-
Screen Dependency Disorder: Paano Nagdudulot ng Brain Damage ang Labis na Screen Time
by Lei Dimarucut-Sison .
- Shares
- Comments

Ang kahalagahan ng pagli-limit ng screen time ng ating mga anak ay palaging ipinapaalala ng SmartParenting.com.ph. Ayon sa pinakahuling patnubay mula sa American Academy of Pediatrics (AAP), isang oras lamang sa isang araw ang maximum na screen time para sa mga batang edad 2 hanggang 5 taong gulang. Ang mga baby na 18 months pababa ay ni hindi dapat hinahayaang gumamit ng gadgets.
Marami nang mga pag-aaral ang nagpapakita na ang labis na paggamit sa mga screens gaya ng TV, computer at laptop, tablet, at mobile phone ay maaring magdulot ng pinsala sa mga bata, kasama na ang problema sa pagtulog at pagbigkas ng unang salita, sa pakikisalamuha sa ibang tao, at sa pag-develop ng utak. Base sa pinakabagong pagsasaliksik, ang tuloy-tuloy na paggamit ng mga gadgets ay maaring mauwi sa “Screen Dependency Disorder.”
Ang Screen Dependency Disorder o SDD ay tumutukoy sa “addictive” na epekto ng paggamit ng screens, ayon kay Dr. Aric Sigman, isang US-based psychologist na sumulat ng pag-aaral na pinamagatang Screen Dependency Disorders: A New Challenge for Child Neurology. Ito ay may kaugnayan din sa Internet Addiction Disorder.
What other parents are reading
Ayon kay Claudette Avelino-Tandoc, isang Family Life and Child Development specialist at Early Childhood Education Consultant, maaring magkaroon ng SDD kahit ang mga batang 3 o 4 na taon pa lamang. Sa pamamagitan ng e-mail interview, ipinaliwanag ni Avelino-Tandoc sa Smart Parenting na ang mga batang may SDD ay iyong mga pagkagising pa lamang ay gagamit na agad ng kanilang gadget, at iyong nakatutok pa din sa screen habang kumakain sa hapag-kainan at naglalaro ng games, nanonood ng shows, o kaya ay gumagamit ng apps.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga pisikal na sintomas ng SDD ay ang mga sumusunod: hirap matulog, pananakit ng likod, kapansin-pansing pagdagdag o pagbawas ng timbang, problema sa mata, at pananakit ng ulo. Sa emosyonal na aspeto, ang mga mayroong SDD ay mapapansing may anxiety, guilt, pagkalungkot, at dishonesty. Karamihan sa mga mayroon nito ay pinipiling mapag-isa, kadalasan ay may mood swings, at hindi mapakali, ayon pa kay Avelino-Tandoc.
Ayon pa sa pagsasaliksik ni Sigman, ang mga batang addicted sa screen ay kakikitaan ng mga sumusunod na pag-uugali: kakayahang gumamit ng gadgets nang matagalan, pagtanggi na itigil o bawasan ang oras ng paggamit ng screen, pagsisinungaling tungkol sa haba ng oras ng paggamit ng gadget, kawalan ng interes sa ibang bagay bukod sa gadgets, at ang pagpilit sa paggamit ng gadgets sa kabila ng hindi magandang kahihinatnan nito.
What other parents are reading
Kung nagpapakita ng mga nasabing sintomas ang inyong anak, mainam na kayo ay makipagkita sa isang development pediatrician upang siya ay matingnan at masuri nang mabuti, ayon kay Avelino-Tandoc.
“They should also be alarmed when regular family routine or tasks cannot be performed by the child anymore because he or she cannot be ‘taken out’ from screen time,” she says. (Dapat ding ma-alarma kapag hindi na nagagawa ng bata ang mga dati nang nakasanayang gawain kasama ang pamilya dahil hindi na ito maawat sa paggamit ng screen).
“The parents or caregivers should supply the doctor with their child’s behavior as they have observed at home. He may also have his own set of tests and questions for both the parents and the child.” (Dapat ipaalam ng pamilya o tagapag-alaga sa doktor ang naobserbahan nilang asal ng bata sa bahay. Maari ding mag-usisa ang doktor sa magulang at sa bata.)
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng mga naunang pag-aaral ukol sa disorder na ito ay nagpapakita na ang mga mayroong SDD ay may “microstructural and volumetric differences in, or abnormalities of, both grey and white matter” sa utak, kumpara doon sa mga walang SDD, ayon kay Sigman.
Ang ibig sabihin, nagdudulot ng brain damage ang matagalang paggamit ng screens, ayon kay Avelino-Tandoc. Ito ay base sa mga pag-aaral kung saan ipinapakita kung paano naaapektuhan ng screen addiction ang utak ng mga bata: hirap gumana ang “impulse control” ( o ang bahagi ng utak ng tao na tumutulong na tapusin ang isang bagay), kasama ng kakayahan na magplano at mag-prioritize. Sinisira din ng SDD ang isang bahagi ng utak na tinatawag na “insula” na syang may kinalaman sa ating kakayahang maki-simpatya at intindihin ang kalagayan ng iba. Pinahihina din ng palagiang paggamit ng screens ang ating kakayahang umintindi ng bagong impormasyon at ang pagtupad sa mga simpleng gawain.
What other parents are reading
Gayunpaman, ipinaalala ni Avelino-Tandoc na maaring maiwasan ang SDD. “Devices or gadgets are not bad per se. They are useful and essential tools for communication, research, learning, entertainment, among other things. Parents are dealing with 21st-century learners, what we call ‘digital natives.’ They should allow their kids to manipulate these tools. However, balance is the key word,” she says. (Hindi masama ang device at gadget — ang mga ito ay kapaki-pakinabang at mahalaga sa pakikipagtalastasan, pagsasaliksik, pag-aaral, at paglilibang. Ang mga kabataan ngayon ay 21st-century learners, o mga lumaki sa digital age. Tama lamang na hayaan ng mga magulang na aralin kung paano gamitin ang mga teknolohiyang ito. Gayunpaman, kailangan ang tamang patnubay.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga magulang ang kailangang manguna sa paggabay sa tamang paggamit ng gadgets sa bahay. Dapat nilang mahikayat din ang kanilang mga anak sa mga gawaing magpapalakas sa kanilang pangangatawan, socio-emotional skills, at sa mga praktikal na kaalaman.
Halimbawa, imbes na mag-drawing gamit ang smartphone o tablet, maaring turuan ng magulang ang kanyang anak na magsulat, magkulay o mag-drawing gamit ang mga art materials. Kung paggawa naman ng structures ang hilig ng bata, maaring gamitin ang mga karton, blocks, at iba pang mga materyales na maaring pagpatung-patungin.
What other parents are reading
Higit sa lahat, dapat hikayatin ng mga magulang ang kanilang mga anak na makisalamuha nang “face-to-face” sa kanilang mga kakilala at kaibigan. Sabi ni Avelino-Tandoc, “Let them play outdoors so they can express themselves and with proper eye contact with their friends.” (Hayaan ang mga batang makipaglaro upang matuto silang makipag-usap nang may eye contact sa ibang tao). Hindi lamang nito palalakasin ang kanilang inter-personal skills, kundi pati na rin ang kanilang motor skills at creativity.
Tunay na mahirap i-manage ang screen time ng ating mga anak, ngunit hindi ito imposibleng gawin. Layunin lamang na mabalanse ang paggamit ng teknolohiya at mga praktikal na kaalaman, at hindi malayong kayo ay magtagumpay.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Screen Dependency Disorder Is Real, and It Damages Your Child's Brain.
What other parents are reading

- Shares
- Comments