-
Mga Dapat Mong Malaman Sa Special Education Curriculum sa Pilipinas
Kasama dito ang sitwasyon ng SPED sa Pilipinas, mga batas, at ang mga karaniwang tanong.by Dinalene Castañar-Babac . Published Sep 25, 2023
- Shares
- Comments

Sa pagsusulong ng ingklusibong edukasyon sa bansa at maging sa pagtatamo ng adhikaing “edukasyon para sa lahat”, itinataguyod ng Special Education (SPED) sa Pilipinas ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral na may kapansanan. Hindi lamang din ito nagbibigay ng tulong at serbisyong pang-akademiko kundi maging sa holistikong paghubog ng mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan sa pagkatuto. Ilan sa mga nakapaloob din sa programang ito ang pagbibigay ng suportang paggabay at pagpapayo at pagpapaunlad ng mga kasanayan sa espesyal na interes ng mga mag-aaral na nasa ilalim ng programa.
Isa sa mahalagang serbisyo ng SPED ang sistema ng pagbibigay ng referral ng mga paaralan sa mga sangkot na ahensya upang matugunan ang mga kondisyong pangkalusugan o medikal na pangangailangan ng mga mag-aaral. Kaya naman mahalaga ang matibay na pakikipagtulungan ng paaralan at komunidad at maging ng mga magulang, pamilya, at lokal na pamahalaaan pati na rin ng mga ahensiyang na non-government at mga organisasyong sibiko para maging ganap na maisakatuparan ang tunguhin ng programang ito.
Ano ang sitwasyon ng Programang Special Education sa Pilipinas?
Sa kasalukuyang pag-aaral ng United Nationa Children’s Fund (UNICEF, 2022) tinatayang nasa 1.6 milyon ng mga batang Pilipino ang may kapansanan. Batay sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon sa taong panuruan 2016-2017, nasa 232,975 na mag-aaral na may kapansanan ang kabilang sa regular na klase.
Samantala, may kabuuang 4,487 ang bilang ng mga guro sa pampublikong paaralan sa Batayang Edukasyon (elementarya at sekundarya) sa taong panuruang 2019-2020, ang sumailalim sa pormal na pagsasanay para sa Special Education.
Sa datos naman ng National Council on Disability Affairs, may 898 na SPED centers sa bansa at nasa 683 nito ang publikong paaralang nasa ilalim ng DepEd samantalang 215 naman ang nasa pribadong pamamahala.
RELATED: Quezon City Special Education Schools: Tuition Fee Guide and More
Totoong mahal ang pagpapaaral sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan o kapansan kaya naman malaki ang hinihinging suporta mula sa nasyonal at lokal na pamahalaan lalo na sa pagbibigay ng pondo na pantustos sa programa ng SPED. Nakabatay rin sa batas na dapat may inilaang pondo ang mga lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng programang ito sa kani-kanilang mga siyudad o lalawigan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGayundin naman, kailangan ding maglaan ng pribadong paaralan ng mga may ganitong klase ng kurikulum. Sa kabilang banda, hindi lamang sa batayang edukasyon ang dapat nagbibigay ng Special Education sa mga may kapansanan kundi maging sa mga antas tersyarya.
Ano-ano ang mga batas na nasa ilalim ang Special Education sa bansa?
Ang programang ito ay nakapaloob din sa Batas Pambansa 232 o ang “Education Act of 1982” na ang mandato ay itaguyod ng bansa ang karapatan ng bawat indibidwal sa pagkakaroon ng akses sa napapanahong kalidad na edukasyon anuman ang kanilang katayuan o kondisyon sa buhay.
Nakasaad din sa Batas Republika 7277 o ang “Magna Carta for Disabled Persons” na pagbibigay ng direktiba ng Kagarawan ng Edukasyon na ang paaralan sa bawat dibisyon ay dapat magtatag ng mga
Special Education Centers para sa epektibong paghahatid ng programa ng Special Education sa buong bansa.Makikita sa talahanayan ang mga legal na batayan na sinasandigan ng Special Education sa Pilipinas na nagsasaad ng pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga taong may kapansanan at pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa. Mahalagang malaman ang mga batas na ito na sumusuporta, nagbibigay ng proteksyon, at karapatan sa mga may kapansanan. Bagaman may ilan pang kakulangan sa pagtugon sa pangangailangan ng Special Education sa bansa, hindi naman tumitigil ang pamahalaan sa pagpapabuti ng pagpapatupad ng programa katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon at iba pang sektor, ahensya at mga stakeholders.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMga batas na sumusuporta, nagbibigay ng proteksyon, at karapatan sa mga may kapansanan.PHOTO BY SMART PARENTINGMga karaniwang tanong tungkol sa SPED
1. Saan ko maaaring i-enrol ang aking anak na may espesyal na pangangailangan/kapansanan?
Maaaring i-enrol ang inyong mga anak sa malapit na pambulikong paaralan sa inyong lugar. Batay sa programa ng Kagarawan ng Edukasyon, dapat na ang bawat dibisyon ng pampublikong paaralan ay nagbibigay ng ganitong programa. Hindi rin maaaring tanggihan ng paaralan ang iyong anak dahil sa kalagayan nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Ano-ano ang mga dokumento na dapat kong ipasa para matanggap ang aking anak?
Kailangang ipasa ang birth certificate ng iyong anak. Kung mayroon nang isinagawang medical assessment o resulta ng medical diagnosis sa kaniya, dapat na ipasa rin ito. Mas mainam kung makapagpapasa ng medical certificate o report ng kaniyang kapansanan.
3. Saang klase dadalo o mapabibilang ang aking anak?
Nakadepende ito sa kung ano ang sitwasyon ng mag-aaral. Kung kaya naman ng mag-aaral na mapabilang sa regular na klase, isasama na siya rito. Ngunit kung matindi ang kondisyon, inirerekomenda siyang dumalo sa espesyal na klase o sa isang transition program hanggang sa kaya na niyang mapabilang sa regular na klase.
4. May kailangan bang bayaran para sa matrikula ng aking anak?
Kung naka-enrol siya sa pampublikong paaralan, walang kailangang bayaran dahil libre ang pag-aaral dito. Ngunit kung sa pribadong paaralan, may matrikulang kailangang bayaran depende sa paaralan. Sakali man, makakukuha naman ng 20% diskuwento ang mag-aaral batay sa nakasaad sa RA 9442. May pantay na benepisyo at prebilehyo ang makukuha ng mag-aaral na may espesyal na pangangailangan sa pribado at publikong paaralan sa anumang antas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW5. Mayroon bang limitasyon ang edad ng pagpasok sa paaralan?
Sa edad na 5 nagsisimula ang pagtanggap at kailangang makatapos siya sa edad na 24 para sa batayang edukasyon. Ngunit kung higit na siya sa edad na karaniwan para sa batayang edukasyon, inirerekomenda na siya na mapabilang sa programa ng Alternative Learning System (ALS). Pagkatapos, kukuha siya ng Accreditation and Equivalency (A&E) Test o ng Philippine Education Placement Test (PEPT).
6. Paano kakausapin ang aking anak na may kapansanan sa pandinig?
Ang ingklusibong edukasyon sa bansa ay may pagkilala sa pagtataguyod ng wika ng mga may kapansanan sa pandinig at ang Filipino Sign Language. Kaya naman, ang pagiging bahagi nito sa pagtuturo sa kanila bilang kanilang unang wika ay ikinikonsidera batay sa nakasaad sa R.A. 10533.
7. Paano ang plano ng pagtuturo sa aking anak?
Ang sinumang mag-aaral na nasa ilalim ng programa ng Special Education ay mayroong Individualized Educational Plan (IEP). Ito ay isang kasulatan na nakasaad ang programang pang-edukasyon na nakadisenyo batay sa pangangailangan ng bawat mag-aaral na may kapansanan o espesyal na kahingian. Nilalayon nito na makapagtakda ng makatotohanang mga kasanayang pampagkatuto sa mag-aaral at maipahayag ang serbisyo na maibibigay ng paaralan sa kaniya. Kailangan ng malapit na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng magulang sa guro, sa paaralan, at/o sa therapist ng mag-aaral (kung mayroon man). Mainam din na makapaghanda ang magulang ng mga talaan ng kalakasan at kahinaan ng kaniyang anak at mga inaasahan niyang matamo ng kaniyang anak sa pagtatapos ng taong panuruan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments