-
Household Chores: Pinakamadaling Paraan Para Matuto Ang Bata Ng Right Values
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Maraming aral ang mapupulot ng bata sa gawaing bahay (household chores), at makakatulong ang mga ito pagtanda niya, ayon sa mga eksperto sa child development. Malasakit, responsibilidad, at ang halaga ng pagiging parte ng komunidad ang ilan sa kanyang matututunan.
Benepisyo ng household chores
Bitbit ng bata ang kaalaman sa gawaing bahay, halimbawa ang paglalaba ng damit at paghuhugas ng pinggan, na kakailangan niya hanggang pagtanda. Paliwanag pa ni Caroline Mendel, isang clinical psychologist sa Child Mind Institute, malaking tulong ang pagsasanay sa gawaing bahay pagbalik ng bata sa eskuwelahan at paglahok sa sports. Matuturuan kasi ang bata kung paano makipagtulungan sa kapwa at maging parte ng isang koponan.
Lumabas din sa ilang pag-aaral na kapag maagang natutunan ng bata ang gawaing bahay ay nagkakaroon siya ng bilib sa kanyang kakayahan, kumpiyansa sa sarili, at responsibilidad sa ibang tao.
What other parents are reading
Paano turuan ang bata ng gawaing bahay
Ang pag-aaral na ginawa ng University of Minnesota sa United States, halimbawa, sinabi ng 84 na kalahok na edad mid-20s na nagsimula sila sa gawaing bahay ng edad 3 o 4. Ngayon ay masasabing matagumpay sila base sa kanilang estado sa trabaho, mga relasyon, at hindi paggamit ng pinagbabawal na gamot. Samantala, iyong ibang mga kalahok na edad 15 o 16 na nagsimula sa gawaing bahay ay hindi kasing matagumpay.
May ilang paraan upang maging mas madali ang pagtuturo ng mga magulang at pagsunod ng kanilang mga anak sa gawaing bahay.
Gawing parte ng routine
Isama ang gawaing bahay sa mga regular na routine ng bata. Makakatulong ang suhestiyon ni Dr. Mendel na papiliin ang bata kung anong gawaing bahay ang gusto niya, gaya ng paghahanda o pagliligpit ng mesa. Pagkatapos, gumawa ng visual schedule o chart ng gawaing bahay na nakatakdang gawin ng bata kada araw o linggo. Maaari ring magkaroon ng family meeting para mas mapag-usapan ang mga dapat gawin ng bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaging specific sa ipapagawa sa bata
Imbes na sabihan ang bata, halimbawa, na maglinis ng kanyang kuwarto, bigyan siya ng mas tiyak na gawain tulad ng paglalagay ng mga laruan sa toy storage at pagbabalik ng mga libro sa bookshelf. Makakatulong ang mga ganoong partikular na gawain dahil hindi pa malinaw sa bata kung paano maglinis ng kanyang kuwarto.
Tinatawag na “shaping” ang pamamaraan ni Dr. Mendel sa pagtuturo ng bagong responsibilidad sa bata. Kung ito ay pagliligpit ng hinigaan, maaaring umpisahan mula sa pagtutupi ng kumot hanggang marating ang pag-aayos ng bedsheet. O di kaya unti-unting dalasan ang pagliligpit ng hinigaan mula isang beses kada linggo hanggang maging araw-araw.
Tutukan ang skill building
Ang pinakamainam na gawaing bahay ay iyong magagamit nang husto ng bata paglaki niya, lahad ni Stephanie Lee, Doctor of Psychology at pinuno ng ADHD and Behavior Disorders Centers sa Child Mind Institute.
Maaaring magsimula ang preschooler ng gawaing bahay sa pamamagitan ng pagliligpit ng kanyang mga laruan. Iyong nasa elementary school, kaya nang tumulong sa paglalaba, pagliligpit ng mesa, paghuhugas ng pinggan, at paghahanda ng pagkain.
Para naman sa mga older kids, bigyan kaugnayan ang gawaing bahay sa napipintong pagiging independent nila. Mas gaganahan silang mag-asikaso ng kanilang pagkain, halimbawa, kung sasabihan na makakapagluto sila ng paboritong ulam kapag nag-aral na siya sa college at tumira sa dorm.
Sa ganitong paraan, paliwanag ni Dr. Lee, mas magiging bukas at magaan ang gawaing bahay para sa mga bata at teenager na intindihan at sundin.
Magbigay ng reward para sa kanyang effort
CONTINUE READING BELOWwatch nowKapuri-puri ang batang tumutulong sa gawaing bahay dahil iyon ang tamang gawin, pero hindi lahat ng mga bata ay may kusang kumilos. Kaya hindi masamang ideya ang pagbibigay ng reward o premyo para maengayo ang bata, ayon kay Dr. Lee.
Pero dapat mapagkasunduan ng magulang at kanyang anak ang pagkakaroon ng reward system para maging proactive o magkusang kumilos ang bata. Kapag kasi kumikilos lang ang bata sa tuwing sinasabihan na may kapalit na premyo, nagiging reactive lamang ito na tumatanggap ng bribery.
Magpataw ng consequences
Inaasahan na ang pagtanggi ng bata sa gawaing bahay, kaya mahalaga na huwag hayaan ng magulang na sumama ang loob ng bata o lumala pa ang sitwasyon. Paalala ni Dr. Mendel na kalmadong sabihan ng magulang ang anak na hindi ito mabibigyan ng school allowance dahil hindi sinunod ang nakatokang gawaing bahay.
Kung ang gawaing bahay ay ang paglalaba ng uniform, maaaring sabihan ang bata na wala na siyang malinis na uniform dahil sa hindi niya pagkilos. Isang paraan ito para matutunan ng bata ang consequences o kahihinatnan ng kanyang mga desisyon at nawa’y magkaroon siya ng accountability.
Payo pa ni Dr. Mendel sa magulang na bigyan ng encouragement ang anak na gawin ang tama sa susunod na pagkakataon para hindi na ipagliban nito ang gawaing bahay. Maaaring sabihin ng magulang na may tsansa pa ang anak sa darating na linggo para sa gawaing bahay at makuha ang school allowance. Idiin din sa bata na kaya nitong gawin ang nararapat.
What other parents are reading

- Shares
- Comments