Tagalog,toddler stage,preschooler stage,How To Use DepEd Commons | Smart Parenting,deped commons, homeschool, homeschooling, home school, online learning, online distance learning, deped,Taliwas sa alam ng nakararami, walang bayad ang paggamit ng DepEd Commons. Kamakailan ay mas pinaigting nila ang pagpapakalat ng impormasyon na libre ito.
ParentingBig Kids

Step-By-Step Guide: Paano Gamitin Ang DepEd Commons At Anong Makikita Dito

Walang bayad ang paggamit nito—ano man ang internet o data provider ninyo.
PHOTO BYPexels / DepEd Commons

Marso ngayong taon nang inilunsad ng Department of Education ang kanilang online learning portal na DepEd Commons. Isa ito sa mga nakikita nilang paraan para solusyunan ang pagsasara ng mga paaralan dahil sa banta ng COVID-19.

May bayad ba ang paggamit ng DepEd Commons?

Taliwas sa alam ng nakararami, walang bayad ang paggamit ng DepEd Commons. Kamakailan ay mas pinaigting nila ang pagpapakalat ng impormasyon na libre ito para sa mga Globe at Smart subscribers.

"We believe that technology and education are equalizers of opportunities," sabi ni PLDT CRO and Smart President Al Panlilio, sa isang press release mula sa PLDT. "With digital learning becoming more mainstream given the COVID-19 pandemic, online teaching has come to the fore, changing the local educational climate and norms of teaching forever," dagdag pa niya.

Paano ito gamitin?

1. Puntahan ang link na ito: https://commons.deped.gov.ph/

2. Piliin ang school type at ilagay ang school ID o pangalan ng paaralan.

article image
PHOTO BY DepEd Commons

Siguraduhing tama ang spelling ng pangalan at lokasyon ng paaralan ng mga anak mo para lumabas ito sa mga pagpipilian. Payo ng DepEd sa kanilang user guide, makakatulong kung ilalagay mo ang buong pangalan ng paaralan.

3. Pagkatapos mong i-save ang paaralan, pangalan, at email address ninyo, makakapasok ka na sa website at pwede ka nang pumili ng grade level.

watch now
article image
PHOTO BY DepEd Commons

Itapat mo lang ang mouse mo at piliin kung anong grade na ang anak mo.

4. Kapag na-click mo na ang grade level, lalabas na ang mga resources na mayroon para sa grade na iyon. Ang bilang na nakikita mo sa tabi ng kategorya ay indikasyon kung ilang resources ang mayroon sa website.

 

article image
Narito ang mga aralin na mayroon para sa mga kindergarten students.
PHOTO BY DepEd Commons

 

5. Piliin ang aralin na gusto mong ituro sa mga anak mo.

 

article image
Siguradong maeengganyo sa kanilang mga aralin ang mga anak mo dahil naka-format bilang mga laro ang mga pagsasanay.
PHOTO BY DepEd Commons

 

Mayroong mga presentations at ang mga pagsasanay ay naka-format bilang mga laro para mas nakakaengganyo sa mga bata.

Nakalagay sa isang Google Drive ang mga aralin, habang talaga namang nakakaaliw ang mga laro (sinubukan namin!).

 

article image
PHOTO BY DepEd Commons

 

Mayroon ding 'scores' at 'leaderboard' kaya talaga namang nakakaaliw ang mga games.

 

article image
Nakakaaliw ang memory game na ito na kasama ang mga bagay na nagsisimula sa letrang A.
PHOTO BY DepEd Commons
article image
Dito mo makikita kung ilang points na ang naipon ng anak mo.
PHOTO BY DepEd Commons

 

Habang wala pang kasiguraduhan ang mga susunod na mangyayari sa ating bansa at sa buong mundo dahil sa COVID-19, mukhang online classes, online learning, at video call classes na ang magiging 'new normal'. 

Sa katunayan, maging ang mga binyag at kasal ay naidaraos na rin ngayon online. Hindi madali ang mga adjustments na ito ngunit sadyang maparaan lang talaga ang mga tao. Hahanap at hahanap tayo ng paraan para kahit papaano ay bumalik sa normal ang ating mga buhay.

Nasubukan niyo na bang gamitin ang DepEd Commons? Kumusta ang experience ninyo? I-share niyo lang iyan sa comments section.

Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close