embed embed2
Pasaway Ang Anak? 5 Paraan Para Hindi Maubos Ang Pasensya
PHOTO BY Shutterstock
  • Kung sa tingin mo ay likas na matigas ang ulo at pasaway ang anak, marahil nagawa mo na ang lahat ng paraan para disiplinahin siya. Pero bago pa maubos ang iyong pasensya, maaari mong subukan ang iba pang mga paraan mula sa Today's Parent.

    Bigyan ang sarili ng time out

    Hindi maiiwasan na sumigaw at magalit kapag ayaw kang pakinggan ng anak. Pero bago pa masagad ang iyong pasensya, subukan na lumabas muna ng kuwarto. Huminga nang malalim o di kaya makinig muna sa musika na alam mong nakakakalma sa iyo.

    Puwede mo ring tignan ang family album ninyo at balikan ang mga panahon na tuwang-tuwa ka sa anak. Makakatulong ito para mabawasan ang iyong inis habang tinitignan ang cute photos ng bata.

    Ipalakpak mo lang iyan

    Kung hindi makalabas ng kuwarto para magpalipas ng inis sa kakasaway sa anak, subukan na pakalmahin ang sarili. Ika nga ng isang nursery song, kahit hindi ka happy sa mga oras na ito, "Clap your hands!" Maaari raw makatulong ang physical release na nagagawa habang pumapalakpak para makawala rin ang iyong inis. Baka sabayan ka pa ng anak sa pagpalakpak at magkabati na kayo.

    Umasta na Disney princess

    Bago pa uminit ang ulo mo, bakit hindi mo raw subukan na gawing light moment ang sitwasyon. Bilang mommy o kahit daddy sa isang little girl, kunwari maging isa kang Disney princess na paborito niya o ninyo. Baka matuwa at pakinggan ka ng anak.

    Magtanong sa anak

    Subukan din daw kausapin ang anak at tanungin kung bakit ka naiinis sa kanya. Sa kanyang paraan, may posibilidad na makinig ang bata at sundin ang sinasabi mo sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Humingi ng tulong

    Kung hindi mo na talaga kayang magtimpi, maaaring humingi ng tulong sa iyong asawa o iba pang kasama sa bahay. Sa kanila muna ipasa ang anak nang hindi masaid ang iyong pisi.

    (Para sa iba pang tips, basahin dito at dito.)

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles