embed embed2
  • Maaaring May Learning Disability Na Kaugnay Ang Pagiging Mahina Sa Math

    Narito ang mga sintomas ng learning disorder na ito.
    by Ana Gonzales .
Maaaring May Learning Disability Na Kaugnay Ang Pagiging Mahina Sa Math
PHOTO BY Shutterstock/Kdonmuang
  • Halos lahat ng mga bata, kapag nagsisimula pa lang mag-aral, ay maaaring mahirapan sa mga subjects tulad ng math.

    Ngunit kung napapansin mong hindi nag-iimprove ang math skills ng anak mo at mas nahihirapan pa siya, maaaring mayroon siyang learning disorder na kung tawagin ay dyscalculia.

    Ano ang dyscalculia?

    Ito ay isang learning disorder na may kinalaman sa abilidad ng anak mo para umintindi, matuto, at mag-solve ng math at number-based operations.

    Lumalabas na nasa pagitan ng lima hanggang pitong porsyento ng mga batang nasa elementarya ang mayroon nito.

    Paano ko malalamang may dyscalculia ang anak ko?

    Hindi lahat ng mga batang hirap sa math ay may dyscalculia. Paliwanag ng mga eksperto, ang mga disorders tulad ng dyslexia, ADHD, at visual o auditory processing ay maaaring makaapekto sa math skills ng anak mo.

    Pwede ring magkaroon ng iba pang mga learning disabilities ang mga batang may dyscalculia.

    Anu-ano ang mga sintomas ng dyscalculia?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang isang batang mayroon nitong learning disability na ito ay maaaring:

    • hirap makakilala o makabasa ng mga numero
    • hindi agad natutong magbilang
    • hirap ikonekta ang numerical symbol (5) sa salita (five)
    • hirap makakilala ng mga patterns
    • hirap maintindihan ang order ng mga numero
    • nawawala kapag nagbibiling
    • matinding pangangailangan ng visual aids para makapagbilang

    Bukod pa sa mga nabanggit, maaari ring makaranas ng mga sumusunod ang mga batang may dyscalculia:

    • hirap matuto ng mga basic math functions tulad ng addition, subtraction, at multiplication table
    • hirap makaintindi ng konsepto sa likod ng mga word problems at iba pang non-numerical math calculations
    • hirap mag-estimate ng oras

    Ang mga batang may dyscalculia ay hindi lang hirap sa math kapag nag-aaral. Mapapansin mo ring hirap sila sa mga sumusunod:

    • tandaan ang mga zip codes, mobile numbers, o kahit simpleng game scores
    • magbilang ng sukli o kung magkano ang dapat ibayad
    • mag-estimate ng distansiya at kung gaano katagal makarating sa isang lugar
    • tandaan ang kaliwa at kanan
    • tandaan ang mga direksyon
    • magbasa ng oras
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sabi pa ng mga eksperto, ang isang pinakamalaking indikasyon na may learning disorder ang anak mo ay kung malaki ang kaibahan ng kanyang abilidad at ng kanyang talino o aptitude.

    Halimbawa, maaaring maging mataas ang marka ng anak mo sa English o history, ngunit sobrang baba ng kanyang marka sa mga math-based na subjects.

    Kung nagdududa kang maaaring may dyscalculia ang anak mo, kumonsulta agad sa doktor. Maaari ka ring kumuha ng updates mula sa kanyang math teacher para makita mo ang progress ng anak mo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close