulta sa doktor

    Posible rin na may problema sa kalusugan ng iyong anak na nagdudulot ng pagkasira ng kanyang tulog. Kung ito ay dahil sa lagnat o baradong ilong, madali mo itong mapapansin.

    Pero kung merong mas seryosong dahilan – gaya ng autism o attention-deficit/hyperactivity disorder – maaring maglabasan ang mga senyales nito sa mga unang buwan ni baby at maaring maging sanhi ng sleep regression. Maaring hindi mo mapansin ang mga sensyales na ito kung hindi ka isang eksperto, kaya mas maigi na kumonsulta sa doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang paalala na makakagaan ng pakiramdam mo: kalaunan, lahat ng bata ay matututo ring matulog ng diretso. At kahit napakahirap ng iyong pinagdaraanan sa ngayon, tandaan na maraming magulang ang napagtagumpayan na yan sa loob ng ilang henerasyon. Panatiliin lang na malusog ang iyong isip at pangangatawan para malagpasan mo ang mga araw na kulang ka sa tulog. Kumain ng mabuti, makipaglaro kasama ang iyong anak, huminga ng malalim, at subukang mag-meditate.

    Isang araw, ang iyong baby ay magiging dalaga o binatang wala ibang gusto kundi matulog sa sarili nilang kwarto. Sa panahong iyon, babalikan mo ang mga araw na gusto nilang manatiling gising kasama ka.

    Mga pinagkuhaan:

    • Meltzer LJ, Johnson C, Crosette J, Ramos M, Mindell J. Prevalence of diagnosed sleep disorders in pediatric primary care practices. Pediatrics. 2010; 125:e1410-1419.
    • Why and How Chamomile Helps You Sleep Better. SleepProblems.org. http://www.sleepproblems.org/sleep-aids/chamomile/. Accessed February 29, 2012.

    (Larawan mula sa allman was here via flickr creative commons )

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles