embed embed2
Imbes Na Parusa, May Epektibong Paraan Ng Pagdisiplina Sa Bata
PHOTO BY Shutterstock/enterphoto
  • Imbes na parusa (punishment) kaagad ang ibigay ng magulang sa nagkamaling anak, mas makabubuti kung hayaang makita ng bata ang likas na kahihinatnan (natural consequence) ng kanyang pagkakamali.

    Ganito ang paraan ng mga eskuwelahan na sumusunod sa Montessori method of education nang sa gayon ay matuto ang bata hindi dahil natatakot siyang maparusahan. Layunin ng ganyang sistema ng edukasyon na maintindihan ng estudyante ang epekto ng kanyang mga aksyon.

    Sang-ayon naman ang mga eksperto, ayon sa Motherly blog, na hindi epektibo ang punishment bilang paraan para matuto ang bata na gawin ang tama. Itinutulak pa nga nito na magsungaling ang bata nang mapagtakpan ang kanyang kamalian. 

    Nakakaramdam tuloy ang bata ng hindi maganda para sa sarili at nagiging malayo ang loob sa kanyang magulang. Ang koneksyon pa naman sa pagitan ng magulang at anak ang “most powerful tool” para maimpluwensyahan ang pag-uugali ng bata.

    Paano ipaliwanag ang natural consequence

    Sa kabilang banda, matututo ang bata na gawin ang tama kung maiintindihan niya ang natural consequence ng kanyang pagsuway sa bilin ng magulang. Makakapag-isip at makakapagdesisyon kasi siya nang ayon sa kanyang free will. Hindi iyong para lang makaiwas sa punishment at mapasaya ang kanyang magulang.

    Bilang magulang, maaari mong gamitin ang natural consequence sa mga ganitong eksena sa bahay:

    Iniwan ng bata ang mga laruan sa may labas ng bahay kahit sinabihan mo nang ipasok sa loob

    Ang nangyari tuloy, umulan at nabasa ang mga laruan. Nasira ang isa sa mga paborito niya, kaya kailangan na niyang itapon iyon.

    Sinabihan ng bata ang kanyang kapatid nang hindi maganda

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang resulta: ayaw na siyang makalaro ng kanyang kapatid. Wala na siyang kalaro sa bahay. Mag-isa na lang siyang maglalaro.

    Naghabulan ang magkapatid sa loob ng bahay kahit bawal

    Ang sumunod na nangyari: natabig ng mga bata ang mesa at nahulog ang tablet ni daddy. Kailangan ipagawa sa computer shop ang tablet, pero manggagaling sa allowance ng mga bata ang pambayad. 

    Paalala lang na bagamat mainam ang natural consequence para maipakita sa bata na may epekto ang kanilang choices, para sa kanila at sa ibang tao, kailangan maiugnay nila ang action sa consequence.

    Paano ipaliwanag ang logical consequence

    May mga pagkakataon naman na ang hindi kanais-nais na pag-uugali ng bata ay walang natural consequence kaagad. Halimbawa, ayaw niyang magsipilyo. Kahit sabihan mo siyang masisira ang kanyang mga ngipin, maaaring hindi siya sumunod dahil hindi pa naman sumasakit ang kanyang ngipin.

    Sa ganyang sitwasyon na walang natural consequence o di kaya matagal pang dumating, maaari kang gumamit naman ng logical consequence. May kaugnayan ito sa behavior ng bata, pero ginagawa ng adult at hindi natural na nangyayari.

    Magagamit ang logical consequence sa ganitong eksena sa bahay:

    Sinabihan mo na ang anak na maging maingat sa paglalaro sa garden, pero natatapakan pa rin niya ang mga halaman.

    Kaya magdedesisyon ka nang patigilin na siyang maglaro at pumasok na lang sa loob ng bahay. Kung hindi nga naman niya marespeto ang pag-aalaga mo sa garden, mabuting huwag na siyang maglaro doon.

    Ang susi daw sa paggamit ng consequence ay maintindihan ng bata ang logic kaugnay sa kanyang behavior. Di tulad ng punishment, maiiwasan na mapahiya at matakot ang bata kung hahayaan siyang matuto mula sa consequence. Hindi mo na rin kailangan pang sumigaw o mangaral dahil may hatid ng leksyon ang consequence.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close