Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Mga Pinasimpleng Baon Para sa Inyong Anak (at Iba Pang mga Ideya)
PHOTO BY @annings/Instagram; Royal Domesticity/Facebook
  • Ang pinapabaon ninyo sa inyong anak sa eskwela araw-araw ay tiyak na nakakatulong sa kanya upang lalong pagbutihin ang pag-aaral. Nagbibigay ito ng sapat na lakas at pinananatiling malusog ang pangangatawan. Sa paghahanda ng baon ng inyong anak, tandaan lamang ito: siguraduhing ang pagkain ay gusto ng inyong anak, masustansya, at madaling kainin.

    Ang masustansyang baon ay nakakatulong sa pagbibigay ng kinakailangang nutrients ng kanyang katawan para manatiling malusog at malakas. Upang masiguradong mauuubos ng inyong anak ang kanyang baon, narito ang ilang tips mula sa Harvard Health, at mga baon ideas mula sa mga Pinay moms.

    Mga tips para sa paghahanda ng baon

    1. I-check kung mayroon itong "the five"

    Ang "the five" ay binubuo ng mga grains (tinapay, kanin, pasta, o cereal), prutas, gulay, karne, at dairy (gatas o keso). Ang isang masustansya at balanseng pagkain ay nagtataglay ng mga ito, ayon sa Harvard Health.
    Isiping ang "the five" ay ang paboritong superheroes ng inyong anak. Ang bawat isa ay mayroong natatanging kontribusyon (enerhiya, bitamina, nutrients, at iba pa) at kapag pinagsama-sama ay nakalilikha ng lakas. Maaari ninyo itong ipaliwanag sa ganitong paraan sa inyong anak upang maengganyo siyang ubusin ang kanyang baon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Baon idea:

    • ham and cheese sandwich
    • orange (nabalatan na; ilagay sa container)
    • carrot at pipino (na hiniwa sa maliliit na piraso; maaaring magdagdag ng sawsawang cream cheese)
    • maliit na karton ng gatas

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Ang mga sandwich ay hindi mawawala sa listahan 

    Ito ang madalas na hinahanda ng mga mommies dahil simple at mabilis lang itong gawin. Maliban dyan, maraming paraan sa paggawa nito.

    Payo ng Harvard Health, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang bagay sa sandwich ay maaari na itong maging espesyal. Halimbawa, imbes na tasty ay gumamit ng malunggay bread o whole wheat bread. Pagdating naman sa palaman, ang egg salad, tuna at keso, o peanut butter na mataas sa protina ay magandang alternatibo sa dating palaman.

    Baon tip: Kung hindi kinakain ng inyong anak ang kanyang sandwich, hiwain ito sa maliliit na bahagi o sa iba't ibang hugis para mas mahikayat siyang ubusin ito. Maliit na bagay lamang ito, pero maaring epektibo!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    3. Mas matipid at masustansya ang baon kung ikaw ang maghahanda nito

    Mas mangangailangan ng effort at oras ang paghahanda ng baon ng inyong anak pero tiyak na mas marami ang buting maidudulot nito. Ayon sa Harvard Health, “Avoid prepackaged, convenience foods, which tend to be high in fats, and especially those with saturated and trans fats. It is usually cheaper, healthier and smarter to make similar items with your own ingredients.” (Iwasan ang prepackaged, convenience foods dahil mataas ang taglay nitong fats, lalo na ang saturated at trans fats. Mas tipid, masustansya, at wais na gawin ito gamit ang inyong napiling mga sangkap."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Baon tip: Sa halip na bumili ng pakete ng cheese-flavored crackers sa grocery store, bumili na lang ng pakete ng biskwit at cream cheese o bote ng peanut butter upang ikaw mismo ang maghanda nito. 

    4. Maghanda ng pagkaing madaling kainin

    Isang posibleng dahilan kung bakit hindi nakakain ng inyong anak ang kanyang baon, gaya ng mansanas, ay dahil sa mahirap itong nguyain. Tandaang ang break time sa paaralan ay hindi lang nakalaan para sa kanyang pagkain, oras din ito para makipaglaro sa kanyang mga kaklase. Maaring hindi niya pansinin ang baon na mahirap kainin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa mas maliliit na bata, hiwain sa mas maliliit na piraso ang pagkain. “Peeling and slicing fruits and vegetables at home often make them easier to eat at school,” (Nakakatulong ang pagbalat at paghiwa sa mga prutas at gulay upang madali nilang makain ang kanilang mga baon) ayon sa Harvard Health. “A child with a loose front tooth could eat apple slices but not easily bite into a whole apple.” (Kung may umuugang ngipin ang bata, maaari pa rin niyang kainin ang mansanas na pinagpira-piraso, ngunit hindi ang buong mansanas.) Hiwain ang karne, gaya ng pork chop, sa maliliit na bahagi.

    Baon tip: Ilagay ang pira-pirasong prutas sa maliit na container. Ugaliin ang paglalagay ng prutas sa lunchbox ng inyong anak araw-araw. Ang makukulay na pang-disenyo sa pagkain ay mas makaka-engganyo sa kanyang kainin ang baon niya..

    Ang saging at mansanas ay maaaring magkulay brown kapag hiniwa at ipinabaon, pero ang mga prutas gaya ng orange, pinya, melon, ubas (hatiin ito sa gitna!), at pakwan ay mananatili pa ring sariwa kahit na ilagay sa baunan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    5. Alamin ang opinyon ng inyong anak!

    Kung hindi inuubos ng inyong anak ang kanyang baon, tanungin siya nang maayos kung bakit. Pakinggan kung mayroon siyang suhestiyon sa mga pagkaing nais niyang baunin. Ayon sa Harvard Health, “Involve your child in deciding what to make for lunch together. He is more likely to eat his lunch if he has helped prepare it,” (Kunin ang opinyon ng inyong anak tungkol sa kanyang baon. Mas bibigyang-pansin niya ito kung kasama siya sa pagpaplano nito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “You just have to listen to your child,” (Makinig sa inyong anak) sabi ni mommy Twinkle Lacsamana na nagbahagi ng kaniyang mga inihandang baon sa Instagram. “Find out what they want, and if they want something that is not what you like for them (a.k.a. too much junk food), you compromise. And be creative—you don’t need to have the skills or talents of a chef, but you just have to make time—make time for talking with your child, for sourcing out the items and, of course, for preparation,” (Alamin kung ano ang gusto niya at magkasundo sakaling mayroon siyang gusto na ayaw mo para sa kanya, gaya ng junk food. Maging malikhain - hindi kailangang magkaroon ng abilidad o talento sa pagluluto; kailangan lamang bigyan ng oras. Maglaan ng oras para kausapin ang inyong anak, para maghanap ng mga sangkap, at para ihanda ang kanilang baon) dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Here's A Simplified Baon Guide for Growing Kids (Plus Ideas for Inspiration!)

    Mas gaganahang kumain ang inyong anak kung maganda ang baunan niya, gaya nito!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles