;
embed embed2
  • Tables And Chairs Pang Homeschooling, Narito Ang Mga Rekomendasyon Ng Mga Nanay

    Kumpleto na ba ang mga gamit ng anak mo para sa distance learning?
    by Ana Gonzales .
Tables And Chairs Pang Homeschooling, Narito Ang Mga Rekomendasyon Ng Mga Nanay
PHOTO BY @mobelph / Instagram and @happykiddosph / Facebook
  • Kamakailan nga ay hiningi ng Department of Education (DepEd) ang tulong ng mga magulang para maipagpatuloy ng mga kabataan ngayon ang kanilang pag-aaral sa kabila ng banta ng COVID-19.

    Agad namang tumalima ang mga magulang. Marami sa kanila ang nagsisimula nang mag-ipon ng mga gamit para makapag-aral ang mga anak nila sa bahay.

    Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, marami nang mga nanay ang nagtatanong kung anu-ano ang mga matitibay na gamit na pwedeng bilhin—sinimulan nila ito sa study table o table and chairs na pwede sa mga bata. Narito ang ilan sa kanilang mga rekomendasyon.

    What other parents are reading

    Tables and chairs na pang homeschooling

    The LÄTT mula sa IKEA

    Nagustuhan ng mga nanay ang lamesang ito mula sa IKEA reseller na mobelph (Instagram: @mobelph)

    Gawa ito sa pine wood kaya sigurado kang matibay. Nagkakahalaga ito ng Php2,500. Ang isang set ay may kasama nang dalawang upuan.

    Happy Kiddos PH

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang mga nanay din ang nagrekomenda ng Happy Kiddos PH (Facebook: @happykiddosph).

    Nagkakahalaga ng Php2,700 ang isang set nila ng lamesa at dalawang upuan.

    What other parents are reading

    Pamama

    Kung gusto mo naman ng lamesa at upuang adjustable para mas matagal na magamit ng anak mo, pwede kang bumili mula sa Pamama (Facebook: @pamama.ph).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagkakahalaga ng Php3,499 ang kanilang classic set, habang Php4,999 naman ang Birch nila na set.

    Pwede kang pumunta sa kanilang website para sa iba pang detalye.

    Manilakidz.ph

    Multipurpose naman ang offer na lamesa ng manilakidz.ph.

    Mukhang enjoy naman ang mga bata sa paggamit ng mga tables and chairs nila.

    What other parents are reading

    Mandaue Foam

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa sa mga madalas na irekomenda ng mga nanay ang Mandaue Foam. Kilala na kasi ito na reliable at magandang bilihan ng furniture.

    Pumunta ka lang sa kanilang website para sa mga available na lamesa. Pwede mong subukan ang kanilang Darcy Kids Table na nagkakahalaga ng Php1,050.

    What other parents are reading

    Ayon sa mga nanay, ilan lamang ang mga ito sa mga subok na nilang bilihan ng furniture at lamesa para sa kanilang mga anak.

    Maganda rin kung may sariling gamit ang mga anak mo ngayong sa bahay muna sila pansamantalang mag-aaral. Mas nakakaengganyo kasi kung ang mga gamit nila'y akma sa kanilang laki.

    Kayo? Nakabili na ba kayo ng upuan at lamesa ng mga anak ninyo? Saan ninyo nabili at magkano? I-share niyo lang sa comments section.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles