embed embed2
  • Bigkis: Lahat ng Kailangan Mong Malaman

    Anu-ano nga ba ang mga benepisyo ng bigkis o belly binder? PLUS! Mga kailangan mong malaman tungkol sa pusod ng anak mo.
    by Ina Atutubo, MD .
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • baby incubator

     

     

    Hindi na bago ang pag-gamit ng bigkis. Samakatwid, ilang siglo na itong ginagamit ng mga magulang, hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa buong mundo. Kilala ito sa US bilang belly binder. Sa katunayan, isang kilalang designer label na ang naglabas ng sarili nilang bersyon ng baby binder. (jujuband.com)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa mga matatanda, mayroong iba't ibang gamit ang bigkis. Sabi nila, magiging flat at sexy ang tiyan ng sanggol sa kanyang paglaki kung gagamitan siya ng bigkis na itatali ng mahigpit sa kanyang tiyan. Kung susuriin, may pagkakapareho ito sa paniniwala ng traditional Kayan neck rings na inilalagay sa leeg upang magmukha itong mahaba. Katulad din ito ng paniniwala ng mga Chinese na dapat magsuot ng maliliit na sapatos upang mapigilan ang natural na paglaki ng mga paa.

    Pinaniniwalaan ding ang paglalagay ng bigkis sa tiyan ng sanggol ay makakatulong upang maging mas maganda ang pusod nito. Kung gusto mong iwasan na nakausli ang pusod ng iyong anak, gagamitan mo ang tiyan niya ng bigkis. May mga pagkakataon na tinatakpan ng barya ang pusod bago lagyan ng bigkis dahil sa paniniwalang pananatilihin nito sa loob ang mga nilalaman ng tiyan. Mayroong medical explanation para dito. Kalimitan ay mahina pa talaga ang abdominal muscles ng isang bagong silang na sanggol. Ang abdominal muscle din ng newborn ay hindi pa fused sa gitna (sa umbilical region), kaya naman madalas ay nagkakaroon sila ng abdominal o umbilical hernia. Kalimitan ay lumalaks ang muscles na ito sa loob ng tatlo hanggang apat na taon. Sa panahong ito nagsisimulang mag-fuse ang muscles at sumara ang butas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung sa tingin mo ay may umbilical hernia ang iyong anak, kumonsulta ka agad sa isang pediatrician. Kung concern ka naman tungkol sa pagiging "innie" o "outie" ng iyong anak, wala kang ibang dapat gawin kundi tignan ang sarili mong pusod. Kalimitan ay ganyan din ang magiging itsura ng pusod ng iyong anak.

    Ayon pa sa mga matatanda, nakakatulong ang bigkis upang maiwasan ang kabag o colic. May mga nagsasabi ring iinit ang tiyan ni baby kung bibigkisin ito. Bagaman naging common practice na ang pagpahid ng mainit tulad ng aceite de manzanilla o pagpatong ng warm water bags sa tiyan ni baby, tandaan na ang ilan sa mga nakaugaliang ito ay maaaring maging sanhi ng allergies o paso. Importante ring tandaan na dapat laging panatilihing mainit ang tiyan ni baby para maiwasan ang kabag. Isa sa mga pinakasiguradong paraan upang maiwasan ang kabag ay ang padighayin si baby bago at pagkatapos niyang sumuso. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Click here to read more.

    [nakaraang | pahina | susunod]

    Pagdating naman sa kalinisan, sinasabing nakakatulong ang bigkis upang siguraduhing hindi papasukin ng impeksyon ang abdominal area ni baby, lalo na ang pusod. Bagaman may mga pag-aaral na nagsasabing epektibo ito, nirerecomenda pa rin ng Philippine Pediatric Society (PPS) at ng American Academy of Pediatrics (AAP) na laging linisin ang pusod at hayaan itong matuyo sa hangin dahil ito ang pinakamabilis at mabisang paraan upang mahulog ang umbilical stump na hindi ka nakakaranas ng kung ano mang komplikasyon. Sa katunayan, kung patuloy mong tatakpan ang pusod ng iyong anak, mag-iipon ito ng moisture na siya pang maaaring pagsimulan ng bacteria. Kung palagi rin itong may takip, mas malaki ang chance na hindi mo makita kapag nagsimula ang impeksyon.

    Narito ang ilan pa sa mga maaari mong gawin upang panatilihing malinis at walang impeksyon ang pusod ng iyong baby: 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Kung nakadikit pa rin ang umbilical stump, ugaliing hugasan muna ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig bago mo hawakan ang pusod ng iyong anak. Kung may tae o ihi sa cord, maaari mo rin itong hugasan ng sabon at tubig. Huwag mag-alala na mapapasukan ng tubig ang tiyan ng iyong baby, hindi ito mangyayari.
    • Huwag kaskasin ng twalya ang area. Hayaan mo laman itong matuyo ng hangin.
    • Mas recommended ang sponge bath para sa mga sanggol na hindi pa nahuhulog ang umbilical cord stump. Karaniwan ay nasa pagitan ito ng 7-10 days. Tandaan na wala dapat nana, mabahong amoy, pamumula, o pamamaga sa paligid ng umbilical cord area kung saan nahulog ang stump.
    • Kahit hindi na ito nirerekumenda ng mga eksperto ngayon, naging common practice pa rin ang pag-gamit ng 70% ethyl alcohol na inilalagay sa cotton buds upang ipanglinis sa pusod.
    • Huwag lagyan ng kung ano mang herbs tulad ng bawang, saging, o dahon ng bayabas ang pusod ng iyong anak. Kung sa tingin mo man ay nagsisimula na itong magkaroon ng impeksyon, huwag itong lagyan ng antibiotics. Sa halip, dalhin mo agad ang iyong anak sa isang pediatrician upang matignan at ma-diagnose ang iyong anak ng mabisang paraan upang gamutin ang impeksyon.
    • Kung nahulog na ang umbilical stump, mapapansin mong may namuong dugo sa paligid nito. Gumamit lamang ng malinis na tela upang punasan ito o hugasan ito ng sabon at tubig kapag pinaliguan mo na ang iyong anak. Panatilihing malinis ang area sa pamamagitan ng sabon at tubig. Siguraduhin ding tuyo ang area upang hindi magsimula ang pagtubo ng bacteria. 

    Lagi mo ring tandaan na ang tiyan ay ginagamit din sa paghinga. Ang pagtatali ng bigkis ng masyadong mahigpit ay maaaring makaapekto sa paghinga ng iyong anak. Kung gusto mong gumamit ng bigkis para sa iyong baby, lagi mong siguraduhing tama lamang ang higpit nito upang hindi mahirapang huminga ang iyong anak. 

    Siguradong papayuhan ka pa rin ng iyong ina o lola na gumamit ng bigkis. Hanggat maaari, makabubuting ipaliwanag mo sa kanila na bagaman gumana ito noon, hindi na ito inirerekumenda ng mga eksperto ngayon. Ang kasalukuyang improvements sa larangan ng medisina ang isa sa mga patunay na maaari mong gamitin upang hindi ka na pilitin ng iyong mga kamag-anak na gamitan ng bigkis ang iyong anak. 

    Ngunit kung hindi mo talaga ito maiiwasan at upang hindi na rin maging sanhi it ng away sa iyong pamilya, maaari mong gamitin ang bigkis, ngunit kailangan mo lang laging siguraduhing maluwag ang pagkakatali nito. Bagaman walang masama sa pakikinig sa mga matatanda, mas nakakabuti pa rin na sumunod tayo sa mga medical experts. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Click here to read more.

    [nakaraang | pahina | susunod]

     

    You may also want to read:

    What you Need to Know about Coiled Umbilical Cords
    Baby's Umbilical Cord Wound Care

     

    Sources:
    •    AAP Textbook of Pediatric Care
    •    Nelson’s Textbook of Pediatrics, 18th ed.
    •    August 14, 2009. Remy Bumanlag. “The Controversial ‘Bigkis’” pediamoms.ph
    •    “Umbilical cord care: Do’s and don’ts for parents” mayoclinic.com
    •    “Bigkis?! Yes or No." pinoyexchange.com



    Photo by ilya via flickr creative commons

     




    Photo by ilya via flickr creative commons

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles