-
Mas Pinasayang Pag-aaral! 5 Online Learning Portals For Kids
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Simula nga nang magkaroon ng internet at social media, naging mas madali na para sa lahat ang makahanap ng mga kailangan nilang impormasyon online. Sabi nga nila, ngayon, kapag may gusto kang malaman o matutunan, i-Google mo lang, may sagot ka na.
Binago nga ng modernong panahon ang maraming bagay, kabilang na ang pag-aaral ng mga bata. Kung noo'y sa mga libro at research papers sa library lang umaasa ang mga estudyante, ngayo'y kahit sa mga cellphones nila, pwede silang may matutunan.
Mas marami na ring resources ang mga magulang ngayon, lalo na ang mga interesado na i-homeschool ang kanilang mga anak.
Bukod pa sa homeschooling, malaking tulong din ang mga online learning portals bilang pandagdag sa mga natututunan ng mga bata sa paaralan.
Ano ang matutunan ng mga bata sa paggamit ng internet?
Malaki ang maitutulong ng internet at online learning para matuto ang mga bata sa sarili nilang pace o bilis. Kalimitan kasi sa mga online learning portal for kids ay may curriculum na magkahalo ang mga tinatawag na self-paced work at iyong mga aralin at aktibidad na naka-schedule.
Hawak din ng mga magulang ang schedule ng kanilang mga anak kung online learning ang gamit nila—malaking tulong sa mga magulang na nagtatrabaho o iyong walang katuwang sa pag-aalaga sa mga bata.
Kaunti lang din ang mga distractions kapag gumagamit ang mga bata ng mga online learning tools. Bukod pa riyan, wala ring bullying at peer pressure na maaaring makaapekto sa pag-aaral ng mga bata.
Mas marami ring learning options at opportunities na ibinibigay ang online learning. Hindi ka mauubusan ng mga pagpipilian dahil na rin sa dami ng mga learning portals ngayon online.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAno ang maaasahan sa online class
Magdesisyon ka mang tuluyan nang ilipat sa online learning ang anak mo o gamitin ito bilang supplement sa mga natututunan niya sa school, hindi ka mauubusan ng mga online learning portals na pwedeng pagpilian. Narito ang ilan sa kanila:
ABCmouse.com
Ayon sa kanilang website, mayroon silang 850 lessons na para sa 10 levels. Mayroon silang pang pre-school, pre-K, kindergarten, Grade 1, at Grade 2.
Mayroon din silang mahigit 9,000 activities na tiyak kagigiliwan ng mga bata edad 2 hanggang 8. Magagamit mo rin ang ABCmouse.com para sa pagbabasa ng anak mo. Pwede rin silang makinig ng mga storya at musika o kaya naman ay maglaro ng mga educational games. Mayroon ding mga learning levels na idinisenyo para sa mga guro at mga learning experts.
Wonderopolis
Sa website naman na ito, binibigyang halaga ang kahulugan ng bawat aralin. Maganda ang website para sa mga batang maiksi ang attention span ay hirap na makinig sa mga aralin dahil madaling ma-distract. Sa Wonderopolis kasi, may mga 'wonders' ang bawat aralin na kagigiliwan, hindi lang ng mga bata, kundi pati na rin ng mga magulang.
Maganda rin ang graphics at layout ng website kaya naman talagang maeengganyo ang mga bata na mag-aral.
Miss Spell's Class
Kung naghahanap ka naman ng nakakatuwa at nakakaaliw na paraan para turuan ang anak mo ng spelling, pwedeng-pwede mong gamitin itong Miss Spell's Class.
Makikita ng anak mo sa website ang isang simpleng spelling test kung saan hindi siya ang babaybay ng mga salita. Sa halip, titignan niya kung ang mga nakalistang salita ay tama ba ang spelling o hindi.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMaganda itong paraan para matuto ang mga bata ng reading comprehension bukod pa sa tamang spelling. Sa ganitong format kasi, hindi sila limitado sa memorization lang ng kung anong mga letra ang mauuna.
What other parents are reading
Starfall
Taong 2002 pa lang ay maraming mga magulang at mga bata na ang giliw na giliw sa website na ito. Isa kasi ito sa mga highly recommended websites para sa mga batang gustong matutong magbasa.
Pwede mong piliin ang mga aralin depende sa reading level ng anak mo. Mayroon ding mga kategoryang pagpipilian para mas maengganyo ang anak mo na magbasa. Kung gusto nga naman niya ang topic na binabasa niya, mas gaganahan siya.
Mayroon ding mga play exercises para mas matuto ang anak mo ng pronunciation o iyong tamang pagbigkas.
ReadingIQ
Para ka na ring may sarili mong library dahil sa app na ito. Pwede ito sa mga batang edad dalawa pataas. Mayroon ditong humigit kumulang 7,000 mga libro kasama ang mga gawa ng Disney, National Geographic Kids, Highlights at iba pa.
Pwede kang pumili ng picture books, chapter books, at graphic novels. Mayroon din silang song books at joke books! Lahat ng mga librong available ay pwedeng basahin ng mga anak mo sa kanilang tablet o 'di naman kaya sa iyong computer o cellphone.
What other parents are reading
Bukod pa sa mga nabanggit, highly recommend online learning portals for kids din ang website ng PBS Kids. Siguradong magugustuhan ng mga maliliit mong mga anak sina Elmo at Curious George. Pwede mo ring bisitahin ang website ng National Geographic Kids! Dito nila matututunan kung paano nabubuhay ang mga paborito nilang mga hayop at kung anong itsura ng iba't-ibang mga kalupaan at karagatan sa buong mundo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung baby pa ang anak mo, pwede kang bumisita sa Babytv.com. Hindi mo kailangang manood, sapat na na naririnig ito ng anak mo.
Tandaan lang na sundin ang wastong bilang ng oras ng paggamit sa gadgets para naman hindi masyadong maging gadget dependent ang anak mo.
What other parents are reading

- Shares
- Comments