-
3 Practical Tips Para Paghandaan Ang Pagiging Teacher Nanay
Huwag mag-panic ngayong ikaw na ang guro ng mga anak mo, kayang-kaya mo 'yan Nanay/Tatay!by Ana Gonzales . Published Jul 23, 2020
- Shares
- Comments

Kilala ang organisasyong Save the Children para sa mga adbokasiya nilang naglalayong pagandahin ang buhay ng mga kabataan saan mang panig ng mundo.
Kabilang sa kanilang mga proyekto ay ang paniniguro na nakakakuha ng sapat na suportang medikal at tamang edukasyon ang mga bata—mga bagay na akmang-akma sa panahon ngayon na may pandemic at hindi nakakapasok sa paaralan ang ating mga anak.
Kaya naman kamakailan ay inilunsad ng Save the Children Philippines ang Project ARAL. Naglalayon ang proyektong ito na siguraduhing magpapatuloy ang pag-aaral ng ating mga anak sa kabila ng banta ng COVID-19.
"With the uncertainty of childrenís education due to school closures and the continuously felt impact of the COVID-19 pandemic, Save the Children Philippines steps up and launches Project ARAL (Access to Resources for Alternative Learning) to help children from low income families and those with disabilities to access alternative learning platforms," pahayag nila sa kanilang press release.
Kaakibat pa nito ay nagbahagi rin sila ng mga hakbang kung paano mo paghahandaan ang role mo bilang Teacher Nanay/Tatay. Ayon sa mga ibinahagi nilang press materials, hindi ka dapat matakot na maging guro ng anak mo. Ang mahalaga kasi ay ang iyong suporta, pagmamahal, at ang kagustuhan mong matuto sila.
Paano maghanda para maging Teacher Nanay/Tatay
Ayon sa Save the Children Philippines, kailangan mong ihanda ang mga sumusunod:
Regular na routine
Sabi nga ng mga ekspertong nakausap namin para sa mga nauna nang Smart Parenting articles, malaki ang naitutulong ng pagtatalaga ng isang routine o schedule para mapanatag ang iyong anak sa kabila ng mga nangyayari ngayon.
Payo ng Save the Children Philippines, mahalagang italaga mo na ang gagawin ninyong mag-ina mula pag-gising hanggang pagtulog. Pwede niyo itong isulat sa papel o 'di kaya ay sa isang whiteboard o blackboard na nakatalaga para sa schedule ninyo.
Mga ordinaryong bagay
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAlam mo ba na lahat ng laman ng bahay ninyo ay maaari ninyong magamit bilang learning material? Pwede ang kaldero, sandok, upuan, unan—kahit ano! Imahinasyon niyo lang ang limit.
Maayos na mindset
Guilty ka ba sa pagkukumpara sa anak mo sa ibang mga bata? Kung oo, ngayon ang tamang panahon para huwag ipagpatuloy ang ganitong ugali. Hindi mo kailangang ma-pressure pagdating sa mga matututunan ng anak mo.
Ikaw din ang pinakanakakakilala sa anak mo, alam mo ang makakabuti sa kanya. Iwasang ihallintulad ang progress ninyo sa ibang mga pamilya.
Para mas maging magaan pa ang inyong buhay, nagbahagi rin ang Save the Children Philippines ng ilang mga simpleng laro at gawain na pwede ninyong subukan.
Mainam para sa isang linggo ang ibinahaging activities ng Save the Children Philippines—siguradong hindi maiinip ang mga anak mo.PHOTO BY Save the Children PhilippinesCONTINUE READING BELOWwatch nowPHOTO BY Save the Children PhilippinesPHOTO BY Save the Children PHILIPPINESADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTandaan, hindi extraordinaryong sitwasyon ang pinagdaraanan natin ngayon. Huwag mong i-pressure ang sarili mo na gampanan ang maraming bagay nang sabay-sabay. Humingi ka ng tulong kung kinakailangan.
What other parents are reading

- Shares
- Comments