-
Toddler Entitled Na Ba Ang Anak Mo? 6 Na Madaling Paraan Para Baguhin Ang Ugaling Ito
-
Toddler Puro Angal? This 3-Step Technique Can Stop Your Child’s Whining Effectively
-
Money 3 Simple Yet Sure Ways To Save P12,000 By The End Of The Year
-
News Nasawi Ang Isang 12-Year-Old Dahil Sa Severe Lice Infestation
-
#SPConfessions: Hindi Ako Natanggap Sa Trabaho Dahil Sa Baby Ko
At iba pang #SPConfessions na natanggap namin tungkol sa pagbalik sa trabaho.by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Masarap maging ina at asawa, ngunit hindi rin natin maikakailang may kaakibat itong hirap. Marahil ito’y dahil na rin sa dami ng ating mga responsibilidad, hindi lang sa ating anak at asawa kundi pati na rin sa ating mga magulang, trabaho, at maging sa ating mga sarili.
Kaya naman madalas kaming makatanggap ng mga #SPConfessions na tungkol sa guilt. Madalas ay humihingi ng tulong ang mga nanay dahil hirap silang magdesisyon kung babalik na ba sila sa trabaho o hindi.
#SPConfessions: Hindi Ako Natanggap Sa Trabaho Dahil Sa Baby Ko
Last June 29 2019, I decided to apply for an office job na malapit lang dito sa bahay, walking distance sa aming bahay. Nakita ko kasi itong opportunity para matulungan si hubby sa aming mga expenses. Gusto kong tulungan siya kahit na hindi niya naman ako inuubliga.
Nag-apply ako sa kumpanyang ito na malapit nga sa bahay namin. Tinawagan naman nila ako agad at pinapunta para sa exam at interview. Nakapasa naman ako. Sabi pa nga ng interviewer, maganda raw ang resulta ng exam ko at satisfied sila sa mga sagot ko during the interview. Sinabi pa nga niyang sigurado na raw na makukuha ako.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWala nga lang ang kanilang boss kaya hindi natuloy ang final interview. Dalawang linggo rin ang nakalipas. Hindi nila ako tinawagan kaya ako na ang tumawag sa kanila. Noon pa lang nila ako sinabihang bumalik para sa final interview.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosDumating ako sa opisina nila para sa final interview. Dalawang oras din akong naghintay para sa boss nila. Nakaupo ako kasama ng ibang mga aplikante nang dumating ang isa sa kanilang mga empleyado dala ang mga papeles ko. Sa harap ng maraming tao, sinabi niyang ayaw daw ng boss niya sa aplikanteng may anak na baby pa. Sabi pa nila, bumalik na lang daw ako kapag malaki na ang baby ko.
Sa sobrang gulat at sakit na naramdaman ko, hindi na ako nakapagsalita maliban sa isang simpleng “okay.” Umalis ako na mabigat na mabigat ang loob.
Bakit ganun? Hindi man lang nila ako hinarap. Bakit nahusgahan ako agad? Nanay ako pero hindi ako nanay lang. At kahit kailan, hindi ko nakikitang limitasyon ang pagiging nanay ko at pagkakaroon ng anak para magawa ko ng maayos ang trabaho ko. Ganoon na lang ba talaga ‘yun? Pag nanay ka na, ganoon na lang kadaling husgahan ang magiging performance mo sa work?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW#SPConfessions: Gusto Ko Ng Career Pero Gusto Ko Ring Maging Hands-on Mom
To begin with, I'm an Electronics Engineer (and ganun din si husband). I resigned from my job as an engineer last May kasi nga nabuntis ako. I had to kasi maselan ako magbuntis. Last year kasi I have suffered from a miscarriage. And I also experienced bleeding sa pregnancy ko this year kaya wala akong choice kundi tumigil sa trabaho.
Fast forward, umalis si husband last September para magtrabaho overseas. And I recently gave birth last October.
Now my dilemma is the feeling na gusto ko alagaan and maging hands-on mother sa baby boy ko. But also I want to fulfill myself as a career woman. Hindi naman sa pagiging proud sa sarili pero I know myself na masipag tlga ako when it comes to work and I really gave my best to solve the problems sa office. And to be honest, nakakakuha kasi ako ng fulfillment sa career ko.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWThen, i-add natin yung pressure from my family na they are telling me na sayang ang pinag aralan ko. Ako naman tahimik lang pag napupunta na sa ganun yung usapan. ‘Yung husband ko naman, gusto niya sa bahay na lang ako at alagaan si baby.
Ang hirap na pakiramdam ko, kailangan kong mamili.
#SPConfessions: Promoted Na Sana Ako Pero Ayaw Kong Malayo Kay Baby
I've been out of my mind since yesterday, my boss (work) offered me a promotion but I need to relocate in our branch office (south Luzon). My husband lives there but currently, we are residing here in Manila with my family and my work is here.
The sudden transfer makes me really sad because I just can't accept it for too many reasons. 1. Aalis si husband to work abroad, waiting na lang ng date of flight; 2. Me and baby can't live with husband's family because crowded na sila dun; 3. If I will rent, dalawa na ang babayaran kong house rent kasi ako nagbabayad ng rent namin dito sa Manila; 4. I want to be with my baby everyday, as in kahit nasa work ako maghapon, ang mahalaga is uuwi ako after office to be with my baby.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTold my boss about the reasons, and he seems to not understand my situation.
I declined the offer and my heart is heavy because I really want to help our department too. But I just can't be away to my little one, he's 5 months old, I breastfeed him every night and every weekend.
Mayroon ka bang #SPConfessions na nais mong ibahagi sa amin? Mag join ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Maaari mo rin itong i-send sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

View More Stories About
Trending in Summit Network