embed embed2
  • 'Bakit Ang Tagal Sa Banyo?' Mga Tanong Ng Mommies, Sinagot Nina Ogie Alcasid At Michael V

    Masayang ikinwento ng dalawa ang 'panig' ng mga tatay.
    by Ana Gonzales .
'Bakit Ang Tagal Sa Banyo?' Mga Tanong Ng Mommies, Sinagot Nina Ogie Alcasid At Michael V
PHOTO BY Michael V., Ogie Alcasid
  • Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkakaintindihan sina nanay at tatay. Minsan talaga, may mga ginagawa ang isa't-isa na mahirap unawain.

    Para hindi na ito pagmulan pa ng simpleng hindi pagkakaintindihan o malalang away mag-asawa, itinanong namin sa mga celebrity dads na sina Ogie Alcasid at Michael V. o Bitoy, ang mga 'pressing questions' ng mga moms.

    Sa ikalawang episode ng Smart Parenting Exclusive interview namin sa kanila bilang aming cover ngayon buwan ng mga tatay, kwelang ipinaliwanag nina Bitoy at Ogie ang 'panig' ng mga tatay.

    Sinagot nila ang mga 'alegasyong' masyadong matagal sa banyo ang mga tatay. Ipinaliwanag din nila kung bakit kahit may listahan na, minsan nagkakamali pa rin si daddy ng bibilhin.

    Ipinaabot din namin sa kanila ang tanong ng mga nanay kung bakit mas nauuna pa silang nakakatulog sa pinapatulog nila at kung bakit hindi nila agad itinatapon ang basurahan kahit puno na.

    Excited ka na bang marinig ang mga sagot nila? Panoon ang buo (at nakakatawang) Smart Parenting Exclusive dito:

    Producers: Ana Gonzales with Jocelyn Valle

    Editor/video: Stephen Migallen

    Art direction: Jico Joson with Cyrille Calderon

    Relate ba kayo ng partner mo sa mga tanong ng mga nanay at sa mga sagot nina Ogie at Bitoy? I-share ang inyong diskusyon sa comment section.

    Mapapanood sina Michael V. at Ogie sa Smart Parenting YouTube Channel at Facebook page sa buong buwan ng Hunyo bilang pag-gunita sa Father's Day. Pumunta lang sa smartparenting.com.ph para mabasa ang iba pang kwentong isinulat namin tampok ang dalawang kwelang celebrity dads na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles