embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Dyslexia: Depinisyon, Sintomas at Gamot
PHOTO BY Pixabay
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Hindi maiiwasan ang mga pagkakamali sa pagbaybay kapag ang mga bata ay unang natututo magbasa at sumulat. Kapag ang isang bata ay may dyslexia, gayunpaman, ang mga paghihirap sa pagbasa at pagsulat ay hindi mabilis na umalis.

    Ano ang dyslexia?

    Ang mga kapansanan sa pagkatuto ay nakakaapekto sa kung paano nalalaman, naiintindihan, naibabahagi, at naaalala ng isang tao ang impormasyon, ayon sa Learning Disabilities Association of America . Ang dyslexia ay isang kapansanan sa pagkatuto kung saan nahihirapan sa pagbabasa, pagsulat, at pagbabaybay. 
     
    Ang mga maliliit na bata na may dyslexia, "ay may antas ng pagbasa at pagbayba ngy na mas mababa dalawa hanggang tatlong taon sa mga kaedad nila," paliwanag ni Cristina Rowena S. Padilla, isang espesyalista sa pagbasa at part-time na guro sa Child Development and Special Education Department ng College of Education sa Miriam College, Lungsod ng Quezon. "Halos 5 porsyento ng alinmang grupo ng magkakalapit ang edad ay may dyslexia o iba pang uri ng kapansanan sa pagkatuto."  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    "Nakalulungkot na dito sa Pilipinas, marami sa atin ay napakakaunti lang ang alam tungkol sa dyslexia. Ito ang dahilan kung bakit madalas nating inaakala na ang mga bata na may kondisyong ito ay 'mabagal,' 'palaging nahuhuli,' o mas malala, 'mahina ang utak,' "sabi ni Deidre Jude Taino, ang nagtatag ng The Reading House, isang literary center sa San Juan na naglalayong tumulong sa mga batang may kapansanan sa pagkatuto. 
     
    Ito rin ay inaalala ni Padilla, at dinagdag niya na hindi ang katalinuhan ang problema. "Ang mga batang may dyslexia ay madalas na nagpapakita ng kahusayan sa preschool kung saan nakakaya pa nilang gawin ang inaasahan sa pagbabasa at pagsusulat. 
     
    “Nagsisimula silang mahirapan kapag nasa kindergarten o grade 1 na sila, lalo na kung sa isang tradisyonal na paaralan sila pumapasok. Masyadong nagiging abala ang kanilang utak sa mekanikal na gawain ng pagbabasa ng salita na hindi na nila magawang unawain pa ito."  
     
    Kung mas maagang matutunan ng isang bata kung paano pamahalaan ang kondisyong ito, mas mabuti. "Nais na naming simulan ang pagtulong sa kanila habang nasa mga unang taon palang sila sa pag-aaral ng pagbasa," sabi ni Taino.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ba nito ang iyong anak?  

    Hindi bihira para sa mga preschooler na nag-aaral palang bumasa at sumulat na magkaroon ng mga pagkakamali, tulad ng pag-aakala na ang letrang "b" ay "d." Ngunit kadalasan ay nawawala ito habang lumalaki ang bata. 
     
    Sa mga bata na may dyslexia, gayunpaman, nagpapatuloy ang mga problema sa wika, ngunit kaya itong pangasiwaan sa pamamagitan ng maagang assessment at interbensyon, tulad ng pagsali sa bata sa isang programa ng pagbasa na maaaring makatulong sa kondisyon. 

    Ang mga palatandaan ng dyslexia ay madalas na lumilitaw habang ang isang bata ay natututo ng pangunahing pagbabasa at pagbabaybay, madalas ay naghihintay muna ang mga espesyalista hanggang sa ang bata ay maging 7 o 8 taong gulang bago magbigay ng diagnosis.  

    More from Smart Parenting

    Mga palatandaan at sintomas 

    Ang mga batang nasa preschool na nagpapakita ng maagang mga palatandaan ng kahirapan sa pagbasa ay maaaring mayroong dyslexia, sabi ni Padilla. Narito ang mga karaniwang palatandaan ng kondisyon: 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • pagkaantala o paghihirap sa pagsasalita 
    • hirap sa pagtukoy ng mga pangalan o label ng mga bagay  
    • hirap sa pagsasabi ng mahabang salita (spaghetti bilang "pis-get-ti") 
    • hirap sa pag-aaral na magsulat ng mga titik 
    • hirap sa pagsunod sa mga tagubilin, sinabi man o sinulat 
    • naipagpapalit ang  b-d, p-q, u-n, w-m; nababaliktad ang titik sa mga salita (hal. araw- arwa) 
    • hirap sa pagbaybay at pagsulat ng mga pangungusap 

    "Ang isang batang may dyslexia, ay karaniwang nahihirapan kilalanin ang mga salita. Ang pagpapares ng mga salitang magkatugma ay maaaring mahirap na para sa kanila," sabi ni Taino. "Nakakamali rin sila sa pagbabasa, tulad ng pagtanggal o pagsingit ng mga salita o titik. May mga batang pinapalitan ang mga salita ng mga kamukha o katulad nito.  Halimbawa, maaaring basahin ng isang batang may dyslexia ang salitang ‘staring’ bilang ‘starting’ o ang ‘poster’ bilang ‘painter.’ ” 
     
    Ito ang ilang halimbawa ng pagsusuri sa isang bata na may dyslexia mula sa The Reading House. Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng pagsulat ng isang walong taong gulang na bata: 



    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito naman ang halimbawa ng pagbabasa ng parehong bata. Pinabasa sa bata ang mga salita sa kaliwa, at ang nasa kanan naman ay kung paano niya binasa ang mga ito. 


    More from Smart Parenting

    Paggamot at pamamahala 

    Ang dyslexia ay nariyan na habang buhay- hindi ito nawawala, ngunit maaari itong pangasiwaan. "Ang mga batang may ganitong kondisyon, ay lubhang natutulungan ng pagkakaroon ng suporta sa murang edad. Sa ganitong paraan, marami silang oras upang matutunan ang mga diskarte na magagamit nila upang  maging mas madali para sa kanila ang pagbabasa,” sabi ni Taino. 
     
    "Ang mga batang natutuklasan ang kanilang kondisyon sa murang edad at nakikinabang mula sa maagang interbensyon ay karaniwang nakakasabay sa mga kaedad nila sa eskuwela," sabi ni Faye Casis, direktor ng Wordlab School sa Quezon City, na nagbibigay ng edukasyon at interbensyon para sa mga bata na may dyslexia at iba pang mga kapansanan sa pagkatuto. 
     
    "Sa mga natukoy ang kondisyon noong nasa middle school sila, karamihan ay kakailanganin ang suporta at paghihikayat ng magulang lalo na kung ang bata ay nakaranas na ng pagkabigo sa pag-aaral," dagdag ni Casis. "Sa panahong ito, ang mga bata ay takot nang makipagsapalaran, at maaaring magpakita na ng mababang tingin sa sarili. Ang pagtanggap at paghihikayat ng mga magulang ay tumutulong sa mga bata na panatilihin ang tiwala sa kanilang mga sarili sa kabila ng mga problema nila sa pag-aaral.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Payo para sa mga magulang mula sa mga dalubhasa

    Hanapin kung saan magaling ang inyong anak 

    Mahihirapan ang iyong anak sa mga paksa tulad ng wika o pagbasa, at kailangang tanggapin ito ng mga magulang upang makapagbigay sila ng wastong suporta, sabi ni Padilla. Pinayuhan niya ang mga magulang na bigyang pansin at i-tampok ang mga kalakasan, interes, at galing ng kanilang anak. Alamin kung ang hilig ng iyong anak, halimbawa, ay agham, o sining. "Kailangang malaman ng mga magulang na hindi dapat gawing dahilan ang dyslexia upang mabigo at hindi magampanan ang kanilang mga tungkulin sa paaralan." 

    Magbasa nang malakas 

    "Maaaring iwasan ng mga batang may dyslexia ang pagbabasa dahil mahirap ito para sa kanila, ngunit gustung-gusto nilang makinig sa mga kwento. Basahan sila hangga’t maaari. Ngunit huwag silang pilitin na magbasa ng malakas o kung may ibang makikinig, maliban na lamang  kung magpakita sila ng interes at gusto nila itong subukan, "sabi ni Casis. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habaan ang pasensya 

    Maaaring mahirap minsan, ngunit kailangang maging matiyaga. Dagdag ni Casis, "Maaaring matagalan bago malampasan ng inyong anak ang mga hamon sa kaniya, kaya kailangan ng pasensya. Tulad ng pag-aaral ng anumang bagong isport o wika, malaki ang maitutulong ng oras at pagsasanay. Palaging tandaan na ang pagbabasa ay isang paraan lamang upang matuto. Maraming pang ibang paraan." 

    More from Smart Parenting

    Saan makakakuha ng suporta 

    Sa mga specialized school at learning center, ang mga batang may dyslexia ay karaniwang ginagabayan gamit ang multisensory approach. Ibig sabihin nito, ang ibang mga pandama- partikular na ang paningin, pandinig, paghaplos, o paggalaw- ay ginagamit upang matulungan ang mga bata na matutunan ang mga titik, tunog at salita. 

    Upang matutunan ng batang may dyslexia ang isang titik, halimbawa, ipapakita ng guro kung ano ang hitsura ng letra, tutulong siyang maiugnay ito sa isang tunog, ipapasulat ito sa hangin gamit ang isang daliri, tapos ay ipapa-trace ito sa papel. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wordlab School
    1168 MC Rillo Bldg., E. Rodriguez Ave, Quezon City
    416- 9285

    Ang Wordlab School ay itinatag noong 1995 upang magkaroon ng specialized setting kung saan ang mga batang may dyslexia ay maaari pa ring matuto sa isang regular na academic program. Pareho ang mga nilalaman at paksa na natututunan ng mga bata sa mga itinuturo sa tradisyonal na paaralan, ngunit ibang mga pamamaraan ang ginagamit. Nagbibigay ng specialized instruction ang paaralan, na nakatuon sa mga kagalingan at pangangailangan ng isang bata. Nag-aalok din ang Wordlab ng mga after-school program at clinic, assessment at pagsasanay para sa mga magulang, guro, tagapangasiwa ng paaralan, at sa mga iba pang interesado rito.

    Ang Reading House
    Richbelt Tower, Annapolis St., San Juan
    631-8397

    Ang Reading House ay isang literacy center na naglalayong tulungan ang mga bata na may kapansanan sa pagkatuto tulad ng dyslexia. Nagkakaroon muna ng isang assessment sa pagbabasa, tapos ay gumagawa ng isang programang dinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan sa ng bata. "Bukod sa paggamit ng multi-sensory approach sa aming mga programa sa pagbasa, tinutulungan din namin ang mga bata na nasa wastong antas ng pagkatuto ngunit nais pang  hasain ang kanilang kasanayan sa pagbasa," sabi ni Taino. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

     

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles