-
Mom Of Boy With Autism: 'Pinarusahan Ko Ang Sarili Ko, Pero Tinuruan Niya Akong Magpatawad'
by SmartParenting Staff .
- Shares
- Comments

The following story of Nanette Ocampo and her family was shared to Smart Parenting Village, Smart Parenting's Facebook community with 93,400 members and counting. To join our thriving community of Filipino parents where you can connect with other parents, click on the link. Smart Parenting editors have made minor edits for clarity.
It’s been exactly four years since we heard the news that changed our lives forever! March 4, 2019 was when my one and only son was diagnosed with Autism Spectrum Disorder and Global Developmental Delay. He was four years old then. I loathed myself for so long after I confirmed my suspicions–he is on the spectrum!
At the age of two, nakikitaan ko na ang anak ko ng signs or red flags na sinasabi nila:
- Tip toe-ing
- Flapping hands
- Not responding to his name
- Lining up his toys
- Not talking
- Meltdowns
My gut tells me that there is something wrong. Pero in denial ako. May times din na I ask other people if ano pwede gawin kasi magiging three years old na noon ang anak ko, wala pa siyang words. Sabi nila “Wait mo lang, kasi lalaki. Baka late lang talaga.” I chose to believe them kaysa sa nararamdaman ko. Bakit? Hindi ba mas gusto natin marining minsan ang mas comfortable na pakinggan kesa sa masakit?
Nanette is thankful for her extended family who is supportive and understanding of their son's needs.PHOTO COURTESY OF NANETTE OCAMPOADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGuilt consumed me and my husband. Working kasi kami both and we leave him under my in-laws’ care. Hindi namin masisi at walang dapat sisihin sa nangyari kasi aminado naman kami na babad sa TV yung anak ko.
Wala naman din kami kasamang bata sa bahay so hindi namin nakikita how he interacts with other kids.
A tragedy happened on May 22,2018. Nasunog bahay namin sa Pasay. Walang natira sa amin kung di damit na suot at isang bag na damit ng anak ko. 12 noon na nangyari yun, nasa work kami kaya hindi kami naka-abot. Thank God ligtas ang mga biyenan ko at anak ko.
Nabago ang paraan ng pamumuhay namin. Umuwi na sila sa Batangas at nag desisyon kami ng asawa ko na doon muna yung anak namin. Doon namin napansin pa ang isa sa symptoms ng autism–no interaction siya sa mga playmates niya! Literal na may sariling mundo or bubble yung anak ko. Nag-aaway-away na kami sa bahay lalo na pag gabi at nag me-meltdown yung bata hanggang sa pag sikat na ng araw, di pa din tumitigil.
RELATED: No One Has Cracked the Code on the Cause of Autism Yet. But Genes May Play the Biggest Role
‘Galit ako sa sarili ko’
Acceptance came when I decided to seek professional help. Nag-hanap ako ng developmental pediatrician and we were willing to pay kahit magkano, matignan lang siya ASAP. I spent three days calling hospitals sa NCR and Cavite area. Tapos nakakuha ako ng slot on March 4, 2019 sa St. Luke's Global City.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSabi ko sa husband ko habang nakatayo sa pintuan ng clinic, whatever it is I wholeheartedly accept it. I will embrace it.
Pag labas namin ng hospital napakatagal ng katahimikan. Nakakatakot at nakakabinging katahimikan.
Deep in my heart, sobrang galit ko sa sarili ko at sobrang nahihiya ako sa husband ko lalo na sa anak ko na inspite being a nurse, hindi ko inilaban yung nararamdaman ko. Iniisip ko at that time, if I recognized my own feelings earlier, baka kaya pa. Then I took the courage to ask my husband kung ano tumatakbo sa isip niya.
'Dahil sa anak ko, natuto akong patawarin ang sarili ko. Kailangan ko maging buo para sa anak ko.' -Nanette Ocampo, ausome mom“Eh, ano pa nga ba? Mahal naman natin sya. Ang kailangan nya ay buong pagmamahal natin.” Napaluha siya at niyakap niya kaming mag-ina. Sa mga oras na yun, niyakap ng buong pamilya namin ang kondisyon ng aming anak.
Ilang buwan ko sinisi ang sarili ko. Galit na galit ako sa sarili ko. Masyado kong pinarusahan ang aking sarili.
Improving and growing
With the help of occupational therapy and speech therapy, unti-unti nag-iimprove ang aking anak. Nalingon na pag tinatawag ang pangalan niya at nag-sasalita na. Nasasabi na niya ang gusto niya.
Marami akong natutunan sa anak ko. Dahil sa anak ko, natuto akong patawarin ang sarili ko. Kailangan ko maging buo para sa anak ko.
Napakapalad ko sa aking asawa, mga biyenan, magulang at kapatid, at sa community na nabilangan namin sa Batangas. Sobrang accepting and accommodating nila sa needs ng aming anak.
Malayo pa ang aming lalakbayin ngunit malayo na din ang aming narating.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWI am so proud of my son Ron.
Nanette is a nurse. She is married to Ronald, an account officer. Their son Ron is eight years old.
What other parents are reading

- Shares
- Comments