embed embed2
  • 'Needs Improvement' Ba Ang Reading Skills Ng Anak Mo? Turn On Subtitles!

    Maaaring mahasa ang reading skills ng mga anak mo dahil dito.
    by Ana Gonzales . Published Mar 10, 2021
'Needs Improvement' Ba Ang Reading Skills Ng Anak Mo? Turn On Subtitles!
PHOTO BY Shutterstock/Vach cameraman
  • Maraming mga magulang mula sa aming online community ang nagtatanong kung paano ba nila mahihikayat ang kanilang mga anak para mawili sa pagbabasa.

    Tinalakay na namin ito sa mga nauna nang Smart Parenting articles tungkol sa pagbabasa. Ayon sa isang mommy na nagbahagi ng kanyang karanasan, malaking tulong ang pagkakaroon nila ng book nook sa bahay para lumaking book lover ang mga anak niya.

    Payo naman ng isang reading expert, bawat bata ay iba-iba ang rate ng development. Natututo sila sa sarili nilang bilis. Ibig sabihin, sa iba-ibang edad o panahon din sila matutuong magbasa.

    Ayon naman sa iba, mabisang paraan din ang paulit-ulit na pagbabasa ng parehong libro para matuto ang anak mo. Makakatulong din kung ikaw mismo ang babasa sa kanila at kung madalas mong isasama sa routine ninyo ang pagbabasa ng mga libro.

    Ano ang kampanyang 'Turn On The Subtitles'?

    Bukod pa sa mga nabanggit, may mga pag-aaral ding nagpapatunay na malaki ang maitutulong ng paglalagay ng mga subtitles sa mga paboritong panoorin ng mga anak mo.

    Ayon sa BBC, nakakatulong ang paglalagay ng subtitles para maengganyo ang anak mo na magbasa.

    Sa isinagawa nilang eye-tracking research, nakita nila na mayroong automatic reading responses ang mga taong nanonood nang may subtitles. Ibig sabihin, hindi napipigilan ng ating mga mata at ng ating mga utak na basahin ang mga subtitles na nakikita natin.

    Marami pang supporting studies ang Belgian professor na si Géry van Outryve d'Ydewalle tungkol dito.

    Ayon pa sa kanya, para matutong magbasa ang anak mo, kailangang lagi siyang nagpa-praktis. Para maengganyo siyang mag-practice, kailangan siyang ma-expose sa mga tinatawag na high-interest content o iyong mga content na talaga namang kagigiliwan niyang pakinggan, makita, o panoorin.

    Paano ang screen time ng anak ko kung hahayaan ko siyang manood ng TV?

    Hindi mo ipagsasawalang bahala ang screen time ng anak mo. Kung 30 minutes o mas mababa ang oras na pwede siyang manood, ayos lang ito. Ang iminumungkahi ng mga eksperto, gaano man kahaba o kaikli ang screen time ng anak mo, pwede mo itong gamiting oportunidad para matuto silang magbasa—sa pamamagitan ng subtitles.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikonsidera mo rin ang edad ng anak mo kapag sinimulan mo siyang turuang magbasa. Habang maliit pa siya, mas mag focus ka sa mga libro at felt books na siguradong maeengganyo siyang hawakan.

    Habang lumalaki siya ay magbabago rin ang tagal ng oras na pwede niyang gugulin sa harap ng mga gadgets. Dito mo na pwedeng ipasok ang 'Turn on the Subtitles' campaign.

    Simple at libre ang kampanyang ito. Bukod pa riyan, hindi lang mga anak mo ang matututo kundi pati na rin ikaw.

    Ayon pa sa mga eksperto, kung hindi maiwasan ang paggamit ng gadget sa bahay ninyo, ngayon ay may subtitles nang maaaring makatulong sa pagi-improve sa pagbabasa ng anak mo.

     

    ***

    Ikaw, anong techniques ang gamit mo para matutong magbasa ang mga anak mo? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring magbahagi sa mga kapwa mo nanay sa pamamagitan ng pagsali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close