embed embed2
Viral Video Pranks Na Ginagawa Ng Mga Magulang, Anong Masamang Epekto Sa Bata?
PHOTO BY Shutterstock/Mcimage
  • Hindi maikakaila na madalas, maraming ginagawang nakakatawa at cute ang mga bata. Kaya naman basta't laging handa ang cellphone mo, siguradong makakakuha ka ng maaaring maging viral video.

    Pero kamakailan, ilang mga viral video trends ang mukhang nakakatawa, pero kung susuriin, baka may masamang maidulot pa sa mga bata.

    Narito ang tatlong viral video pranks na maaari mong suriin para makita kung nakakatuwa ba o makakasama sa mga anak mo.

    Ang Halloween candy prank

    Iba ang Trick or Treat sa ating bansa kung ikukumpara mo siya sa mga bansang tulad ng U.S.—ngunit, pareho ang idea. Makakakuha ng mga candies ang mga bata, na pwede nilang i-enjoy kinabukasan.

    Ngunit sa isang viral video prank, magsisinungaling ka sa anak mo na kinain mo ang mga Halloween candies niya at saka mo i-vivideo ang kanyang reaction.

    Kung papanoorin ang video, nakakatawa nga naman ito dahil iba-iba ang reaksyon ng mga bata. May naiiyak, may nagagalit, at may nagsasabing okay lang kahit naubos ang candy.

    Ngunit ayon sa child psychologist na si Meg van Achterberg, ang pagsisinungaling sa iyong anak ay may masamang epekto.

    Ayon kay Achterberg, ang mga bata sa video ay nagagalit at umiiyak, hindi dahil naubos ang kanilang candy, kundi dahil pakiramdam nila ay dinaya sila ng kanilang mga magulang.

    Ang pakiramdam na ito ay maaaring maiwan sa anak mo hanggang sa paglaki niya.

    Ang "Shut Up" prank

    Sa 'Shut Up Prank' naman ay magkakuntsaba ang isang magulang at ang anak para i-prank ang isa pang magulang.

    Ang gagawin: Uutusan ni Parent 1 ang bata at sisigaw naman ang bata ng 'shut up!' Ivi-video ang magiging reaksyon ni Parent 2.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makikita sa mga videos na may mga magulang na nagagalit, may mga nagugulat, at may mga nagtataka.

    Ang tanong, okay lang bang matutunan ng anak mo na pwede ka nilang sabihan ng 'shut up?'

    May ilang magsasabing pagpapaliwanagan naman nila ang anak nila na prank lang iyon, ngunit ayos lang bang mamulat ang mga mata ng mga anak mo sa ganitong mga klase ng biro?

    Ang 'Imaginary Knocks' prank

    Sa isang viral video na ipinost sa Reddit ng user na hindi rin kaaya-aya ang username ay makikita mo ang isa nanamang prank ng mga magulang sa kanilang anak.

    Tinawag itong 'Imaginary Knocks' dahil lolokohin mo ang anak mo na nauntog siya. Kakatok sa nang malakas sa kahoy at saka mo aaluin kunyari ang anak mo dahil kunyari ay nauntog siya kaya may narinig kayong 'knocks.'

    Makikita sa video na kapag nagsimula ka nang aluin ang bata, agad-agad itong iiyak na para bang nauntog nga siyang talaga.

    Ayon kay Dr. Harvey Karp, nangyayari ito dahil ginagaya ng bata ang emosyon na nakikita niya sa kanyang mga magulang—ito ang tinatawag na 'emotional contagion.'

    Bagaman hindi itinuturing ni Dr. Karp na emotional abuse ang ginagawa ng mga magulang sa naturang video, sinabi niyang wala pa ring mabuting nagagawa ito.

    Paliwanag niya, kung ganitong klase ng mga biro ang ituturo mo sa anak mo na nakakatawa, dadalhin niya ito hanggang sa kanyang paglaki.

    Samantala, ayon sa National Society for the Prevention of Cruelty of Children, maaaring emotional o physical abuse kapag sinasadyang takutin ang bata.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ano man ang dahilan mo para subukan o gawin sa mga anak mo ang mga viral video trends na ito, makabubuting isipin muna ang magiging epekto sa kanila.

    Minsan kasi, hindi natin nakikita na ang nakakatawa pala sa ating matatanda ay maaaring hindi pa ligtas at hindi lubos maintindihan ng mga bata.

    May ibang viral videos ka pa bang napanood na tingin mo ay hindi dapat ginagawa sa mga bata? I-share mo na iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makapanood ng videos ng mga videos na masaya at hindi ikapapahamak ng mga bata.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close