-
Laptop Shopping Guide Para Sa Online Learning Mula P26,000
Ano nga bang klaseng laptop ang magandang gamitin ng mga bata para sa distance learning?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang pagbubukas ng klase Agosto ngayong taon ay hindi nangangahulugang pisikal nang papasok sa paaralan ang mga bata.
Sabi ng ahensiya, hindi kailangang mahinto ang pag-aaral ng mga bata dahil sa COVID-19 pandemic. Sa halip, ipapatupad ng DepEd ang distance learning.
Best laptop for online class
Maraming mga magulang ngayon ang aminadong nagkukumahog sila para makahanap ng paraan para mabili ang mga kakailanganin ng mga anak nila para sa distance learning—isa na rito ang laptop o computer.
Inilista namin ang mga brands at specifications ng laptop na magandang gamitin ng mga anak mo. Base ang mga ito sa listahang ibinahagi sa amin ng kilalang online gadget store na Kimstore. Pinagkakatiwalaan na sila ng mga mamimili pagdating sa kanilang mga tech needs tulad ng mobile phones, laptops, cameras, gaming consoles, at tablet PCs.
What other parents are reading
Specs of laptop for online class
Pero paano kapag hindi mo maintindihan ang mga tinatawag na specs?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng 'specs' o specifications ang mga detalye tungkol sa mga bahagi ng computer o laptop na bibilhin mo. Ang performance ng laptop mo ay nakadepende sa ganda ng specs na pipiliin mo.
Ayon sa mga computer experts na nakausap namin, narito ang mga magagandang specs para sa distance learning:
- Processor: Core i3 o Core i5 para sa mga Intel-based laptops (Ito ang utak ng computer mo. Mas mataas, mas maganda ang performance.)
- RAM: 8GB RAM
- Hard Drive o Memory: 256GB o 512GB (Mataas na ang 512GB para sa online learning, per mas magandang option ito kaysa sa 128GB na masyado namang mababa)
Ito ang mga specs na kailangan mong hanapin para siguradong mabilis at hindi nagha-hang ang laptop habang nag-aaral ang anak mo—mapavideo conferencing man 'yan o panonood ng mga educational videos.
Magandang brand ng laptop
Kung naghahanap ka ng laptop na pwedeng magamit ng iyong anak sa online class at home learning, heto ang listahan ng mga brands na pwede mong pagpilian. Pwede kang pumili depende sa iyong budget!
CONTINUE READING BELOWwatch nowACER Travelmate TMP249-G3-M-36PS (Php26,500)
Specifications:
- Processor: IntelTM Core i3 8130U
- RAM: 8GB DDR4
- Hard Drive: 1 TB
LENOVO Ideapad S145-14IKB - 81VB001UPH (Php26,995)
Specifications:
- Processor: Intel Core i3-7020U
- RAM: 8GB DDR4
- Hard Drive: 512GB
What other parents are reading
ACER Travelmate TMP249-G3-MG- 52YP (Php34,500)
Specifications:
- Processor: Intel Core i5 8250U
- RAM: 8GB DDR4
- Hard Drive: 1 TB
ASUS X409UAFJ-FT851T
Specifications:
- Processor: Intel Core i5 8265
- RAM: 8GB
- Hard Drive: 1TB
ACER Travelmate TMP2410-G2-M- 55CR (Php36,500)
Specifications:
- Processor: Intel Core i5 8250U
- RAM: 8GB DDR4
- Hard Drive: 1 TB
Nagkakaroon ng pagkakaiba sa presyo base sa laki ng screen at ganda ng display—kung high definition ba o hindi. Halimbawa, mas mahal ang HD LED na display kaysa sa ordinaryong HD display lang.
Mas kailangan mong pagtuunan ng pansin ang performance ng iyong processor at RAM. Kung 4GB lang kasi ang kukunin mo na RAM, mahihirapan ang laptop mo na mag-multitask. Ibig sabihin, hindi pwedeng magsabay-sabay na nakabukas ang mga applications o programs sa computer.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagdating naman sa internet access, sapat na ang bilis na 10mbps. Lilimatahan niyo lang ang gagamit ng internet lalo na kung may Zoom class ang anak ninyo.
Handa na ba ang mga gagamitin ng mga anak mo para sa distance leaning? Anong model ng laptop ang binili ninyo at bakit? I-share mo na 'yan sa comments section.
Naghahanap ka ba ng learn-at-home options at napapaisip kung magkano ang mga ito? Bisitahin ang Smart Parenting Classroom!
What other parents are reading

- Shares
- Comments