embed embed2
  • Paano Malalaman Kung May Dyslexia Ang Anak Mo? Narito Ang Ilang Senyales

    Alamin kung paano matutulungan ang batang may ganitong learning disability.
    by Jocelyn Valle .
Paano Malalaman Kung May Dyslexia Ang Anak Mo? Narito Ang Ilang Senyales
PHOTO BY iStock
  • Ang dyslexia ay isang uri ng learning disability kung saan apektado ang pagsulat, pagbasa, at pagbaybay, o spelling. Paano nga ba malalaman kung may dyslexia ang anak mo at paano mo siya matutulungan?

    Nakausap ng SmartParenting.com.ph ang ilang eksperto para sa artikulong nailathala dito noong August 4, 2017. Isa sa kanila, si Deidre Jude Taino, ang founder ng The Reading House na naglalayong tulungan ang mga batang may learning disabilities.

    Paliwanag ni Taino, “Children with [dyslexia] greatly benefit from having support at an early age. In this way, they have plenty more time to learn strategies that they could use to make reading easier for them.” (Malaking benepisyo sa mga batang mga ganitong kundisyon ang tulong na matatanggap nila sa murang edad. Sa ganitong paraan, mas marami silang oras na matutunan ang mga istratehiya para mapagdali ang pagbabasa para sa kanila.)

    What other parents are reading

    Dagdag niya, “Children with dyslexia often do well in preschool where expectations are still manageable because of the little demand in reading and writing.” (Madalas ang mga batang may dyslexia ay maayos ang lagay sa preschool, kung saan manageable pa ang expectations dahil konting pagbasa at pagsulat pa lamang ang ginagawa doon.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ganitong kaso, mas mainam na maagapan ang kundisyon ng batang may learning disability. Pahayag ni Taino, “We want to start helping them while they are still in the early years of learning how to read.” (Nais naming makatulong habang sila ay nasa unang mga taon pa lamang ng pag-aaral ng pagbabasa.)

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi na iba para sa preschoolers na nagsisimulang bumasa at magsulat na malito sa mga letrang “b” at “d.” Sa kalaunan ay nalalampasan nila ito sa kanilang paglaki. Subalit hindi ito ang experience ng mga batang may dyslexia. Mananatili ang problema hangga’t hindi magkaroon ng early assessment at intervention, tulad ng pagpasok sa eskwelahang may reading program na tutok sa ganoong kundisyon.

    What other parents are reading

    Mga senyales at sintomas ng dyslexia

    Habang ang mga senyales ng dyslexia ay lumalabas kasabay ng pag-aaral ng bata ng basic reading at writing, ang mga eksperto naman ay naghihintay hanggang ang bata ay tumungtong sa edad na 7 o 8 bago magbigay ng diagnosis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga batang nasa preschool na hirap sa pag-aaral o nagpapakita ng learning difficulties ay nanganganib na magkaroon ng dyslexia, ayon kay Padilla. Narito ang ilang karaniwang senyales:

    • Speech delay or difficulties - May kabagalan or kahirapan sa pagsasalita
    • Difficulty identifying names or labels of things - Hirap sa pagkilala ng mga pangalan o tatak ng mga bagay)
    • Has difficulty saying long words - Hirap sa pagsasabi ng mga mahahabang salita, tulad ng spaghetti bilang "pis-get-ti"
    • Difficulty learning to write long letters - Hirap matutong sumulat ng mahabang liham
    • Difficulty following verbal and written instructions - Hirap sumunod sa mga bilin, maging sa salita o sulat
    • Reverses b-d, p-q; inverses u-n, w-m; transposes (interchanges) letters in words (e.g. day-dya) - Nababaligtad ang mga letrang b sa d, p sa q; at u sa n, w sa m; napagpapalit ang mga letra sa loob ng mga salita, halimbawa: ang “day” ay nagiging “dya”
    • Difficulty in spelling and writing sentences - Hirap sa pagbaybay at pagsusulat ng mga pangungusap)

    Ang sabi ni Taino, “A child with dyslexia mainly has difficulty recognizing words. Pairing rhyming words together may be difficult for them already.” (Ang batang may dyslexia ay hirap sa pagkilala sa mga salita. Kaya ang pagparis ng mga salita ay mahirap na kaagad sa kanila.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dugtong niya, “They also commit some reading errors, such as omitting or even inserting words or letters when reading. Some children also tend to substitute words that are graphically similar. For instance, a child with dyslexia might read ‘staring’ as ‘starting’ or poster as ‘painter.’”

    (Nagkakamali sila sa pagbabasa, tulad ng pagtanggal o pagdagdag ng mga salita. Ang ilan pa sa kanila ay pinapalitan ang mga magkakatulad na salita. Halimbawa, maaaring basahin ng batang may dyslexia ang ‘staring’ bilang ‘starting,’ o di kaya ang ‘poster’ bilang ‘painter.’)

    What other parents are reading

    Paano magsulat ang batang may dyslexia

    Narito ang sample na writing assessment ng batang may dyslexia, mula sa The Reading House

    PHOTO BY courtesy of The Reading House
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Ang mga nasa itaas ay writing samples na ginawa ng isang 8-year-old na may dyslexia.
    PHOTO BY courtesy of The Reading House
    Narito ang reading sample sa parehong bata. Siya ay tinanong na basahin ang mga salita sa kaliwa, ngunit ang nasabi niya ay ang mga salita sa kanan.
    PHOTO BY courtesy of The Reading House
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Treatment at management ng dyslexia

    Ang dyslexia ay habambuhay na kundisyon. Hindi ito nawawala, pero nagagawan ng paraan, o nagiging manageable. Paliwanag ni Taino, “Children with this condition, greatly benefit from having support at an early age. In this way, they have plenty more time to learn strategies that they could use to make reading easier for them."

    (Malaking benepisyo sa mga batang mga ganitong kundisyon ang tulong na matatanggap nila sa murang edad. Sa ganitong paraan, mas marami silang oras na matutunan ang mga istratehiya para mapadali ang pagbabasa para sa kanila.)

    May dagdag na pahayag si Faye Casis, ang direktor ng Worldlab School sa Quezon City, na nagbibigay edukasyon at tulong sa mga batang may dyslexia at iba pang learning disabilities.

    Aniya, “Children identified at an early age and who benefit from early intervention usually perform on par with peers academically.”(Ang mga batang natuklasang may dyslexia sa murang edad at nakatanggap ng intervention ay madalas na napapantayan ang antas ng kanilang kapwa bata sa academics.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo sa mga magulang na may anak na may dyslexia

    Para sa mga batang napag-alamang may dyslexia nang nag-aaral na sila sa elementary o high school, payo ni Casis, kinakailangan na nila ang ibayong suporta at paghihikayat ng kanilang mga magulang, lalo na kung bumabagsak na sila sa eskwelahan. Sa puntong ito, takot na ang mga batang iyon na sumubok pa at maaaring mababa na ang kanilang pagkilala sa sarili. Malaking tulong ang pagtanggap ng mga magulang sa pagtaas ng kanilang kumpiyansa sa sarili kahit hirap sila sa pag-aaral.

    Hanapin kung saan magaling ang bata

     Dapat tanggapin ng mga magulang na ang kanilang anak ay mahihirapan sa school subjects na language o kaya reading. Ito ang payo ni Cristina Rowena S. Padilla, isang reading specialist at guro sa Child Development and Special Education Department ng College of Education sa Miriam College sa Quezon City.

    Dagdag pa niya na makakatulong ang mga magulang kung tumutok at patingkarin ang mga bagay kung saan may galing, interes, at kakayahan ang bata. Alamin kung ang bata ay nalilinya, halimbawa, sa science o di kaya ay arts. Paalala niya na alam dapat na mga magulang na hindi dapat ginagawang dahilan ng anak ang pagkakaroon ng dyslexia para lumagpak at hindi tapusin ang mga gawain sa ekswelahan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magbasa nang malakas

     Ang sabi naman ni Casis na ang mga batang may dyslexia ay maaaring umiwas sa reading tasks dahil challenging at frustrating ang mga ito sa kanila. Pero gusto nilang makinig sa mga kuwento. Kaya magbasa sa kanila kung kelan at kung saan puwede. Huwag lang silang pilitin na magbasa nang malakas sa publiko, maliban na lang kung gusto nila ito at handa silang sumugal para dito.

    Magkaroon ng pasensya

     Totoong mahirap ang ganitong sitwasyon, kaya kailangan ng pasensya. Ang sabi nga ni Casis ay para itong pag-aaral ng bagong sport o language. Maraming oras ang gugugulin sa pag-ensayo nito. Dapat ding tandaan na ang pagbabasa ay isang paraan lamang para matuto. Mayroon pang ibang paraan.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles