embed embed2
Ultimate Guide: Paano Pumili Ng Tamang Preschool Para Sa Iyong Anak
PHOTO BY ADOBE STOCK
  • Ang paghahanap ng preschool para sa iyong anak ay isang mahalagang desisyon na kailangang mabigyang-pansin ng bawat magulang. Ang preschool ay ang unang hakbang sa edukasyon ng iyong anak, kung saan sila unang natututo ng mga pangunahing kasanayan at nagkakaroon ng mga mahahalagang karanasan sa pag-aaral. Ito ay isang yugto sa buhay ng bata na magbibigay ng pundasyon para sa kanilang kinabukasan. Sa gayon, nararapat na magkaroon ang bawat magulang ng kaalaman at gabay upang matiyak na makakahanap tayo ng pinakamahusay na preschool para sa ating anak. Narito ang ultimate guide upang maging handa sa prosesong ito.

    Tukuyin ang iyong mga layunin 

    Bago maghanap ng preschool, mahalaga na malinaw sa iyo kung ano ang mga layunin at values na nais mong mabigyang diin. Tanungin ang iyong sarili kung ano ang mahalaga sa iyo sa isang preschoolmaaaring ito ay malasakit sa indibidwal na pangangailangan, pagpapalakas ng kasanayan sa sosyal at pangkaisipan, o pagpapalakas ng pangangatawan. Ang pagkakaroon ng malinaw na pang-unawa sa iyong mga layunin at values ay tutulong sa iyo na magpasiya at makahanap ng preschool na angkop dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Alamin ang mga values at pananaw ng paaralan

    Mahalaga rin na hindi lamang ang iyong values ang binibigyang isip mo kundi maging ang sa paaralan. Bago ka magdesisyon, mahalaga na alamin mo ang mga values at pananaw ng preschool. Tingnan kung ang mga ito ay naaayon o akma sa inyong sariling mga paniniwala. Mabuti ring malaman kung ang mga values ng paralan ay magpapalakas ng moral at pangkaisipang pag-unlad ng inyong anak. Tiyakin na ang paaralan ay nagbibigay ng respeto sa lahat ng uri ng kultura, relihiyon, at mga pangkat ng tao.

    Tiyakin ang kalidad ng edukasyon

    Napakahalagang hakbang sa paghahanap ng preschool ang pagtiyak sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng paaralan. 

    Mahalaga na alamin mo ang mga programa at curriculum na inaalok ng preschool na iyong pinag-iisipan. Tukuyin kung ang kanilang curriculum ay may balanse sa akademiko at play-based na pagkatuto. Tingnan ang kanilang at mga aktibidad na kanilang inilalaan sa araw-araw na takdang-oras. Siguraduhin na ang programa ay balanse at nagbibigay-halaga sa pag-unlad at oportunidad para sa sosyal na interaksiyon, pagkakaroon ng kaibigan, at pagpapaunlad ng mga kasanayang panlipunan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Siguraduhin din na ang kanilang mga programa ay naglalayong magbigay ng malawak na kasanayan sa iyong anak tulad ng Wika, Matematika, Agham, Sining, at Pisikal na Edukasyon. 

    RELATED: Make These Your Top Considerations When Looking for A Preschool

    Tignan ang kalidad ng mga guro at kawani

    Ang mga guro at kawani ng preschool ay magiging mga tagapagturo at katuwang ng iyong anak sa kanilang paglaki at pagkatuto. Mahalaga na makita mo ang mga kwalipikasyon, karanasan, at training ng mga ito. 
    Bisitahin ang mga kwalipikasyon ng mga guro. Alamin ang background nila. Mabuting malaman ang tungkol sa kanilang edukasyon, karanasan sa pagtuturo, at mga sertipiko. 

    Tandaan, ang mga guro na may kahusayan sa pagtuturo sa preschool ay malaking bahagi sa pag-unlad ng bata kung kaya't mahalagang sangkap ito sa pagpili ng isang magandang preschool.

    Alamin din kung paano nila tinuturuan at hinahandle ang mga bata. Mahalaga na maging komportable ka sa kanilang mga pamamaraan at pag-aalaga sa iyong anak. Isang pamamaraan paano ito malaman ay magtungo sa mga preschool at mag-observe sa interaksyon ng guro at mag-aaral. Ang isa sa mga dapat siyasatin ay ang pamamaraan ng pag-aalaga ng guro at ang kanyang kakayahang makisama sa mga bata. Sila dapat ay maunawain, magiliw, at may kakayahang magbigay ng suporta sa pag-unlad ng bata. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    RELATED: Occupational Therapist Shares 18 Activities to Get Your Child Ready for Preschool

    Tiyakin din na ang preschool ay may sapat na bilang ng guro at kawani upang magbigay ng pansin at alaga sa bawat bata. Mahalagang alamin ang ratio ng guro sa bata upang matiyak na ang bawat bata ay mabibigyan ng tama at sapat na atensyon.  

    Tignan ang mga pasilidad

    Isang mahalagang hakbang sa paghahanap ng preschool ay ang personal na pagdalaw sa mga paaralan na iyong pinagpipilian. Bisitahin ang mga pasilidad at tingnan kung ang mga ito ay malinis, ligtas, at kaaya-aya para sa isang bata.

    Suriin din kung may sapat na mga palaruan at materyales na makatutulong sa pag-unlad ng iyong anak. Dapat ding maging kumportable ang kapaligiran, at nararapat na mayroong espasyo para sa pisikal na aktibidad at mga learning activities.

    Magkaroon ng sapat na pagpipiliian

    Ipinapayo na simulan ang paghahanap ng preschool sa pamamagitan ng malawakang pagsasaliksik. Maaaring magsimula sa pagbabasa ng mga online reviews at pagkuha ng mga rekomendasyon mula sa mga kaibigan, kapitbahay, o kakilala. Mahalagang tandaan na bawat bata ay iba-iba, kaya't dapat mong malaman kung aling preschool ang may mga programang angkop sa iyong anak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mainam na hindi lamang iisa ang nasa isip mo sa paghahanap ng pag-aaralan ng inyong anak.  Makabubuti kung may dalawa o higit ka pa sa iyong listahan upang sapat ang mga datus mo sa pagpili.

    Mahalaga ring i-consider na ang paaralang napupusuan mo ay malapit lamang sa inyong tahanan. Importante ito upang hindi ganoong mahirapan ang bata sa paggising, pagbyahe, at pagpasok. 

    RELATED: PHP 800 And Up: Parents Recommend Tracking Devices For Young Kids To Wear To School And Out

    Suriin ang mga sanggunian at rekomendasyon

    Maaaring makatulong ang pagtingin sa mga sanggunian at rekomendasyon mula sa ibang mga magulang. Maaari kang humingi ng feedback at karanasan ng mga magulang na may karanasang nagpadala ng kanilang mga anak sa preschool na inyong tinitingnan. Ang kanilang mga saloobin at karanasan ay magbibigay sa inyo ng mas malalim na pag-unawa sa kalidad ng paaralan at kung ito ay angkop para sa inyong anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makipag-usap sa mga guro at pangasiwaan

    Isang mahalagang hakbang ay ang makipag-usap sa mga guro at pangasiwaan ng preschool. Magkaroon ng isang panayam o pag-uusap upang malaman ang kanilang mga pamamaraan, paniniwala, at mga programa. Makipag-ugnayan sa kanila at tanungin ang mga katanungan na mayroon kayo. Magtanong tungkol sa mga estratehiya sa pagtuturo, sa pamamaraan ng pag-handle ng mga kaso ng pang-aabuso o di-pagkakasundo, at kung paano nila tinutulungan ang mga bata na magtagumpay sa kanilang preschool journey. Hindi lamang sapat na base lamang sa nababasa at nasabi ng iba ang iyong mga inpormasyong nakalap. Iba pa rin talaga ang nakikita at nakasasalamuha ang mga guro at tagapangasiwa.

    Mag-conduct ng personal na pagbisita

    Ito ang isa sa pinakamahalagang hakbang sa pagpili ng preschool. Mag-set ng personal na pagbisita sa mga preschool na nasa inyong listahan. Obserbahan ang kapaligiran, tingnan ang mga pasilidad, at masubaybayan ang mga guro at mga bata sa kanilang araw-araw na gawain. Sa pamamagitan ng personal na pagbisita, makakakuha kayo ng mas malalim na kaalaman tungkol sa preschool at maipapasya ninyo kung ito ba ang pinakangkop para sa inyong anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tukuyin ang mga kahalagahan sa seguridad at kaligtasan

    Isa pang mahalagang aspeto na dapat tignan din ay ang seguridad at kaligtasan ng paaralan. Siguraduhin na ang pasilidad at mga kapaligiran ng preschool ay ligtas para sa mga bata. Tingnan ang mga patakaran at mga hakbang na kanilang ginagawa upang masiguro ang proteksyon ng mga bata mula sa anumang uri ng kapahamakan o panganib. Mahalaga rin na mayroong mga emergency procedures at kasanayan sa first aid ang mga guro at kawani ng paaralan.

    Pagpili ng preschool para sa inyong anak

    Ang paghahanap ng tamang preschool para sa inyong anak ay isang malaking responsibilidad at mahalagang desisyon na dapat pagtuunan ng pansin. Ang preschool ang unang hakbang ng inyong anak sa mundo ng edukasyon, kung saan sila unang natututo ng mga pangunahing kasanayan at nagkakaroon ng mga mahahalagang karanasan sa pag-aaral. 

    Sa huli, ang paghahanap ng preschool ay isang proseso na dapat pagtuunan ng oras at pagsisikap. Mahalaga na ang napili ninyong preschool ay tumugma sa inyong mga kailangan at inaasahan para sa edukasyon ng inyong anak. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gabay na nabanggit, makakasiguro kayo na ang preschool na inyong pipiliin ay magbibigay sa inyong anak ng magandang pundasyon para sa kanilang kinabukasan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close