embed embed2
  • Paano Gumawa Ng Homeschool Schedule Na Hindi Overwhelming

    Maganda ito para hindi mabigla ang mga anak mo sa new normal.
    by Ana Gonzales .
Paano Gumawa Ng Homeschool Schedule Na Hindi Overwhelming
PHOTO BY iStock
  • Looking for learn-at-home options and wondering about tuition fee? Head to Smart Parenting Classroom now!

    Ayon sa mga eksperto, malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng routine para maiwasang mag tantrums ang mga bata. Nakakapagbigay kasi ng sense of security ang mga routines. Nakakatulong din ito para maging positibo ang reaksyon ng mga bata sa mga pagbabago sa paligid nila, tulad na lang ng nararanasan natin ngayong may banta ng COVID-19.

    Ngayon ngang pansamantalang nakasara ang mga paaralan at ikaw ang magsisilbing guro sa iyong mga anak, mas lalo pang naging mahalaga ang papel ng mga routines.

    What other parents are reading

    Magkaakibat ang daily routine ng iyong buong pamilya at ang homeschooling schedule ng iyong mga anak. Payo ng mga eksperto, para makagawa ka ng maayos na homeschooling schedule para sa iyong mga anak, makakatulong kung bibitawan mo ang ano mang mga hindi makatotohanang standards na mayroon ka.

    Para sa isang schedule na hindi overwhelming, pwede mong pagbasehan ang halimbawang ibinahagi ni teacher Thumby Server-Veloso sa isang nauna nang Smart Parenting article.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Schedule 1:

    • 8AM to 10AM - Morning routine (Wake up, breakfast, tidy bed, exercise etc.)
    • 10AM to 11AM - Morning reading (Bible stories, interactive reading)
    • 11AM to 12PM - Free play (No screens)
    • 12PM to 1PM - Lunch
    • 1PM to 3PM - Quiet time or more free play (Second school subject, Math, Science, English)
    • 3PM to 4PM - More reading or electives (Art, music, etc.)
    • 4PM to 7PM - Evening routine

    Schedule 2:

    • 8AM to 10AM - Morning routine
    • 10AM to 12PM - School time (English, Math, Filipino)
    • 12PM to 1PM - Lunch
    • 1PM to 2PM - Quiet time or reading time
    • 2PM to 3PM - School time (Science, Social Studies)
    • 4PM to 5PM - Afternoon play (Hell with dinner prep)
    • 5PM to 7PM - Evening routine

    Schedule 3:

    • 8AM to 10AM - Morning routine
    • 10AM to 12PM - School time (Read aloud, reading, handwriting, Math)
    • 12PM to 1PM - Lunch
    • 1PM to 2PM - Playtime
    • 2PM to 3PM - Book and story time (Or Science experiment, DIY project)
    • 3PM to 4PM - Arts and snacks
    • 4PM to 5PM - Math activity (Baking, Lego, boardgames)
    • 5PM to 7PM - Evening routine

    Ilan lamang 'yan sa mga halimabwa ng mga schedules na pwede mong subukan. Pwede mo itong i-adjust para mas marami ang maidagdag mong subjects, depende sa edad ng iyong mga anak. Pwede mo rin itong i-adjust ayon sa schedule ng iyong trabaho.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Narito pa ang ilang mga bagay na dapat mong tandaan:

    Makuntento sa isang simpleng schedule

    Ayon sa Greater Good Magazine, maganda kung irerelax mo ang iyong homeschooling at productivity standards para maiwasan ang pressure sa iyo at sa iyong mga anak—lalong-lalo na kung nagtatrabaho ka at limitdo lang ang sources ng inyong pamilya.

    Tandaan, hindi madaling maging magulang, guro, empleyado, at asawa nang sabay-sabay habang naninibago tayong lahat sa new normal.

    Para sa mga elementary school kids, sapat na ang dalawang oras nang pag-aaral sa isang araw. Mas maganda ang pagkakaroon ng isang high-quality lesson kumpara sa pagsisiksik ng maraming araling maaaring hindi maintindihan ng anak mo.

    What other parents are reading

    Makipag-ugnayan sa mga guro

    Maraming mga guro ngayon ang nagbibigay ng suporta sa mga magulang na kailangan ng tulong pagdating sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

    I-click mo lang ang link na ito para sa listahan ng mga volunteer teachers.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod pa sa nabanggit, payo rin ng iba pang mga magulang ay isama mo sa iyong sariling routine ang gawain ng iyong mga anak. Kung nag eexercise ka o nagmemeditate, makakatulong kung isasali mo rin sila dito.

    Anu-ano ang mga na-experience ninyong challenges ngayong kayo ang nagtuturo sa inyong mga anak? I-share niyo na sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles