embed embed2
  • Silipin Ang Moving-Up Ceremonies Na Ginawa Ng Mga Magulang Sa Bahay

    Importanteng milestone ang Moving Up! Kaya naman game sila kahit sa bahay lang.
    by Ana Gonzales .
Silipin Ang Moving-Up Ceremonies Na Ginawa Ng Mga Magulang Sa Bahay
PHOTO BY courtesy of Pia Yap Maestrecampo
  • Suspendido man ang klase ng mga bata dahil sa banta ng COVID-19, hindi ito naging hadlang para makapag-aral sila.

    Hindi man sila nakaupo sa loob ng classroom kasama ang kanilang mga kaklase, tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral nila. Buti na lang at may mga online resources na ngayon na pwedeng gamitin ng mga guro at mga magulang para matutunan pa rin ng mga bata ang kanilang mga leksyon.

    More from Smart Parenting

    Kahit ang kanilang Moving Up Day o graduation ay nairaos at nagawan pa rin ng paraan ng kanilang mga magulang.

    Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, dalawang nanay ang masayang nagbahagi sa amin ng graduation ng kanilang mga anak.

    Isa na riyan si mommy Lea Simbulan. Ayon sa kanya, excited talaga ang anak niya sa Moving Up rites nito kaya nagdesisyon silang gawin na lang ito sa bahay. "Pagpasok palang ng march, may sched na talaga ang school for Pictorial for [graduation picture]," kwento ni mommy. "They were already rehearsing a performance supposed to be for the parents. She's always asking me [kung kailan] sila magkikita ng [mga] classmates niya kasi graduation na daw nila."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nakapag-birthday pa ang anak ni mommy bago mag-lockdown, pero hindi na ito nakapag-moving up kaya sa bahay na lang.
    PHOTO BY courtesy of Lea Simbulan
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Kaysa malungkot ang anak niya, itinuloy na lang nila ito sa bahay. Sabi ni mommy, tinulungan siya ni daddy, lola at tita. Pati mga pamangkin ni mommy, tumulong na rin. "We improvised [the] stage, [the] back drop and [the] sound system," paliwanag ni mommy. "We asked his ninong to make a graduation hat. [He used] recycled illustration board and yarn."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito naman ang mga nakakatuwang 'awards' na nakuha ng anak ni mommy:

    Best In Running Away To Play

    Paliwanag ni mommy, lagi raw sinasabi ng teacher ng anak niya na kapag may gagawin dadw sa klase at kailangang maupo, tatakbo raw agad ang anak ni mommy papunta sa play area. Normal naman ito, lalo na't nasa adjustment stage pa lang ang anak ni mommy. Nang dumating ang bata sa third at fourth quarter, hindi na ito tumatakas sa kanyang teachers (LOL!).

    Best In Scribbling On Her Books

    "Her books are full of scribbles!" pagbabahagi ni mommy sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview. "Nasasagot niya ng tama ang mga activities [sa mga libro niya], but she loves to scribble on her books!"

     

    Narito ang pruwebang talagang Best In Scribbling On Her Book ang anak ni mommy!
    PHOTO BY courtesy of Lea Simbulan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Best In Where Is My Mommy and Gusto Ko Si Mommy

    Ayon kay mommy, "I am her favorite person. She would always say I am the one [who] makes her happy. 'Yun nga lang, even sa school kapag may ginagawa sila sa school at medyo bored na siya, sasabihin niya na kay teacher, 'Teacher, where's mommy? Gusto ko si mommy.'"

    Ito sana ang kauna-unahang Moving Up ng anak ni mommy. "My first baby just finished her nursery and will now enter kindergarten. I got really sad that it was cancelled, thats why I planned a mini moving up rites at home," kwento ni mommy.

    More from Smart Parenting

    Ganyan din ang naramdaman ni mommy Pia Yap Maestrecampo. "Parents are always very excited and fond of being involved in their child's milestones—especially when it comes to their education and growth," pahayag ni mommy.

    Sabi pa niya, "I was really brokenhearted. Kasi it means [we will not experience] another family activity or meaningful moment in my daughter's life." Dagdag pa niya, "I came up with the plan of doing the homebased moving up ceremomy. Better at home than not having a ceremony at all. We are just following the safety protocols as well as enjoying the options left for us. Also, [nanghinayang] din ako sa pinagawang costume for their class performance. So I planned and pushed for this "quarantine style" na moving up."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Si daddy ang tumulong kay mommy para i-setup ang kanilang 'stage'. "With his creativity, we were able to do the backdrop kahit kurtina lang namin," sabi niya. Muntik pa nga raw makalimutan ni mommy ang music! Buti na lang daw at naroon ang kapatid niya. Ito na rin ang nagsilbing emcee. "We always enjoy what we do for our daughter. My daughter danced and sang their community dance. Solo."

    Nag-effort talaga sina mommy at daddy para maiparamdam sa anak nila na proud na proud sila dito.
    PHOTO BY courtesy of Pia Yap Maestreca
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Masaya rin ang anak nila sa mga pagkilalang natanggap nito.
    PHOTO BY courtesy of Pia Yap Maestreca

    "As a mom and teacher by profession, I would not want to just let this moving up ceremony pass without doing an effort to make my little girl feel appreciated," kwento ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "I want her to remember that she was able to finish her preschool kasi it was an abrupt cancellation of classes. The class were not given time to say goodbye to each other. I want my daughter to cherish memories of her growing up and this moving up is one of those great moments i dont want her to miss kahit sa bahay lang." Dagdag pa niya, "It is always important to be involved and do the effort for the holistic development of our child. We may just think that it is merely a "ceremony" but the impact of what we do for our child is immeasurable."

    More from Smart Parenting

    Kayo? Anong ginawa ninyo para sa moving up o graduation ceremony ng mga anak ninyo? I-share niyo lang sa comments section.

    Para sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles