embed embed2
  • #KatakotSerye 1: Guni-Guni Lang? 'Parang May Nakatayo Sa Tabi Ng Anak Ko'

    Anong mga kwentong katatakutan ang naranasan mo kasama si baby?
    by Ana Gonzales .
#KatakotSerye 1: Guni-Guni Lang? 'Parang May Nakatayo Sa Tabi Ng Anak Ko'
PHOTO BY Unsplash
  • Sabi nga nila, kapag naging magulang ka na, ang tanging takot na lang na maiiwan sa puso mo ay ang takot na baka may hindi magandang mangyari sa mga anak mo. 

    READ MORE HORROR STORIES HERE: 

    Pero ibang level ng katatakutan ang mga kwentong nakukuha namin mula sa mga nanay sa aming online community. Sa simula ng buwan na ito ay inilabas na namin ang ilan sa kanila, ngunit patuloy pa rin kaming nakakakuha ng mga nakakakilabot na kwento. 

    Narito ang ilan sa mga chilling family ghost stories na isinali namin sa aming #KatakotSerye2020:

    'Mommy, sino 'yon?'

    Ilang beses na ring nangyari ito, pero sa pinakahuli ako pinaka kinilabutan. Dalawa lang kaming naiiwan ng anak ko sa bahay kapag gabi dahil panggabi ang trabaho ng asawa ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sanay naman na kami. Marami ring security features ang bahay namin dahil iba na ang panahon ngayon. Hindi ako natatakot dahil lagi rin kaming minomonitor ng asawa ko kahit na nasa trabaho siya. 

    Pero minsan, isang gabi, bigla na lang tinuro ng anak ko ang bintana, sabay sabing, 'Ma, sino 'yon?' Kinabahan ako. Gabi na kasi. Tahimik na sa labas. Hindi ko naman naisip na multo o kung ano. Ang naisip ko, magnanakaw. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isinindi ko ang iba pang mga ilaw sa labas. Baka sakaling matakot sila kung maliwanag. Pumasok kami ng anak ko sa kwarto pagkatapos kong i-double check na naka-lock ang mga pinto. 

    Ilang beses din siyang nagturo sa bintana noong mga sumunod na araw. Pareho pa rin. Nagtatanong siya kung sino ang tao doon. Hanggang isang araw, habang nanonood kami ng TV, bigla na lang nagsalita ang anak ko: 'Nasa loob na siya.'

    'Hindi kami kasya sa kama.'

    Ako ang nag-aalaga sa lola ko na medyo makakalimutin na. Hindi naman siya mahirap alagaan at nakakatulong naman sa kanya na kasama niya ako at ang anak ko na apo na yata niya sa tuhod. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi kasi nila, kapag nag-uulyanin na ang matanda, mas maganda kung lagi itong may kausap.

    Nitong mga nakaraang araw, naging mahirap alagaan si lola dahil bumabangon siya sa kalagitnaan ng gabi at nauupo sa dining area. Nagsasalita siya at nagtatawag na kakain daw ang mga bisita niya. Siguro, mga dalawang gabi ring ganoon ang nangyayari. 

    Sabi nila, ganoon daw talaga. Akala nila may nakikita o naririnig sila, kahit wala. Ang pinakanatakot lang ako ay iyong ginising niya ako isang gabi para sabihin sa akin na hindi raw kami kasya sa iisang kama dahil may apat pa raw na gustong tumabi sa kanya. 

    'Parang may nakatayo sa tabi ng anak ko.'

    Kapag nanay ka na, madalas, nagiging luxury ang pagligo—lalo na kung mag-isa mo lang sa bahay at ikaw lang ang nagbabantay sa anak mo. 

    Simula nang umalis ang yaya namin, ako na mag-isa ang nag-alaga sa anak ko. Sa gabi ang daddy niya, pagkagaling nito sa trabaho. Wala pang pandemic nang mangyari ito kaya hindi pa work-from-home si hubby. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong araw na iyon, hirap akong patulugin si baby. Hindi pa siguro talaga inaantok, naisip ko, kaya inilagay ko na lang muna siya sa playmat niya. Nakaupo siya at wala siyang makakaing delikdao o mahihilang pwedeng bumagsak sa kanya kaya iniwan ko siya sandali para makapaghilamos. 

    Sa lababo lang ako naghilamos. Kitang-kita ko pa siya habang naglalagay ako ng kaunting sabon sa palad ko. Nang magsimula na akong maghilamos, sinisilip ko pa rin siya. Wala akong pakialam kahit malagyan ng sabon ang mata ko.

    Habang nagbabanlaw ako, idinilat ko ng kaunti ang mga mata ko para tignan siya. Doon na ako nagulat. May nakita akong parang nakatayo sa tabi niya. Nakitingin sa kanya.

    Basahan yata sa lababo 'yung nadakma ko kakamadaling mapunasan ko ang mukha ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya pero wala namang tao. Kaming dalawa lang. 

    Thankful ako sa work-from-home. Hindi ko alam ang gagawin ko kung maulit man ang nangyaring ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    READ MORE HORROR STORIES HERE: 

    Mayroon ka bang mga nakakatakot na kwentong tulad ng mga nabasa mo? I-share mo na iyan sa comments section o ipadala sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com. 

    Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles