embed embed2
  • Huwag Mabahala Agad Kung May ‘Weird’ Behavior Ang Anak Ngayong Quarantine

    Nakakahanap ng paraan ang mga bata para maglabas ng nararamdaman.
    by Jocelyn Valle .
Huwag Mabahala Agad Kung May ‘Weird’ Behavior Ang Anak Ngayong Quarantine
PHOTO BY Shutterstock
  • Maaaring iba-iba ang reaction ng mga bata sa isolation na dulot ng COVID-19 pandemic, ayon sa mga eksperto. Sa lampas isang taon na limitado ang paglabas-labas ng bahay at interakyon sa ibang tao, nakakahanap ng paraan ang mga bata para maglabas ng saloobin.

    Kuwento ng isang mommy sa social media, halimbawa, biglang naghalungkat ng school bag ang anak tapos umiiyak. Nang magtanong siya kung bakit, sagot ng bata na nakikita niya sa school bag ang “good memories” dahil nami-miss na niya ang mga kaeskuwela at kaibigan.

    Sagot ng isa niyang social media follower na special education teacher, mainam daw na nagsasabi ang bata ng nararamdaman. Payo pa ng guro na mag-setup ng virtual playdates para sa bata at mga kaibigan nito.

    Self-expression ng bata

    Sa kabilang banda, ibinahagi ni Dr. Matt Albert, Ed.D., ang nao-obserbahan niyang “odd behavior” ng kanyang mga anak. Aniya sa kanyang artikulo sa Psychology Today, bigla daw sumasayaw ang mga bata na tila “lunatics.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang makausap ni Dr. Albert ang child psychologist na si Katie Lear, ipinaliwanag sa kanya na posibleng ginagamit ng mga bata ang kanilang imagination para maaliw at makalinga ang sarili.

    Dagdag ng child psychologist na “perfectly normal” na makitaan ang mga bata na gumagawa ng “idiosyncratic, funny imaginative play.” Dahil daw maraming pagbabago ngayong pandemic, hindi kataka-taka na gumawa ang mga bata ng sarili nilang “narratives” tungkol sa “new reality” na ginagalawan nila.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bored ang anak?

    Sa pagpapatuloy ng artikulo ni Dr. Albert, ibinahagi naman niya ang paliwanag ng isa pang child psychologist na si Dr. Jessica Myszak. Sabi raw ni Dr. Myszak, may dalawang dahilan kung bakit nagpapakita ng “weird behavior” ang mga bata ngayong pandemic.

    Ang unang rason: hindi sanay ang mga bata na marami silang libreng oras at walang ginagawa. Kapag bored daw ang mga bata, naghahanap sila ng “creative ways” upang aliwin ang kanilang mga sarili at matugunan ang kanilang “sensory, physical, and cognitive needs.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mula raw sa boredom na iyon sumisibol ang creativity, at kung minsan, weird ang nagiging kinalabasan.

    Ang pangalawang rason: mas napapansin ngayon ng mga magulang ang pagu-ugali ng kanilang mga anak dahil mas madalas silang magkakasama. Kaya iyong mga ginagawa noon ng mga bata sa eskuwelahan, daycare o di kaya playground ay nakikita na ng mga magulang.

    Paalala ni Dr. Myszak sa mga naga-alalang mga magulang na kadalasang lumilipas ang “weird behavior” ng mga bata. Wala raw dapat ikagambala at baka pagtawanan na lang ang mga ito kapag lumipas na ang pandemic.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles