embed embed2
  • Sabi Ng Isang Teacher: 'Huwag Kang Mag-alala, Hindi Napag-iiwanan Ang Anak Mo'

    Heto ang mga dapat mong gawin sa halip na mag-overthink tungkol sa pag-aaral ng anak mo.
    by Ana Gonzales .
Sabi Ng Isang Teacher: 'Huwag Kang Mag-alala, Hindi Napag-iiwanan Ang Anak Mo'
PHOTO BY Shutterstock
  • Kamakailan ay ibinahagi sa amin ng mga magulang ang kanilang pangamba na baka lumaking mahiyain ang mga anak nila dahil sa kakulangan ng interaksyon sa ibang mga bata.

    Simula kasi nang mag-lockdown, maraming mga bata ang hindi na nakalabas at nakakita ng ibang tao maliban sa kanilang mga magulang.

    Sinabi naman ng mga eksperto na walang dapat ipangamba ang mga magulang dahil sa murang edad ng mga bata, sapat na ang interaksyong nakukuha nila kay nanay at tatay.

    Ngayon naman ay maraming mga magulang ang nag-aalalang napag-iiwanan na ang kanilang mga anak sa academics. Ngunit ayon sa isang guro, hindi ka dapat mag-alala kung nakakahabol ba ang anak mo sa mga aralin niya o napag-iiwanan na siya ng ibang mga batang kaedad niya.

    Sa isang viral post na nakakuha na ng mahigit 3 libong likes sa Facebook, sinabi ng retired educator na si Teresa Thayer Snyder, na mas marami pang ibang mas mahalagang bagay na dapat ipag-alala ngayong may pandemic.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "In our determination to 'catch them up,' I fear that we will lose who they are and what they have learned during this unprecedented era. What on earth are we trying to catch them up on?" Sabi niya.

    Dagdag pa ni Snyder, napakaraming aral ang itinuro sa atin ng pandemic at mas mahalagang matutunan ito ng mga bata kaysa sa kanilang mga aralin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Natutunan natin ang kahalagahan ng pagtutulungan. Natutunan natin kung paano mamuhay sa takot at kawalan ng kasiguraduhan. Natutunan din natin ang kahalagahan ng pagbibigay panahon sa ating mga kapamilya.

    Ayon kay Snyder, kapag bumalik ang mga bata sa mga paaralan, mas dapat bigyang pansin kung kumusta sila sa kabila ng pandemya.

    "Let their stories be told. They have endured a year that has no parallel in modern times. There is no assessment that applies to who they are or what they have learned," sabi niya.

    Ipinaalala rin ni Snyder na bagaman hindi pumapasok ang mga bata, hindi ibig sabihin nito ay hindi na gumagana ang kanilang mga isipan.

    Sa katunayan, marami rin silang natutunan dahil sa pandemic. Inilista namin ang mga iyan sa Smart Parenting article na ito: click here.

    Mahalaga ang edukasyon—hindi 'yan maikakaila. Ngunit sa ganitong mga pagkakataon, mas mainam alisin ang pressure at iwasang sukatin ang mga bata sa mga 'dapat alam nila.'

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakiusap din si Snyder sa kanyang mga kapwa guro na mas bigyang pansin ang mental at emotional well-being ng mga bata sa ngayon.

    "Surrender the artificial constructs that measure achievement and greet the children where they are, not where we think they "should be."

    "They did not miss the test prep. They did not miss the worksheets. They did not miss the reading groups. They did not miss the homework. They missed you."

    Worried ka ba sa pag-aaral ng mga anak mo? Para maibsan ang iyong mga pangamba, pwede mong i-discuss ang mga ito kasama ang mga kapwa mo nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles