embed embed2
  • Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Suppositories

    Basahin muna ito bago mo subukang magbigay ng suppositories sa iyong anak.
    by Ina Atutubo, MD .
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Ayon sa Medical Dictionary, ang suppository ay isang matigas pero madaling matunaw na hugis-apa o cylinder na gamot na ipinapasok sa katawan o cavity ng tao (tulad ng butas ng puwet, vagina o urethra). Tumutulong ang hugis nito na maipasok sa katawan sa mabilis at kumportableng paraan. Kapag naipasok na ito, agad itong natutunaw at dahil sa init ng temperatura ng katawan, agad itong nakakahalo sa ating dugo.

    Para saan ba ito?

    Ang mga karaniwang sakit na ginagamitan ng suppository ay lagnat, constipation o hirap sa pagdumi, at seizures. Ilan rin sa mga pwedeng gamitan ng suppositories ay vaginal infections (vaginal suppositories) at para sa mga pasyenteng nahihirapang lumunok. May iba-ibang klase ng mga gamot na nasa suppository form. Para sa matatanda, may mga suppository para sa altapresyon at bilang bitamina, pero hindi pa ito mabibili rito sa Pilipinas. Para naman sa mga bata, ang tatlong karaniwang gamot na nasa suppository form ay paracetamol (para sa lagnat), glycerin (para sa constipation) and diazepam (para sa seizures o kombulsyon).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailan dapat magbigay ng suppository?

    Mahalagang humingi ng reseta at instruction mula sa inyong doktor o pediatrician bago magbigay ng suppositories, lalo na kung unang beses mong gagamit nito. Mas maiging humingi ng payo tungkol sa tamang dosage ng gamot, base sa bigat ng bata. Susuriin rin ng doktor kung merong maga o sugat sa may pwet ni baby, at tuturuan ka rin niya ng tamang paraan ng pagpasok ang suppository.

    Ang 3 Uri ng Suppository:

    Paracetamol

    Akala ng ibang magulang, nagbibigay lang ng suppository kapag masyadong mataas ang lagnat ni baby. Pero may mga kaso rin na pwedeng bigyan ng suppository ang bata kung ayaw niyang tanggapin ang gamot sa pamamagitan ng pag-inom nito, o kung siya ay nilalagnat at nagsusuka. Minsan, ibinibigay rin ito kapag may singaw ang bata.

    Glycerin

    Ang constipation ay nag-iiba-iba depende sa tao. Sa mga medical books, sinasabing constipation ang pagdumi ng hindi aabot sa tatlong beses sa isang linggo; pero sa mga sanggol, hindi laging ganito ang kaso. Sa mga batang breastfed, masasabing normal pa rin kung dudumi sila ng isa o dalawang beses sa isang araw o isang beses lang sa isang linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang itsura ng dumi ni baby ay mas importante kaysa sa dalas. Kung ito ay malambot at buo, mabuti, pero kung ito ay kasing-tigas ng bato at nakikita mong nahihirapan siyang umiri, maaring constipated nga ang iyong anak. Sa ganitong kaso, dapat kumonsulta sa inyong pediatrician. Susuriin niya ng mas maigi para makapagbigay ng tamang diagnosis.

    Pwedeng simple lang ang sanhi tulad ng gatas na iniinom ni baby, o mas seryosong problema na kailangang sumailalim sa operasyon. Dito pumapasok ang glycerine suppository. Ibinibigay ito upang panandaliang maibsan at constipation at malinis ang bowels, kasama ng iba pang gamot o rekomendasyon para palitan ang diet o gatas ng bata.

    Diazepam

    Kadalasang ibinibigay ang diazepam suppositories para sa mga batang nagkakaroon ng seizures o kombulsyon, dahil hindi sila pwedeng painumin ng gamot. Kung ito ang unang beses na nagka-seizure ang iyong anak, dalhin siya agad sa emergency room.

    Kung napag-alaman nang merong epilepsy o seizure disorder ang bata, maaring magrereseta na ang doktor ng diazepam suppository bilang back up, para kung sakaling mangyari ang seizure sa loob ng bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magbibigay rin siya ng maintenance na gamot. Ang doktor rin ang magbibigay ng tamang dosage ng suppository at magbibigay ng instruction kung paano gamitin ito.

    Ano ang mga kagandahan ng paggamit ng suppository?

    Madali itong gamitin. Kapag naturuan ka na at nabigyan ng tamang instructions, pwede mo nang gawin ito sa bahay. Naihahatid rin nito ang gamot sa katawan, sa mga pagkakataong hindi ito kayang ipadaan sa bibig, tulad kung nagsusuka ang bata, at hindi na rin kailangang umabot pa sa paggamit ng IV (intravenous) o swero (para sa diazepam at paracetamol). Mabilis ring nakakarating ang gamot sa kung saang parte ng katawan ito kailangan (sa kaso ng glycerine).

    Ano ang mga kahinaan ng paggamit ng suppository?

    Kung hindi mo pa nasubukan ito dati, maari kang mahirapan at matakot na gamitin ito sa iyong anak, lalo na kung siya ay malikot at umiiyak. Ang ilan sa mga side effects ng paggamit ng suppository ay pagkapaso o mainit na pakiramdam kung saan ito pinasok, pangangati, pagsakit ng tiyan, pag-utot at dehydration. Maari ring magkaroon ng allergic reaction ang iyong anak sa isa sa mga sangkap na bumubuo ng suppository. Sa medical na pananaw, iba-iba ang pagtanggap ng katawan sa suppository, dahil hindi pare-pareho ang pangangatawan ng tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibig-sabihin nito, ang dami ng gamot na matatanggap ng katawan sa pamamagitan ng paraang ito ay pwedeng maging sapat o kulang para maging mabisa sa pasyente.

    Dapat ba akong gumamit ng suppository para sa aking anak?

    Oo at Hindi.

    Kung gagawin mo itong mag-isa nang walang payo ng inyong pediatrician, HINDI.

    Kung kumonsulta ka na sa inyong doktor bago gumamit at nabigyan ng reseta at tamang instructions, OO.

    Mas mabuti na tanungin muna ang inyong pediatrician tungkol sa paggamit ng suppositories kahit hindi niyo pa kailangan ito, para kung sakaling kailanganin ito ng iyong anak balang araw, handa ka at alam mo kung anong dapat gawin.

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles