embed embed2
  • Chairs, Tables, Headsets, At Iba Pa: Anu-Anong Mga Kailangan Para Sa Online Learning

    Narito ang ilan sa mga gamit na pwedeng makatulong sa anak mo ngayong sa bahay muna siya mag-aaral.
    by Ana Gonzales .
Chairs, Tables, Headsets, At Iba Pa: Anu-Anong Mga Kailangan Para Sa Online Learning
PHOTO BY iStock
  • Nagsimula ka na bang mag-ipon ng mga gamit para sa online learning ng anak mo? Marami sa mga nanay sa aming online community ang nagtatanong na kung anu-ano nga bang kailangan nilang bilhin para sa kanilang mga anak. Kaya naman bumuo kami ng listahan ng mga gamit na pwede ninyong pagpilian.

    What other parents are reading

    Chairs and Tables

    Sa isang nauna nang Smart Parenting article, inilista namin ang mga highly recommended stores na pwede mong orderan ng magaganda at matitibay na lamesa at upuan para sa mga anak mo. Narito ang ilan sa kanila:

    The LÄTT mula sa IKEA

    Mabibili mo ito sa online seller na mobelph (Instagram: @mobelph). Php2,670 ang isang set. Simple lang ito ngunit komportable para sa mga bata.

    Happy Kiddos PH

    Highly recommended din ang mga tables and chairs mula dito. Nagkakahalaga ng Php2,700 ang isang set.

    Pamama

    Magaganda rin ang mga pagpipilian sa Pamama. Nagkakahalaga ng Php3,499 hanggang Php4,999 ang kanilang mga sets.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami ka ring pagpipilian sa mga online shops tulad ng Shopee at Lazada.

    What other parents are reading

    Utility Carts

    Mas nakakaganang mag-aral kung organisado ang learning area ng mga anak mo. Kaya naman highly recommended ng mga nanay na kumuha ka ng trolley. Narito ang ilan sa pwede mong pagpilian:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Yali Home 3-Layer Multipurpose Storage Trolley

    Sulit ito dahil may baskets at hanging buckets na pwedeng paglagyan ng mga gamit sa pag-aaral ng mga anak mo. Nagkakahalaga ng Php1,299 ang ganitong trolley.

    Locaupin 3-Tier Kitchen Utility Trolley

    Mas mura naman bahagya ang brand na ito. Three layers din ngunit wala na ang mga hanging buckets at baskets. Nagkakahalaga ito ng Php1,248.

    What other parents are reading

    Headsets

    Kung kailangan mang makipag-video conference ng mga anak mo o 'di kaya ay manood ng learning materials na mayroong audio at video, malaki ang maitutulong ng mga headsets para mas marinig nila at mas marinig sila ng mga kausap nila. Heto ang ilan sa mga inirekomenda ng mga nanay:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Logitech H370

    Mabibili mo ito sa Shopee sa halagang Php1,495. May noise cancelling feature na ito para kahit papaano ay maayos na makapagsalita at makarinig ang anak mo.

    Logitech H111

    Marami ring mga nanay ang nagrekomenda ng headset na ito. Nagkakahalaga ito ng Php475 hanggang Php500, depende sa online seller na kukuhanan mo.

    Ayon pa sa mga nanay, makakatulong din sa iyo at sa anak mo ang pagdodownload ng application na Krisp. Tumutulong ito para kanselahin ang mga tunog sa paligid mo.

    What other parents are reading

    Printers

    Kung iniisip mo namang mag-print ng mga worksheets at iba pang supplementary materials para sa iyong mga anak, malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng sarili mong printer. Heto ang nirekomenda ng mga nanay:

    HP Deskjet Ink Advantage 2135 Color Printer

    Nagkakahalaga ito ng Php3,999 sa Lazada. Ito ang isa sa mga pinakamurang printers na maganda na ang output. Mayroon na rin itong wireless printing at scanning capabilities.

    Tandaan lang na hindi gumagamit ng continuous ink supply o CISS ang printer na ito, kaya maaaring mas marami kang gastusin pagdating sa ink cartridges.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Epson L120 Single Function Ink Tank System Colored Printer

    Mabibili mo ito ng Php4,5110 sa Lazada. Printing option lang ang mayroon dito ngunit matipid ito sa ink kaya mas praktikal kung marami kang kailangang i-print.

    Canon Pixma G1010 Refillable Ink Tank System

    P5,370 naman itong printer na ito sa Lazada. Ito ang go-to brand ng marami para sa mga printing needs nila. Mayroon itong refillable ink tank system kaya mas marami kang mapiprint sa mas mababang halaga.

    What other parents are reading

    Laptops

    Kung hindi ka pa nakabili ng laptop para sa mga anak mo, pwede mong gamitin ang listahang ito bilang gabay.

    Ayon sa mga computer experts na nakausap namin, narito ang mga magagandang specs para sa distance learning:

    • Processor: Core i3 o Core i5 para sa mga Intel-based laptops (Ito ang utak ng computer mo. Mas mataas, mas maganda ang performance.)
    • RAM: 8GB RAM
    • Hard Drive o Memory: 256GB o 512GB (Mataas na ang 512GB para sa online learning, per mas magandang option ito kaysa sa 128GB na masyado namang mababa)

    ACER Travelmate TMP249-G3-M-36PS

    Nagkakahalaga ang laptop na ito ng Php26,500.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Specifications:

    • Processor: IntelTM Core i3 8130U
    • RAM: 8GB DDR4
    • Hard Drive: 1 TB

    LENOVO Ideapad S145-14IKB - 81VB001UPH

    Php26,995 naman ang laptop na ito.

    Specifications:

    • Processor: Intel Core i3-7020U
    • RAM: 8GB DDR4
    • Hard Drive: 512GB

    ACER Travelmate TMP249-G3-MG- 52YP

    Kung may budget ka naman, pwede mong bilhin ang laptop na ito sa halagang Php34,500.

    Specifications:

    • Processor: Intel Core i5 8250U
    • RAM: 8GB DDR4
    • Hard Drive: 1 TB
    What other parents are reading

    Ito ang ilan sa mga gamit na kakailanganin mo para sa online learning ng anak mo. Huwag mag-panic pagdating sa specifications at presyo dahil mayroon kang mga kapwa mo nanay na handang tumulong sa iyo.

    What other parents are reading

    Nakabili ka na ba ng gamit sa para sa online learning ng mga anak mo? I-share mo na 'yan sa comments section.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles